Untitled

11 0 2
                                    

Sikat si Elle. Bokalista siya ng bandang The Shooting Star. Maganda, matalino, mabait, makulit. Wala kang maipipintas sa kanya. Pero nanganganib mawala ang kanyang kasikatan dahil sa isang kasunduan : Ang kasunduan ng namayapa niyang ina at ng bestfriend nito. Iyon ay ang ipakasal siya sa nag-iisang anak ng huli na si Liam.

Lalaking payat at mukhang nerd. Yun ang naaalala niya sa lalaki.

Nasa gitna siya ng gulong iyon ng makilala niya si Liandro. Gwapo, mabait at palangangiti. Mukhang may gusto ito sa kanya at naisip niyang gamitin ito para hindi matuloy ang kasal. Ang hindi niya alam, ang gagamitin niyang lalaki para matigil ang kasal ay ang lalaki mismo na pakakasal niya, si Liam.

Ng malaman niya iyon ay nagulat siya. "Hala! Bakit ang gwapo na niya?"

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon