3: Hindi ba ikaw yung nagbago?

5 0 0
                                    

Ang pagbanggit ng pangalang 'yon ay tila baril na kumalabit sa kanyang utak upang matanto na kung sino 'yon.

--Ang lalakeng hinusgahan at sinabihan ng masasakit na nga salita ng mundo.

'Nagpakamatay na siya?'
'Kelan pa?'
'Putangina'

Habang linulunod siya ng mga kaisipang ito'y natatarantang inaabot at hinahanap niya ang kanyang telepono habang patuloy na tinititigan ang mukha ng lalake sa videong pinause niya.

"Hello pare? May sasabi--Putangina!" Muli na naman siyang nagpakawala ng mura nang maputol ang tawag at makitang low battery ang cellphone niya.

Padabog niyang ibinaba ang laptop at lumabas ng kanyang kwarto upang kunin ang charger niya.

Abala siya sa pagsuksok sa socket ang charger niya nang may boses siyang marinig.

"Glen ano nanaman ba 'yan?!"

"Tirik na tirik yung araw oh! Tapos naglalasing ka? Tangina naman, anak!"

Tahimik na tinititigan lamang ni Glen ang ina habang binabanggit ang mga salitang 'yon. Paalis na siya nang binanggit ng Ina ang salitang angkop na dapat ay ibinabato niya rito.

"Nagbago ka na! Ba't ka ba nagbago? Ha?"

Humarap siya rito't tiningnan ng malalim at may bahid ng pait,"Hindi ba.. Sa'ting dalawa, ikaw 'tong nagbago, ha?"

"Wag ka ngang magmalinis, putangina." Pagkasabi ni Glen sa mga 'to'y dumapo ang palad ng ina sa kanyang mukha.

Sinampal siya nito.

Ang bahid ng pait sa kanyang mukha'y napalitan ng sakit. Hindi mula sa sampal, pero sa kadahilanang, natanto na kaya siyang saktan ng Ina dahil sa paggawa ng isang bagay na siya rin naman ang dahilan.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa Ina at nakita ang ekspresyon nitong galit at wala man lang kapiring na pagsisisi.

Kinuha niya ang mga gamit at umalis na.

Unveiling HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon