Chapter 1

6 0 0
                                    

            “Hija, ano na naman ba yang hitsura at suot mo?” Sabi ng kanyang ama. Hindi na maipinta ang mukha nito sa pagkakatingin sa suot niya.

    “Dad ano namang masama sa suot ko? Naka damit naman ako, naka pantalon. Anong masama dito?” Tiningnan niya ang suot niyang itim na damit na may kalansay ng tao na naggigitara. Ang pantalon naman niya, masasabi namang maayos, kung walang sira-sira iyon. Hindi na siya nag-react sa mukha niya dahil may makapal siyang itim na eyeliner. Pinaiklian din niya ngayon ang dating napakahabang buhok niya.

         Galing kasi siya sa practice ng banda nila. Sikat sa buong bansa ang banda nilang “The Shooting Star.” Nagsisimula na rin silang gumawa ng pangalan sa Asya. Lima silang bumubuo ng banda. Siya ang pinaka vocalist at lead guitarist ng banda nila.

        Bihira na silang magkita ng kanyang ama dahil kapag umuuwi siya sa umaga mula sa practice o shows nila ng banda, ay wala na ito. Nasa opisina na ito, at pagdating ng gabi ay siya naman ang wala sa kanilang bahay.

        “Chantelle Ivory, 'wag mo nga akong pinipilosopo.”

        Napangiwi siya ng marinig niya ang kanyang buong pangalan. Alam niyang kapag binubuo na ng kanyang ama ang pangalan niya, hindi na siya pwedeng mag-sasagot pa dito. Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa pangalan niya. Mas gusto niyang “Elle” ang tawag sa kanya.

        “Mamayang gabi ay huwag ka munang umalis. Papupuntahin ko dito ang Kuya Charles mo at may pag-uusapan tayong importante. At ayusin mo nga iyang pananamit mo! Napakaganda mo hija pero ganyan ang ginagawa mo sa sarili mo.

        “Kamukhang-kamukha mo ang iyong mommy, hija,” biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito, “kung nabubuhay siguro ang mommy mo, hindi ka magkakaganyan.”

        “Dad, anong pag-uusapan natin mamaya at kailangan pang andito si Kuya Charles?” May sariling pamilya na kasi ang kuya niya kaya hindi na ito sa kanila nakatira. Dalawa lang silang magkapatid. Kaya siya na lang palagi ang napapansin ng Daddy niya.

        Hindi naman siya gaanong pinapansin dati ng kanyang ama. Pero simula ng mag asawa ang kuya niya, saka lang siya nito pinansin.

        May dalawang anak na ang kuya niya. At paminsan minsan ay dumadalaw ang mga ito sa kanila kapag walang pasok ang mga bata at ang mag-asawa.

        Kasa-kasama niya palagi ang mga pamangkin niya sa panunood ng mga anime kaya kasundo niya ang mga ito. Tuwang-tuwa din sa kanya ang kanyang mga pamangkin dahil parehong hindi mahilig sa anime ang kuya niya at ang hipag niya.

         Tiningnan niyang muli ang itsura niya. Hindi nga naman siya ganun kaaya-ayang tingnan. Mukhang rocker na rocker kasi talaga siya sa pananamit niya. Alam niyang hindi iyon naa-appreciate ng kanyang ama dahil wala itong hilig sa mga ganung klase ng tugtugin.

        Maganda naman ako ah.

        Bakit may sinabi ba ang daddy mo na pangit ka?  Sabi lang niya na ayusin mo itsura mo.

        Oo nga noh. Kumamot siya sa ulo niya dahil kinakausap na naman niya ang sarili niya.

        “Umakyat ka na nga sa kwarto mo at magpalit ka ng damit mo.  Pupunta na ako sa office.”

        “Opo dad,” sagot niya sabay taas ng kanang kamay “sige po, akyat na po ako sa taas para makagbihis.” Humalik muna siya sa pisngi nito bago dumiretso sa kanyang kwarto.

        Napabuntong-hininga na lang ang ama ni Elle habang sinusundan niya ito ng tingin paakyat sa hagdan ng napakalaki nilang bahay.

        Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya sa bunso niyang ito. Simula kasi ng mamatay ang kanyang esposa ay naging ganito na ito. Matagal-tagal na ding panahon iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang nangyaring pagbabago dito.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon