Chapter 2

9 0 0
                                    

Pagkadating ni Brylle sa loob ng kanilang classroom ay pansin na sa mukha nito ang pagkainis.Agad naman itong nilapitan ng nobya na si Stella at sinimulang sinuyo. Wala pa ang kanilang guro kaya Malaya silang dalawa ng kanyang nobya makapaglambingan.

Simula first hanggang second period, nakakapagtakang walang mga guro ang makikitang tumungo sa kanilang school building maging sa ibang classroom.

"Guys, believe it or not", ang hingal na wika ng kanilang classroom president na si Skylla na kakapasok lamang mula sa faculty. "Merong gwapong binata na kasalukuyang pinagkakaguluhan sa faculty, hindi lang dahil sa anyo nito, kundi sa kasaysayan ng paaralang ito, siya ang nagpangahas na i-perfect ang entrance exam."

Nagulat ang lahat sa narinig nilang balita. Isang milagro ang ma-perfect ang entrance exam ng kanilang eskwelahan, dahil mga dalubhasang iskolar mula sa iba't ibang panig ng mundo ang gumawa nun. Naglalaman iyun ng high calculus, genetic patterns, riddles sa English, world history at kung ano-ano pa. Mahirap ipasa ang pagsusulit na iyun dahil denesinyo iyun upang hindi ma-perfect ninuman. Dahil ang kondisyon kapag napasa ang mahirap na pagsusulit na iyun, ay sagot na ng paaralan ang mga bayarin, aklat, weekly allowance at maging ang kwartong tutuluyan ay libre hanggang pag-college ay patuloy parin silang magus-suporta. Iilan lang ang nakapasa, at masasabing matatalino ang mga iyun. Pero ang ma-perfect ang pagsusulit na iyun, ay isang malaking pala-isipan para sa lahat sa kung anong klaseng nilalang ang makakagawa nun.

Pagka-third period nilang subject, ay pumasok na ang guro nila sa asignaturang Pangdaigdigang kasaysayan na si Ginoong Roberto. Lagi itong seryoso at mainitin ang ulo, pero sa pagkakataong ito, pumasok ito sa loob ng classroom nila na maaliwalas ang mukha sabay bati, "Good morning, Class!"

"Good Morning, Sir!", ang bating pabalik ng mga estudyante.

Isang estudyante ang tumanong, "Sir bakit para yatang ang saya niyo ngayon?"

"Malamang, sinong hindi sasaya kapag nakakilala ka ng matalinong taong merong Remote Viewing"

"Sir, anong remote viewing?", ang tanong ng nobya ni Brylle.

Pero bigla na lamang natahimik ang lahat sa pagpasok ni Gabrielle na siyang ikinagulat ni Brylle. "Remote Viewing is unique because it requires a well-developed memory. It is essentially the same as a photographic memory but the brain can track the items or people as they move throughout a room or area. This works until new elements are introduced and the viewer must take a second look to be able to see everything clearly. It only takes one glance for the brain to register everything that is happening around them", ang pagpapaliwanag nito.

"Ano daw?", ang paglilinaw ni Skylla na parang hindi naintindihan ang narinig.

"Well", ang wika ni Gabrielle, "Remote Viewing, sa madaling salita, kaya kong malaman at ikabisa ang lahat sa isang tinginan lamang"

"At sino ka naman?", ang parang namamanghang tanong ni Stella.

"Let me introduce to all of you", ang panimula ng guro. "Mr. Gabrielle Saguilla"

Nagulat naman si Skylla na para bang nakakita ng multo matapos titigan ng matagal si Gabrielle, "Sir, hindi ba siya yung binatang usap-usapan ngayon sa faculty?"

"Indeed", ang tipid na sagot ni Ginoong Roberto. "Ang bilis naman pala kumalat ng tsismis. By the way, Mr. Saguilla is the first one to perfect our entrance exam, and the principal offered him a full scholarship of course and for bonus, binigyan siya ng libreng condo sa halip na mag-stay sa school dormitory."

Higit namangha ang lahat, maging si Brylle ay kulang nalang ngumanga nang marinig ang ibinigay na condo kay Gabrielle.

"Sir, ano naman pala ang ginagawa niyan dito, diba dapat nasa section A yan?", ang tanong ni Brylle na bumasag sa pagkamangha ng lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Good GeniusWhere stories live. Discover now