Chapter 4: The Demualvezes
Van Isaac's Point Of View
Mahigit sampong minuto din ang itinagal ko sa pagku-kulong sa loob ng sasakyan namin bago tuluyang bumaba. Naabutan ko pa ang ilang bampira na halatang hindi pa din nakaka-bawi sa nangyare kanina dahil pilit pa din nila yong pinagu-usapan. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid para sana hanapin si tanda pero mabilis na napako ang atensyon ko sa iba. Isang bulto ng kung anong nilalang ang naka-agaw ng pansin ko. Naka-tagilid ito habang nata-taklob naman sa kanyang ulo ang hoodie ng suot-suot niyang mahaba at pulang bestida kaya hindi malinaw sakin at itsura at mukha niya. Abala din ito sa pakikipag-usap sa tindera ng kung ano-anong halaman.
Nawala sa nilalang na yon ang atensyon ko nang may maramdaman akong presensyang papalapit sa pwesto ko. Agad akong humakbang patagilid saka mabilis na hinarap ang aking likuran at doon bumungad sa paningin ko ang nagta-takang mukha ni tanda. Binalikan niya din ng tingin ang kaninang tini-tingnan ko pero wala na doon ang nilalang na naka-agaw kanina ng pansin ko.
"Ano o sinong tini-tingnan mo?" tanong nito sa akin na sinagot ko lamang ng mahinang singhal bago umayos ng tayo at isinilid sa bulsa ng suot kong itim na coat ang dalawang kamay ko. Maya-maya pa ay ibinalik na din ni tanda ang tingin niya sakin saka mahina itong bumuntong hininga. "Nga pala, apo, hindi muna tayo uuwi ng mansyon dahil gugu-gulin natin lahat ng natitirang oras natin dito para mag-hanap ng babaeng pakiki-samahan mo."
Nangunot ang aking noo saka saglit na sinamaan ng tingin si tanda bago tuluyang nagsalita. "Masyado pang maaga para simulan natin ang pagha-hanap sa babaeng pakiki-samahan ko, tanda, at isa pa ay hindi pa din ako handa!"
"Naiintindihan kita, apo," malumanay na sabi nito bago ako inakbayan at saglit na tinapik-tapik ang kanang balikat ko. "Ang gusto ko lamang mangyare ay maligtas ka sa kung ano mang pwedeng mangyare. Nabanggit ko na sayo kung anong pwedeng mangyare kung susuwayin mo ang payo ng gabay, hindi ba? Wala tayong ibang magagawa kundi ang sundin yon, Van. Sundin at gampanan ang kung ano mang trabaho ang ipataw nila sa atin."
Bumuntong hininga ako saka napa-titig sa kawalan. Hindi ko na din alam kung anong gagawin ko lalo pa't salita na din ng nasabing gabay ang kalaban ko. Base sa mga sinabi ni tanda at ng lalakeng nasa pagti-tipon, mahirap maging kalaban ang binitawang salita ng gabay. Mundo na namin at ang mga nilalang na nakatira dito ngayon ang naka-taya.
"Bago natin gawin ang pagha-hanap ng babaeng pu-pwedeng paki-samahan mo, puntahan muna natin ang pamilyang malapit sa mga Freniere." rinig kong sabi ni tanda na naging dahilan ng pagka-balik ko sa sarili ko.
"Sinong pamilya?" tanong ko dahil wala akong ideya kung sino-sino ang mga bampira o pamilya ng mga bampira ang malalapit sa aming mga Freniere.
Tipid akong nginitian ni tanda saka iginaya pabalik ng sasakyan namin. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan, narinig ko ang naging sagot ni tanda sa kaninang tanong mo.
BINABASA MO ANG
THE HARD HEADED VAMPIRE
VampireVan Isaac Freniere. Ang lalaking walang ginawa kundi ang sawayin ang utos sa kanya ng mga nakakatandang bampira. Ang lalaking mas gugustuhing magkulong sa sariling kwarto kesa ang pamunuan ang lahi niya. Ang lalaking sing tigas ng bato ang ulo. May...