CHAPTER 5

288 14 0
                                    

AVRIS GHANE'S POV

*END OF THE FLASHBACK..*

Ano na bang nangyayari sa akin. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Kahit nakapikit ako, gising ang diwa ko nang panahong nangyari 'yon. Di na ako gaanong nakakatulog sa gabi simula nang mangyari' yon. Lagi na ring lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing naaalala ko ito. Ano na bang gagawin ko? Hindi na mawala sa isip ko.

"Avris!" Narinig kong tawag sa akin. Siguradong isa sa mga subject teachers ko.

Pagkalingon ko sa tumatawag sa akin ay saka ko napagtantong tama nga ang aking hinala.

"Bakit po maa'm?" Sabi ko sa mahinahong tono.

"Ahmm,pede ba akong humingi ng favor sayo Avris?" Sabay puppy eyes ni ma'am. Bagets pa rin naman siya tignan, sa tingin ko nga ay ilang taon lang ang tanda n'ya sa akin eh.

"Ahm?sige po,ano po ba 'yon?" Syempre papayag ako kahit labag sa kalooban ko, baka mamaya mapag-initan ako n'yan kapag tumanggi ako. Saka kabisado ko na ang ugali n'yang si Maa'm, siguradong may pakunsuwelo naman s'yang ibibigay sa akin.

"May date kasi kami ng boyfriend ko Avris,eh pang 2nd anniversary namin kasi ngayon.So hindi ko matuturuan yung ibang section na hawak ko ngayong araw. Bali five sections na lang naman 'yon, puwede bang ikaw na lang muna ang magbantay and magcollect ng mga task na iniwan ko? Tutal naman kakaturo ko lang naman kahapon sa inyo ng mga kaklase mo at sa kanila ng topic sa task na papagawa ko. Kung papayag ka, magpapadala na lang ako ng excuse letter sa ibang teachers mo na hindi mo mapapasukan dahil sa papagawa ko sayo. Saka matalino ka naman ehh, kaya alam mong kaya mo na Yan. Saka para may pakunswelo naman ako sayo kahit pa paano, 'di mo na kailangang magpasa ng tatlong activies na gagawin natin sa mga sa susunod na araw.So pumapayag ka na ba?" Nakangiting sabi sa akin ni ma'am. Ngiting aso.

'As if na may choice ako.'

"Ahm sige po ma'am." Sagot ko kay ma'am. Malamang may gagawa pa ba ako? Diba wala, edi sumunod na lang ako sa agos ng buhay.

"Thankyou Avris!" Sabay yakap sa akin ni ma'am. Sobrang big deal na yata nung gagawin ko para sa kanya.

'Sabagay anniversary celebration.'

"Sabi ko na nga pala eh, ikaw ang pinakamaaasahan ko sa lahat ng mga estudyante kong tinuturuan, sabagay,ikaw naman ang pinakamabait sa kanilang lahat."

Sige ma'am, mambola ka pa sa akin. Alam ko namang nang-uuto ka lang.

"Oh s'ya, aalis na ako, baka malate ako sa date ng boyfriend ko. Thankyou Avris."

"Welcome po ma'am. Happy anniversary po. " Sabi ko at akma nang aalis si Maa'm ng pigilan ko siya. "Maa'm wait lang po!Ano po bang section ang hawak n'yong pupuntahan ko?

Ayun,buti pinaalala mo Avris,muntik ko nang makalimutan." Nakalimutan n'yo nga maa'm ehh. " Eto yung pagkakasunod sunod. Picturan mo na lang para hindi mo makalimutan kung alin yung una mong papasukan." Sabi ni maa'm kaya dali dali ko nang binuksan ang camera ng cellphone ko upang makuhanan ng picture.

"Maa'm ano pong mga section..? Tanong ko kay maa'm nung nabuksan ko na ang camera ng cellphone ko.

"Yung una STEM B,sumunod yung ABM A, sunod yung ABM B,tapos yung kasunod yung TVL B, tapos yung huling section ay yung HUMSS B." Nakangiting sabi ni maa'm sabay alis, habang ako ay naiwang nakatulala sa ere.Kasi na shock ako. Totoo ba talaga yung narinig kong sinabi ni ma'am, totoo bang yung HUMSS B yung isa sa mga pupuntahan ko?! Yung section ni Tyler?!

Mr.Cassanova Or Mr.Nerd?Where stories live. Discover now