Chapter 1

104 12 0
                                    

Chapter 1: The Freniere's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1: The Freniere's

Van Isaac's Point Of View


Ilang oras ang itinagal namin sa loob ng sasakyan bago namin narating ang lugar kung saan gaganapin ang nasabing pagtitipon ni tanda. Naunang bumaba ng sasakyan ang driver namin saka kami pinagbuksan ng pinto. Lahat ng mata ng bampira ay nakatuon lamang sa bawat galaw na ginagawa namin. Halata na ang iba sa kanila ay kinakabahan dahil sa presensya namin at ang iba naman ay kalmado lamang.

"Let us all welcome the Freniere family!"

Matapos magsalita ng lalakeng bampira na may hawak ng mikropono, marahang lumuhod ang lahat at iniyuko ang kanilang ulo bilang pagbibigay galang sa akin at sa buong myembro ng pamilyang Frenier na dumalo.

Huminga ako ng malalim saka pinanatiling walang emosyon ang mukha ko. Bawat bampira na nadadaanan namin ay hinahabol kami ng tingin. Siguro dahil sa hindi sila maka-paniwalang ang pinakamalakas na pamilya sa buong angkan ng mga bampira ay nasa harapan na nila.

"Thank you for coming, Dan Freniere." saad ng lalakeng bampira na ka-edad lamang nina lola.

"Alam mong hindi ko basta-basta pinalalampas ang ganitong pagtitipon, Lucio." nakangising saad ni tanda saka pinaghila ng upuan si lola.

Walang sabi-sabing umalis ang matandang lalakeng tinawag ni tanda na Lucio dahilan para mahinang matawa ito. Pinagkunutan ko siya ng noo pero tanging ngisi lamang ang isinagot niya sakin.

"Maupo kana dito, Van." may bahid ng pagka-seryosong sabi ni lola saka itinuro ang bakanteng silya na nasa gilid ni tanda.

Tumango na lamang ako saka mabilis na naglakad papunta sa upuang nasa tabi ni tanda. Nanatili pa din itong nakangisi habang nakatanaw sa papalayong pigura ng lalakeng bampirang kanina ay kausap niya.

"Mukha kang tanga sa kaka-ngisi mo, tanda." inis na puna ko dito dahilan para mas lumawak ang ngising nakaukit sa labi niya.

"Hindi mo kasi kilala ang lalakeng nakabangga ko kanina, Van," saad nito habang ang atensyon ay nasa lalakeng papalayo samin. "Isa siya sa pinakamalakas na bampira noon."

"Pero may galit siyang nararamdaman sayo dahil mas nakaangat ka kumpara sa kanya? Am I right?" tanong ko at nakangisi pa din itong tumango. "Huh! What a loser!"

Sumeryoso ang mukha ni tanda saka ako nilingon. Isinandal nito ang kanyang katawan sa kahoy na silyang inuupuan saka nagpaka-wala ng malalim na buntong-hininga.

THE HARD HEADED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon