Chapter Two: The Past Changed Me

20 0 0
                                    

Chapter Two: The Past Changed Me

4:30pm

Hinihintay ko na lang si Xander.

Dapat makikipagbreak na ako kay Xander kasi 5 months na kami pero naduduwag ako. Sa totoo lang nanghihinayang akong makipaghiwalay sa kanya kasi he’s sort of a good boyfriend. Ako kasi simula ng na-heartbroken ako natuto na akong wag magtiwala sa mga lalaki. Idagdag pang muntik ng maghiwalay ang parents ko dahil sa pambababae ni Papa pero naayos din nila iyon. Kaya nung umalis ako after ng elementary graduation, sumama ako sa mga pinsan ko na magbakasyon sa US. Doon nagsimula ang pagbabago ko. Nag-exercise ako araw-araw hanggang sa pumayat ako. Tinuruan din nila akong mag-diet at maging strict sa meals intake ko. Pinakulayan ko din ang buhok ko mula sa black naging dark brown siya. Inabot ako ng 4 months doon na imbes 2 months lang dapat. Pero nag-aaral pa rin ako kaya kahit nahuli akong pumasok noong 1st year highschool eh nakahabol ako at duh, syempre nahigitan ko pa ang mga pumapasok araw-araw simula ng day one.

Nagulat ang pamilya ko sa aking pagbabago. Pero syempre proud sila sakin. Hindi nga lang nila alam kung anong dahilan ng mga pagbabagong yun. Nag-enrol ako sa ibang school. Paano ako makakapag move-on kung susundan ko siya? Tsaka wala naman akong friends don’ kaya okay lang.

Walang nakakaalam sa mga kaibigan ko dito sa highschool ang tungkol sa nakaraan ko. Parang nang tumapak ako sa highschool nag-iba yung mundo ko. Well, ako pa rin ang top student na kinaiinggitan ng mga babae pati na rin ng mga lalaki. Parang wala lang daw sakin ang mag-aral. Yung iba naman namamangha, pano ko daw nagagawang i-maintain ang aking standing na straight A student eh hindi naman ako nagpapakapagod mag-aral. Nakikita kasi nila akong kasama ang aking friends mag hangout, o kaya ang mag date ng mga lalaking sikat sa school.

Tinatawanan ko na lang sila. Hindi naman nila alam ang pinagdaanan ko eh. Hindi nila alam na ako ang laughingstock ng school ko noon. Lahat na ata ng masasamang salita sa mundo nasabi nila sakin. Kumpleto pamilya mo pero malungkot ka. Sobrang yaman niyo pero mag-isa ka. Sobrang talino mo pero binubully ka. Daig ko pa ang pinakabobo at pinakamahirap sa school. Atleast sila may mga kaibigan ako wala. Ewan ko lang kung sino hindi magbago dun. Pero okay lang, those things changed me. And those changes are for the better.

Okay lang sakin, wala man akong naging kaibigan noon atleast hindi ko kailangan makisama sa mga taong hangad lang eh ang kayamanan mo. O di kaya sumasama lang sa iba kasi di nila kayang mag-isa.

The past may have changed me. But it made me, wiser. Stronger. Braver. More confident. At syempre PRETTIER and SEXIER. Oha! Taray ng ateng niyo di ba?! Kaya girls, kahit ibully kayo, wag kayong mag-papaapi. Stand up and fight. Ipakita niyong kaya niyo din.

Hmm…ano kaya kung tumakbo ako sa student council? Mukang magandang idea yun ah.

Napangiti ako sa naisip ko. Sisiguraduhin kong hahabul-habulin ako ni DH. Magmamakaawa siyang pansinin ko siya. At higit sa lahat, papahirapan ko siya. Teka, hindi pa nga nanliligaw pahirapan agad?! Aisssshh.

Tumingin ako ng deretso. Shet. Nakatingin sakin si DH. Kanina ko pa napapansin tong mga lalaki na to eh. Nung umupo ako ditto sa bench pinagtitinginan na nila ako. Mukang team sila. Ano naman kayang team? Baka sports. Nakuuu. Paano kung member pala sila ng frat?!

