Una

5 0 0
                                    

Halimuyak ng nakakagutom na nilulutong mga putahe ang maamoy sa kabahayan ng mga Montinola. Panahon na naman kasi ng kapistahan ng Nuestra Señora Dela Asuncion.
"Cattleya!" Sigaw ng punong abalang si Ricardo Montinola sa kaniyang panganay na si Cattleya Montinola. Natigil sa pagtipa sa kaniyang telepono si Cattleya. "Eto na nga po susunod na" Agaran namang tumayo ang dilag at lumabas ng kanilang tirahan. Nagtungo ang dalaga sa kumare ng kaniyang ina na si Cora Fuentes. Hindi na nag-abala pang kumatok si Cattleya at tuluyan ng pumasok sa bahay ng mga Fuentes. "Aling Cora Magandang umaga po" bati ni Cattleya ng makita si Aling Cora sa Kusina ng bahay nito. "O andiyan ka na pala Cat handa na naman ang order ng mama mo pumarini ka ng makuha mo na" sumunod naman ang dalaga sa nakakatandang ginang, nagtungo sila sa isang mas maliit na kusina. Inabot ni Aling Cora ang isang plastic na may laman na 8 llanera ng leche plan at 3 llanera ng ube. "Salamat po Aling Cora bukas nalang daw po ang bayad sabi ni Nanay" pagpaalam ni Cattleya sa ginang. Nang matapos si Cattleya sa bahay ng mga Fuentes umuwi na siya at pagdating niya sa kanilang bahay nadatnan niya ang maagang pagdating ng kaniyang mga katrabaho sa Maynila.
"Cat!" Salubong sa kaniya ni Geraldine na kaniyang pinakaclose sa trabaho. "Napaaga ata kayo hindi pa kami nakakapaghain ng handa" saad ni Cattleya "ok lang sumabay kasi kami kay Sir Ben, papunta rin pala siya dito nakita niya kami kanina nung papunta kami ng terminal" paliwanag ni Georgia ang isa niya pang katrabaho "Sinong Sir Ben? Kapatid ni Sir Cole?" Tanong ni Cattleya. "Ay isang taon ka pa ngalang pala sa office. Si Sir Ben ay nakaassign sa field kaya di mo siya siguro kilala at te hindi siya kapatid ni Sir Cole. Ang pogi ni Sir Ben kaya wag ka nga" may kasungitang sabi ni Geraldine. Natawa naman ang iba pang mga kasama nila sa reaction ni Geraldine.
"Ganun ba? Hahaha Sige diyan muna kayo tulungan ko lang sila nanay sa paghanda ng pagkain" paalam ni Cattleya.
"Nako ang pogi nga ni Sir Ben kanina ang bait pa"pakikinig ni Cattleya sa kwentuhan ng mga katrabaho na ngayon ay nakatambay sa balkonahe ng mga Montinola. "Totoo ka sana nga bumalik na siya sa office sa field mas rumarami kaagaw natin sa kaniya" pagsang ayon ni Geraldine.
Napaisip naman si Cat kung bakit parang patAy na patay ang mga kaibigan at katrabaho sa Sir Ben na yon "super pogi ba niyang Sir Ben na yan at kanina pa siya ang topic natin" pangbasag trip ni Cattleya sa mga katrabaho
"Nako Cattleya hindi parang koreanong payatot yon" sabi ni Ken na kinakunot ng noo nila Geraldine "wag ka nga Ken ang cute kaya ni sir" "ewan ko sa inyo" tanging sagot nalang ni Ken.
Tatlong linggo na ng matapos ang fiesta kila Cattleya. Busy sila ngayon sa trabaho dahil season na naman kung saan mas madami ang kanilang mga kliyente. "Cat una na kami ah hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Geraldine kay Cat na sandamakmak pa ang gagawin dahil hindi siya makapagfocus kanina dahil sa text ng kaniyang nanay. "Sige lang medyo madami pa kasi to ayos lang ako dito ingat kayo" umalis na nga ang mga kasama ni Cat.
Ilang oras ng nakatutok sa ginagawa si Cat hindi manlang siya tumigil simula alas singko ng hapon hanggang alas diyes. Iba ang focus ni Cat sa kaniyang ginagawa kapag nakuha na niya ang momentum ayon sa kaniya.
Hindi na nga niya namalayan ang mga pumapasok at lumalabas ng opisina. Pasado alas onse na ng matapos ni Cat lahat. Ilang araw naging ganoon ang naging routine ni Cat inaabot na siya ng gabi sa trabaho at madalas naiiwan siyang mag-isa. Mas marami rin kasi ang trabaho niya kumpara kasi sa iba dahil bago pa nga lang rin siya at mas mabagal pa siya ng konti.
"You did great Cat!" Bati sa kaniya ng mga katrabaho niya "thank you" ngiting pasasalamat ni Cat nabigyan kasi siya ng isang magandang Client ng kanilang boss dahil narin sa recommendation ng mga kaniyang mga ate at kuya sa office.
"Swerte mo may slight na field work to maeexpose ka na" pahayag ni Carol na kasama niya sa team para sa project niyang bago.
"Oo nga thank you sa inyo talaga" saad ni Cat
"Ano ka ba magaling ka kaya maraming nagrecommend sayo tsaka si sir Cole naman ang huling may say kaya for sure nakita niya rin yung galing mo alam mo naman yun napakastrikto" nangiti nalang si Cat sa sinabi ng katrabaho baka nga at buti nalang nagpakasipag siya.
" makikilala mo narin si Sir Ben ang crush ng nakakarami" kilig na sabi ni Geraldine ng kumakain sila ng Lunch "crush na crush mo yon no pero sabi ng iba nating katrabaho taken na daw si Sir Ben ah" pahayag ni Cat "mag-asawa nga nagbbreak sila pa kaya" ngising sabi ng kaibigan. Napailing nalang si Cat sa kalokohan ng kaibigan.
Kinabukasan nasa conference room na ang team nila Cattleya inaantay nalang nila ang isa sa pinakapitagpitagang employee daw ng company according sa mga babae niyang kasamahan sa trabaho na si Sir Ben.
"Good Morning! Sorry I'm late" bati ng kakapasok lang na lalaki. Hindi naiwasan ni Cat na tingnan ito head to foot. Sinuri niya ang lalaking crush ng nakakarami.
Muka ngang koreano pero di ko bet Chris Hemsworth padin sa isip isip ni Cat. Nagkatinginan si Cat at si Sir Ben ngumiti ang lalaki at napangiti tuloy ng pilit si Cat sa gulat.

