RANIA POINT OF VIEW
Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya lumingon ako para malaman kung sino ito.
Nahuli ko ang isang lalaki na agad na umiwas ng tinginat bumaling sa harapan.
Napakunot ang noo ko. Parang pamilyar sa akin ang lalaki. Saan ko ba siya nakita?
Inalala ko kung saan ko ba siya nakita. Pamilyar kasi talaga ang mukha niya. Aish! Bahala na nga. Magko-concentrate na muna ako sa oral recitation namin ngayon. It's not that important anyway.
During our recitation everything went smoothly. Nakakasagot ang iba ang samantalang ang iba naman ay hindi. And me? I was able to answer each questions what our professor threw at me.
It's almost time when the oral recitation was finished.
Inayos ko na ang mga gamit ko at sinilid sa aking bag. At nang mag dismiss ang prof namin ay agad din naman akong lumabas para makauwi na.
Nagpunta ako sa parking lot ng school at hinanap ang aking scooter. Buti nalang at nagpabili ako nito kay Zachariah. Hindi na hassle sa akin ang umuwi.
Minsan pa naman gabi na ako kung makauwi sa bahay dahil sa iba kong klase. Sobrang thankful ko talaga at nandyan si Zach. Ang thoughtful at ang bait pa.
Speaking of which, matawagan nga iyon mamaya pagkauwi ko.
Sumakay na ako sa scooter ko, nag-sign of the cross bago sinuot ang helmet tyaka pinaandar ko na.
--
Nakarating ako sa bahay lampas biente minutos. Pinasok ko ang scooter sa loob ng bakuran ko at pinarada ito ng maayos.
Bumaba ako at tinakip ang pantakip sa aking motor. Pagkatapos ay sinarado ko ang gate bago pumasok sa bahay.
Pinindot ko ang switch ng ilaw at agad akong dumiretso sa sala para makapagpahinga. Minasahe ko ang aking dalawang kamay dahil nanginginig ang mga ito.
Hindi pa rin kasi ako sanay na magmaneho ng motor. Oo, may alam na ako pero hindi pa ako ganun ka confident. Kinakabahan pa rin ako minsan sa tuwing minamaneho ko iyon.
Pagkatapos kong masahiin ang aking mga kamay ay kinuha ko ang bag ko at hinanap ang aking cellphone.
Agad kong di-nial si Zach ng makapa at makuha ko na ito. Di-nial ko siya ulit ng hindi siya sumagot sa una kong tawag. Ngunit ganun din ang nangyari hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko sa ikalawang pagkakataon.
Napabuga nalang ako ng hangin at sumandal sa aking sofa.
Mukhang busy na busy si Zach ngayon dahil ayaw magpa-istorbo. Hmmp.
Ipinikit ko ang aking mga mata para umidlip sana ng biglang nagba-vibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo ko ng isang unknown number ang lumitaw sa screen.
At sino naman kaya to?
Hindi ko ito sinagot at inilapag nalang sa lamesita. Hindi kasi ako basta-basta sumasagot sa mga tawag lalo na t unknown number ito. Malay ko ba kasi kung scammer or kung ano ba. Mabuti na iyong nag-iingat.
Nagbeep ang aking cellphone hudyat na may nagtext. Tiningnan ko kung ano iyon.
From: +639*********
It's me. Pick it up.
Matapos kong basahin iyon ay tumawag na naman ang parehong number.
Sinagot ko na ito.
"Bakit bigla kang nagbago ng number?" Salubong kong tanong sa kaniya.
"Ang galing. Wala man lang 'hello'?" Tugon niya.
BINABASA MO ANG
Chasing After Him (COMPLETED)
RomanceLove me or Hate me? - Rania Wynona Asidera -- This is the book 2 of Escaping From Him. Before you read this one, read first Escaping From Him so you could understand the whole story. Thank you :)