May mga lalaki pang dumaan sa gilid ko papunta sa grupo nila DH. Nuxxx. Ang yuyummy ah. Ang gaguwapo pa. Nakita kong may nilabas silang mga black and white na bola bags. Soccer players pala. Sheeeeet. Na-iimagine ko tuloy si Beckham. Hot!

Nagsimula na silang magtrain at tila si DH ang nag-iinstruct sa kanila.

Busy akong panoorin ang mga nagkalat na grupo-grupo ng estudyante sa university garden ng biglang may tumakip sa mata ko mula sa likod. Syempre si Xander nay an ano pa nga ba. Although hindi ko siya mahal, mahirap pa rin saking makipagbreak sa kanya.

Nakasanayan ko na kasi ang presence niya. Hindi man kami sweet sa isa’t isa pero kung magkulitan kami sobra. Para kaming mga bata.

“Guess who?” sabi niyang trying hard gayahin ang boses ni Bugs Bunny.

“What’s up, Doc ?” I answered half smiling kahit di pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa mata ko.

“Did you see Fred?” he asked again now imitating Scooby Doo.

“Nope, but surely I know where Xander is”, I said riding with his playful side.

 “Ah. Alexa, Alexa, how you make me Hakuna Matata” he said with Timon’s voice.

“Ofcourse, you should do it…..for the rest of your day” I sang half giggling.

“You know….you are my melody”, he sang trying to be Ariel.

That was the time I wasn’t able to contain my laughter. Tama ba yung gayahin daw ba si Ariel?! Ang bakla tuloy pakinggan.

“Hahahahaha”, I can’t stop laughing. He hugged me from behind while I’m still sitting. Papalubog na yung sunset. Parang naging romantic tuloy yung setting. Natahimik ako bigla. Wala akong oras maging romantic kasi makikipagbreak na ako sa kanya. Sana kahit papano maging mag-kaibigan pa rin kami. Isa siya sa mga lalaking nakagaanan ko na ng loob. Yung tipong, wala kang pakielam kung ano sasabihin niya kahit magpakatotoo ka. Kaya nga nalulungkot din ako kahit papano kung ito na ang huli naming pagsasama. Kahit sabihin ng iba na player siya. Sobrang bait ni Xander.

Umupo siya sa tabi ko at nakatingin ako sa kanya. It’s now or never.

“Blair”, he called my name.

“Xander”, I called out to him at the same time.

Pucha bakit ang hirap ata.

“Okay, you first” pagbibigay niya.

“Urrrm..Xander I’m sorry but….”

“No, Alexa. Please don’t ruin this moment”, he said as he looked away.

“But Xander..wag na nating patagalin to”

“Alexa please…just one more month. Can you please let me spend another month with you?, he said what feels like more of begging.

“Why Xander?” I asked.

“Just because.”

“Kung wala ka naman palang magandang dahilan eh maghiwalay na tayo”, sabi ko.

“Masama bang hilinging makasama ka?” tanong niya habang nakatitig sa mata ko.

Ugh shet!! Wag mo akong titigan ng ganyan Xander!

Huminga ako ng malalim.

“Fine. Ano lang ba yung isang buwan”, I said giving up.

“Thank you”, sabi niya.

Nauna siyang tumayo pero bago siya maglakad. Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng hug. Para na rin sa pinagsamahan namin yung ibibigay kong one month na yun. He’s actually a good boyfriend. We never fought at iniiwasan niyang magkapikunan man lang kami. He’s quite a gentleman too.

What now, Alexa Blair? Ayan, asan na ang 3-month rule mo? Ako kasi everytime na magkakaboyfriend ako, hanggang 3-months lang talaga. Isa pa lang ang nakakasira nung golden rule ko na yun. Si Xander lang. Dodoble na nga siya sa 3 months eh. Haaay. Sana tama yung ginagawa ko. Ayoko naming ma-fall sa kanya. No way! I will never fall in love. This I promise you….oohh. Over and over again…Chos bakit napakanta ako don?! Anebe…

Ah basta! One month na lang naman eh. Mabilis lang yun. 

After non uumpisahan ko na ang misyon kong.....

Breaking Dean Hunter's fucking Heart.

The Campus HeartbreakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon