CHAPTER 8

278 19 0
                                    

TREVOUS KRIOXIO POV

1 month na ang nakalipas simula ng maging sila. Nagulat ako nung una sa totoo lang. Hindi ko ineexpect ang nangyari. Nagseselos ako, pero may karapatan ba akong magselos? Wala naman akong karapatan. Walang kami. Inistalk ko na rin s'ya sa Facebook and IG. Nakita kong nakaset na ang relationship status nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaaccept ang friend request ko. HAHA! Sino ba naman ako para i-accept n'ya? Kahit isang beses nga ay hindi ko pa nga s'ya nakakausap simula ng mag transfer ako eh. Ay, lahat pala ng kaklase ko ay hindi pa ako nakakausap.

Sino ba ako para pansinin?

Kausapin?

Sinong kakausap sa mukhang weirdo?

It hurts. Nasasaktan ako na sila na ni Tyler. Ganito pala iyon? Parang may kung ano sa dibdib mo na masakit?

Parang ang hirap huminga? Ganito ba talaga 'pag broken?

Ngayon ay nasa isang sulok uli ako ng classroom namin.

Tila hangin. Parang walang nakakapansin.

Midterm Examination na namin ngayong araw. General Mathematics, Physical Education, Earth and Life Science and DISS ang nakaschedule na i-take namin. Lahat ng ito ay natapos ko na sa loob ng 1 hour and 30 minutes lang.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapasa.

Bakit?
Ayaw kong makakuha ng atensyon.
Nahihiya ako sa mga classmates ko.
Nahihiya ako kay Avris.

Maagang natapos ang klase, half day lang kami. Nakita ko na naman siya. Si Avris na nakangiti nang dahil kay Tyler.

"Babe" Tyler said.

Haha, sanaol.

Agad naman yumakap si Avris kay Tyler at saka nito kinuha mula sa kanya ang bag para bitbitin nito.

Nakakaingit.
Naiingit ako.
Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan eh.
Paano naman ako? Na matagal na s'yang gusto?

Naramdaman ko na nagsisimula nang magtubig ang aking mga mata kaya nag madali na akong umalis.

Ayokong makita ni Avris na umiiyak ako. Na nasasaktan ako.

AVRIS GHANE'S POV

It's been a month simula ng maging kami. At nararamdaman kong seryoso s'ya sa akin. Parang hindi mahahalata na "player" siya dati.

Talagang malaki na ng ipinagbago ni Tyler. Wala na syang ibang nakarelasyon bukod sa akin. Mukhang nagseseryoso na s'ya. Pero 'di ko malaman sa dibdib ko kung bakit parang gusto ko pang tumagal ang relasyon naming ito.Parang  maimagine ko palang na masasaktan s'ya ay nasasaktan rin ako. Ewan ko ba. Ang gulo ng isip ko. Ano na bang nangyayari sakin?!

Nandito ako sa room namin at nagtetake ng exam, pero nasa iba ang isip ko. Lagi ko na lang naiisip kung anong ginagawa ngayon ni Tyler?Kung may pinalit na ba s'yang iba sa akin? Kung niloloko n'ya na ba ko?Kung hanggang kelan ba kami magtatagal? Anong gagawin n'ya kapag anniversary na namin? Anong gagawin ko kung tutol pa rin ang parents ko sa relasyon namin?

Aisshhhh!! Ba't ba iyon ang naiisip ko?! Dapat nga ay ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko s'ya iiwanan at lolokohin. Kung ano gagawin ko para mas lalong masaktan s'ya.

Mr.Cassanova Or Mr.Nerd?Where stories live. Discover now