CRUSH"
Limang letrang lagi kong naiisip
Na sa twing nakikita kita ay para bang nananginip
Naaalala ko nung unang beses na makita kita
Ikaw lang ang nag iisang taong nakikita ng aking mga mata
Na sa tingin ko ay naiiba, at dun ko na nga nasabing gusto na kita..Natatakot na malaman mo kase nga torpe ako
Yung tipong pag nagkakatinginan tayo tumitigil ang pag ikot ng mundo
At kasabay naman nun ang pag iwas ng tingin ko sayo
Ayoko muna sanang malaman ko kase baka iwasan mokoDiko na alam kung paano na to
Diko naman kase alam kong bakit ako ganito
Kong bakit sa twing lalapit ka pinagpapawisan ako
Di ko talaga alam Kong bakit sa twing anjan ka Parang iba,
Promise, pati ako diko alam na crush kita..Oh ? Baka sabihin na bolero ako!
Oo bolero ako!
Bolero ako pag wala ka
Bolero ako pag malayo ka
Oo, bolero nga ako pero siguro dito lang sa aking kwaderno
Dito ko lang naman kase nasasabi ang mga bagay na gusto ko,
Kaya sana maging kwaderno ka nalang
Kwadernong sinasabihan ko ng nararamdaman
Kwadernong puro titik ng puso ko ang laman
Kwadernong lageng anjan na pwede kong pagkwentohan
Pero wala eh, kase kahit anung gawin ko wala akong lakas ng loob sayo
Para bang hanggang dito nalang ata ang pagpapakita ko ng nararamdaman sayo,
Yung lakas ng loob na lapitan ka
Yung mga tanong ko sana sayong "kumain kana ba"?
Yung salitang pulido,Hindi yung pahindi dahil sa pagbulol pag ikaw ang kausap ko
Yung maging normal pagkasama ka
Yung tayo lang dalawa,
Pero masaya at walang iniisip na problema
Pero wala, tanging papel nalang ata ang nakakabasa,
Pero masaya ako kase kahit wala akong papel sa buhay mo
Ikaw naman ang papel na tinukoy ko na nagbasa ng aking kwento
PAGHANGA lang kung tawagin mo pero pero yong papel na sinusulatan ko,yon yung papel mo sa buhay ko
YOU ARE READING
Wattpad -Hugot,Qoutes and Poem
PoetryLove is sweet, yet more as fresh fruit than candy or confectionary. Love is colourful, yet more as summer blooms than the neon lights of frenetic city streets. Love is steady and forgiving, yet more as the wise mother than the servant in chains. Lov...