Pauwi na si Cat mula sa trabaho. Nakasakay siya ngayon sa bus pauwi ng province 2 hrs away lang ang byahe pauwi sa bahay ng magulang niya. Habang traffic napagpasiyahan ni Cat magsocial media inadd niya ang lahat ng parte ng kaniyang bagong project para mas madaling makipagcommunicate.

Nakatulog pala si Cat sa biyahe nagising nalang siya na malapit na siya bumaba. Pagdating niya sa bahay naghapunan lang siya at nagayos na ng sarili. Patulog na si Kat ng sandamakmak na txt at chat ni Geraldine sa kaniya.
"Friend grabe ka" unang message ni Geraldine
"Grabe tagal ko ng inaantay si Sir Ben pero ikaw inaccept ka agad" pangalawang txt ni Geraldine parin. Hindi na binasa ni Cat ang iba pang message ni Geraldine at nagbukas nalang siya ng social media. Tiningnan niya ang mga new friends niya.
Ay Inadd ko pala si Sir Ben. Napagtantong isip ni Cattleya.
"Bihira lang ang inaaccept ni Sir Ben na friend request iba ka Montinola" biglang pop out na mensahe ni Carol sa kaniya. "Bakit di ka ba inaccept?" Balik na message ni Cat sa kateam "oo kaloka ilang beses na kami nagkawork niyang si Sir pero di ako inaaccept nan" paliwanag ni Carol "baka kilala niya lang ako or bak nagkamali lang ng pindot yung tao" paliwanag ni Cattleya.
"Sira hindi pwede yun swerte mo girl haba ng hair ah" reply ni Carol.
Biglang may nagnotification kay Cattleya habang kachat niya si Carol. Binuksan ni Cat ang notif at nagulat siya sa post ng kaibigang si Geraldine at nakatag pa siya.
**Sir grabe ka iaccept mo ko hindi kita papayagan sa friend ko** nakaattach ang screenshot ng activity na friends na kami ni Sir Ben. At nagcomment pa si sir don.
* Ms. Montinola inaasar ka nila* comment ni Sir na kinawindang ni Cattleya hindi alam ni Cat ang nararamdaman hiya dahil sa ginawA ng kaibigan at hiya kasi napagtripan din siya ng gwapong binata.
1 new message
Geraldine:
Cat ayos na lang pala sayo mapunta si Sir Ben atleast alam kong sayo siya mapunta. And friend breaking news single si Sir ngayon ayieee bet ka niya I think
Binasa nalang ni Cat ang pangasar ng kaibigan na message at tinanggal sa isip na totoo ang kalokohan ni Geraldine. Loka loka lang talaga ang kaibigan niya sabi niya sa kaniyang sarili at pinatay na ang cellphone.

Lucidumstellae says:
Walang po akong panahon upang balikan ang bawat mali na aking nagawa kaya pagpasensyihan niyo nalang po. Maraming salamat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalokohang pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon