Ako si Drei, Malikot, masayahin, malambing sa mga babae, medyo playboy, makulit, Moreno, matangkad, Syempre GWAPO, mabait, may respeto sa mga babae, Gentlemen.
May kaklase akong transferee, Mabait siya, sobrang tahimik, at aaminin kong..
Maganda siya. Simple lang siya kaya simple lang yung ganda niya. Siya si Shan.
Nang tumagal ang mga araw, Di ko akalaing may pagbabago mangyayari sa kanya.
Ngayon, makulit na siya, maingay ng konte, mabait pa rin kaso palalaban na, madaldal na rin, active na.. Ang sabi niya, sa una lang daw siya mahiyain kase daw di pa daw siya komportable sa paligid niya at naninibago pa daw siya kaya eto siya ngayon na mas masarap kasama.
Madalas ko siyang tinatawag na 'Bhes' may nakalagay kasing papel sa locker niya na ang nakasulat e, 'WANTED: BOY BEST FRIEND' kaya inaasar ko siya at yun ang tinatawag ko. Nang tumagal, eh.. Lagi na kaming magkatabi, magkausap, magkachat, nagfaface time nga kami e, muka daw kaming mag-on at dahil sobrang close kami sa classroom.. Inaasar kaming 'Bagay daw kami ang sagot ko naman sa kanila eh "Dami niyong alam" alam ko naman kasing lokohan lang ito.Wala namang kami e. Sinakyan ko nalang trip ng mga kaklase ko. Tinawag ko si shan na 'BABES'.
Ayos na ako sa ganito, Masaya at malaya akong gawin lahat ng gusto ko sa kanya. Hindi kami, kaya anytime pwede akong magalit o magtampo kase alam kong Lalambingin niya ako. Kaso.. Mahal ko ang Bestfriend ko. Kung pwede lang eh sana maging kami na kaso ayaw niyang magpaligaw. Ayoko namang saktan si Shan kase kahit alam kong kahit lokohan lang to eh nahuhulog na siya sakin, Hindi ako manhid. Ramdam ko ang presensya niya....
Kaya kailangan kong pigilan ang kalokohang ito.
Ayokong makasakit ng tao lalo na't mabait si Shan. Gusto ko siya pero mahal ko yung Bestfriend ko at ayoko namang masaktan lalo ang Bestfriend ko. Mahirap magdesisyon pero...Nilayuan ko si Shan, hindi ko siya pinansin, hindi ko na siya tinetext o chinachat, hindi ko na rin siya nilalapitan at tinitingnan. Nang minsan tinanong ako ni shan, kung galit daw ba ako at ang naging sagot ko este palusot sa tanong niya e, "hindi ako galit ayoko lang ng may nagtatampo sakin" pero halatang halata pa rin niya na muka akong galit kahit hindi dahil ang totoo naman eh, iniiwasan ko na siya kase ayokong mas mafall sa kanya. Sabihin niyo ng two timer ang puso ko, Mahal ko ang bestfriend ko at nafafall ako kay Shan. Mahirap ang naging sitwasyon ko. Dahil nung panahon na inamin kong mahal ko ang bestfriend ko e, iniwasan niya muna ako kaya ako tumakbo kay Shan, si shan naman binigyan niya ako ng motibo na may gusto siya sakin pero nung time na alam kong mas nafafall na siya sakin eh dumating aulit ang bestfriend ko. Nafriendzoned ako pero sabi ko sa kanya eh handa akong maghintay kapag ready na siya hindi ko naman minamadali e. Pero nung minsan, chinat ako ni Shan at ang sabi niya..'I miss you' wala akong maisagot.. Kaya ang sinagot ko... '....I miss you too friend! '
Friniendzoned ko siya, alam kong masakit sa parte niya. One sided Love eh. Pareho kami ng sitwasyon.
Lumipas ang panahon, mukang wala na akong gusto sa kanya. Malaya na siya. Ngunit alam kong she still Loves me kaya di niya naiwasang magtanong. 'Nagbago ka na', 'Hindi ka ba talaga galit sakin? Bat parang galit ka?' Ayan! Andami nanaman niyang tanong sa akin.
Dumating kami sa point na...Nagkailangan kami.
Isang araw tumakbo sakin si Reine.
"May sasabihin daw sayo si Shan!!!"
"Okay."
*Nakatayo na siya sa harapan ko.
Bakit ganon? Kinakabahan ata ako sa pag uusapan namin. Anlakas ng tibok ng puso ko.
"Eh kasiiiiiiiii! Ganito kasi yun......"
"Uhm?"
"GUSTO KITA EH. Pero... Nevermind mo na lang yun kase kaya ko namang burahin e. Ge yun lang :)"
Alam kong Fake yung smile niya. Kilala ko na siya e. Pero nagulat talaga ako sa sinabi niya.
I just smirked at her and punch her (yung di masakit dampi lang) on her back and she smiled again.
Alam kong May gusto siya sakin.
Days passed mukang galit sita sakin ah. Madalas akong nakakarinig ng mga parinig niya katulad ng
'PAASA' , 'PAFALL' , 'MASAKIT' at kung anu ano pa. Alam kong nasasaktan siya. Kaya nga ayoko na e. Kase alam kong mas lalo pa siyang masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa.
*After 1 month
Hindi na siya nagpaparamdam. Siguro move on na, hahahaha nakakatawang isipin na ganito yung nangyare.
Pero.. bakit parang namimiss ko siya? Siguro dahil makulit siya, na ngayon eh wala nang nangungulit sakin, wala na akong kakulitan, kalokohan, katangahan at katawanan. Siguro tama siya sa sinabi niya sakin noon, She's really different from other girls.
Ow how I miss her now!!! Nakakainis. Dapat sinabi ko sa kanya na may feelings ako sa kanya noon, Torpe ba talaga ako? Natakot kase ako. Natakot akong aminin sa kanya kase alam kong di maganda ang kinahihinatnan kung sasabihin ko yun. I'm such a fool. Sino na ngayon yung tatakbuhan ko kung wala na si Shan?? Ngayong iniwan na talaga ako ng bestfriend ko at may mahal ng iba. Sino? Sino ang dapat sisihin? X(
Wala na e, Asa huli lagi ang pagsisisi.
By this time, nakikita kong masaya siya sa mga iba naming kaklase. Okay then, ayos lang. Basta nakikita ko siyang masaya, ayos na ko kase kung pipilitin kong ibalik yung dati baka di na mangyare yun. I just want her back :'(
ANG TORPE KO.
Pumunta ako sa field at inilabas s lahat ng sakit...
"MAHAL KITA SHAN!!! I'M SORRY!!!"
I HATE MYSELF...DI KO DAPAT GINAWANG GANITO ANG LAHAT.. HAYYY WALA NA AKONG MAGAGAWA.
This is the regret I will never forget, kasi kahit ilang araw ko lang siyang nakasama naging masaya ang bawat araw na yun.
I Love you Shan :'(
-THE END
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Sorry kung panget yung story. Di ko naman kasi alam yung talagang asa isip niya, ginawan ko lang ng mga imaginated thoughts yung mga nangyare, this is base on reality. Ito yung nangyare SAMIN NOON. The nice story is di pa published. Just leave your comments below and I HOPE YOU LIKE IT ;)
THANKS FOR READING!!! :)
~ThePainlessGirl
BINABASA MO ANG
TORPE AKO (One shot)
Historia CortaMadrama ang buhay ko. Madami akong pinagdadaanan. Pero siya! Siya lang yung nakakapag pagaan ng loob ko, siya yung nakakapagpasaya sakin..Pero NatoTORPE ako sa kanya.