"TULA"
Ang tula na aking ginawa
Upang maipahatid ang aking nadarama
Sa babaeng nais kong makasama
Ngunit ako'y sa kanya'y nawalan ng pag asaHindi man ako eksperto sa pag ibig
Pero aking ipipilit
Na ika'y aking inibig
Sa bawat saglitIsa ka sa mga taong sakin ay nagpasaya
Makita palang kita, ako ay ubod na ng ligaya,
Ngunit kalungkutan ay nadama
Nang malaman kong may gusto kang ibaHindi ko ni nais na ibigin ka
Ngunit ako'y nabighani sa iyong ganda
Ika'y naiiba
Sa mga babaeng aking nakilalaKaya't ako ay nag papasalamat
Sa ligayang iyong binigay
Na kahit masakit
Puso'y sayo padin inalayKaya't saking pang huling sulat, ako ay namulat
Sa katotohanang ako ay balewala lang
Ang pagmamahal kong walang sukat,
Ay sadyang hanggang sulat nalangIsa akong tangang umasa
Dahil akala ko'y merong pag asa
Umibig nang mag isa
Kaya't ngayo'y nag durusaNararamdaman ay lilimutin
Sakit ay kikimkimin
Pipiliting magising
Na ikay hindi para sakinIka'y papalayain
At ika'y palilisanin
Tatangapin ang di pag pansin
At ang pag layo sa akinSa panaginip nalang matutupad ang gusto
Na maging tayo
Dahil akoy hindi para sayo
At puso'y moy para sa ibang tao
YOU ARE READING
Wattpad -Hugot,Qoutes and Poem
PoetryLove is sweet, yet more as fresh fruit than candy or confectionary. Love is colourful, yet more as summer blooms than the neon lights of frenetic city streets. Love is steady and forgiving, yet more as the wise mother than the servant in chains. Lov...