Isang magandang umaga ang sumalubong kay Rania pagkagising niya.
Tinanghali na siya ng gising. Palibhasa wala siyang pasok ngayong araw kaya kumportable siyang hindi gumising ng maaga.
Mamayang tanghali pa di naman ang dating ni Zachariah kaya wala siyang dapat na ipag-alala.
Itinali ni Rania ang basa pang buhok dahil kakatapos niya lang maligo at nagbihis tiyaka siya bumaba para maghanda ng agahan niya.
Nang makababa siya isang napakabangong halimuyak ng pagkain ang sumalubong sa kaniya.
"You're finally up, sleepy head." Pang-aasar ni Zachariah sa kaniya.
Napasimangot naman si Rania sa huli.
"Ba't ang aga mo ngayon? Akala ko ba mamaya ka pa?" Naitanong ni Rania at kumuha ng fresh milk sa ref.
"Wala kasi akong masyadong gagawin kaya naisipan kong pumarito ng maaga. Bakit? Masama bang nandito na ako?" Pagkukunwari'y nasasaktan ito at may pahawak pa ito sa dibdib.
Napairap nalang si Rania sa inaasta ni Zachariah.
"Tsk. What's up?" Kilala na ni Rania si Zach kaya ng magtanong siya ay agad na ngumiti si Zachariah sa kaniya.
"You really know me well." May nakakalokong ngisi sa mga labi na Zach.
Sumimangot lang si Rania at nameywang.
"Ano na naman ang ginawa mong kalokohan ha Zachariah?" Parang nanay na pinapagalitan ni Rania si Zach na may malokong ngiti.
"Nothing much. I just need a little entertainment for myself." Maloko namang sagot ni Zachariah kay Rania.
Rania just shrugged her shoulder and drank her milk.
Sanay na siya na may gagawing kalokohan si Zachariah. Hindi man niya alam kung ano iyon ay hindi niya rin naman tinatanong.
Tumahimik nalang si Rania at ninanamnam ang pag-inom niya ng fresh milk.
Humarap si Zachariah kay Rania ng matapos siyang magluto at umupo kaharap nito.
"Aren't you going to ask me about it? Don't you want to be nosy?" Nangangasar ang mukha ni Zachariah habang pabirong sinusundot ang braso ni Rania.
"Hindi. I perfectly know that doesn't concern me. Kaya hindi na ako magtatanong." Tapos ay tinampal ni Rania ang kamay ni Zach.
"But it just might." Ginalaw galaw ni Zach ang kaniyang kilay habang nakatingin kay Rania.
"What do you mean?" Biglang nagkainterest si Rania doon.
Umalis si Zachariah sa pagkakaupo at kumuha ng dalawang plato.
"Let's just say, someone visited the Mansion." Panimula ni Zachariah habang inilalapag ang mga pinggan.
Could it be Samson? Sa isip-isip ni Rania habang nakasunod ang mga mata kay Zachariah at sa ginagawa nito.
Naghintay lang si Rania na ipagpatuloy ni Zach ang pagkukwento.
Ngunit hindi na nagsalita pa si Zach at tanging ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya.
You can't just left me hanging Zach! Sa isip-isip ni Rania. Gusto niya sanang usisahin ang kaibigan ngunit hindi niya nalang itinuloy. Aasarin na naman siya nito pag nagkataon.
Hindi niya uusisahin ang kaibigan dahil alam niyang sasabihin din naman nito sa kaniya lahat. Mahilig lang talaga itong mang-asar.
"Okay." Iyon lang at nagsimula na si Rania kumain.
BINABASA MO ANG
Chasing After Him (COMPLETED)
RomanceLove me or Hate me? - Rania Wynona Asidera -- This is the book 2 of Escaping From Him. Before you read this one, read first Escaping From Him so you could understand the whole story. Thank you :)