Chapter 7 : Love at first sight or Love at first Fight?
~~~~~~~~~~~~~
LUKE"PARARAANIN NIYO KAMI O MAWAWALAN KAYO NG HININGA?! " sigaw ni Kassy. Boses palang kilala ko na, medyo malamig na misteryosa. Huminga ako ng malim saka lumabas sa dagat ng mga kababaihan na pumapalibot saamin. Nagsi-sunuran naman ang aking mga kasama.
Una kung nakita ay si Kassy na napaka-tapang ng mukha, sumunod ay si Misaka na natatawa, si Carille na malamig ang titig sa iba at ang huli ay isang babaeng di pamilyar saakin. Isang babaeng balingkinitan at may maiitim na buhok, mayroon din itong hazel brown eyes na siyang bumagay sankanya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala sa kanya at nagising na lamang sa buling ng siraulo kung kapatid. "Tinamaan na siya"
Siniko ko siya at sinaan ng tingin pero ang loko tinignan lamang ako ng nakakaloko. Muli akong humarap kayla Kassy at tumikhim. Agad ko namang nakuha ang atensyon niya at tinaasan ako ng kilay, tsk. Sadista talaga ang pasaway na toh. Kassy is our step sister, her mom is my madrasta. Hindi siya nagpapalit ng apelyido pagkat buhay pa naman ang kanyang ama pero kahit di mami totoong magkapatid ay kapatid ang turingan naming tatlo, kasama ang half brother kung si lake. Kapatid ko ina oh diba ang kati ng pamilya namin. Isa siyang Shadow Manipulator at isang Venoman or yung mga kapangyarihang makamandag just like me, yan ang naman namin sa aming ina.
"Nakakinos ka Luke, alam mo yun? "Sabi ni kassy saakin. We are now heading to our first class, the 7:00 am class. Hindi sinasabi kung anong klaseng subject ang papasukan. Its Surprise kaya naman minsan ay di nakakapaghanda ang mga estudyante sa kanilang gagawin. Magugulat nalang sila physical strength na ang gagawin, in short makikibag laban na agad. Minsan nga nauuna ang tournament for leveling ehh kesa sa class. Minsan naman ay nahuhuli.
Hayys anu ba toh? Kalalki kung tao ang daldal ko. Nahahawa na ata ako kay Lake na ngayun ay iniinis nanamn si Misaka.
"Ano ba Lake! Nanggigil na ako sayo ahh, pag di kita natantya tustado ka talaga sa akin! " sigaw ni Misaka pero tinawan lang siya ng kapatid ko.
"Hahaha, wag kang high blood biko. Ikaw lang naman ang baby ko. " sabi ng kapatid ko sabay kurot sa pisngi ni Misaka na namumula. Hayys, ba't ba ako nagkukuwento? Nakaka tamad pero no choice ako kundi ang ikuwento ang kalandian nila.
"Leche! Di tayo bati! "At nagtatakbong umalis si Misaka na sinundan naman ni Lake. Tsk, halatang inlove sila sa isa't isa kahit aso't pusa sila kung magaway. Kung saking maging silang dalawa ang magkatuluyan, ayaw ko silang kapitbahay. Baka kase laging may worldwar kapag nandyan sila.
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad ng mabangga ko yung bagong salta. Natumba siya sa may sahig at dahil tinatamad ako ay tiningnan ko lang siya. Nakakatamad tumulong ngayun ehh tsaka kasalan niya yan, binangga niya ako ehhh tumayo siya mag-isa.
***
YRINE
Matapos umalis nung dalawang naman bitter ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa unang asignatura ng bigla akong mabangga nung lalaking halatang tamad na tad pumasok.
Natumba ako sa sahig at masakit ang aking paa, naku nabaliko kase nung pagkabagsak ko kaya ayun mukhang may sprain. Tiningnan ko ang nakabangga saakin pero puta, tinignan lang niya ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Naningkit ang aking mga mata at binato siya ng aking sapatos. Lecheng toh, kahit gwapo toh papatayin ko toh. Nakagago siya na ngabyung nakabangga tas di niya pa ako tutulungan?
Humarap siya saakin ng salubong ang mga kilay at halatang galit. Pero tinaasan ko lang siya ng tingin.
"Hoy! Di mo ba ako tutulungan?" sigaw ko rito pero napakasamang tingin ang isinagot niya saakin. Napansin kung nag Red ang kanyang Mata at unti -unting namuo ang apoy sa kanyang kamay. Akmang ibabato na niya iyon saakin ng nay batong sumalubong duon at sumabog yun pero bago pa ako matamaan ay may braso ng humatak saakin.
Nakapikit ako at napakapit sa taong nagligtas saakin. Napakalakas ng impact noon at muntik na kaming tangayin ng malakas na hangin. Ng Matapos ang pagsabog ay nagkaroon ng usok. Maya maya pa ay nakita ko yung lalaking bumangga saakin na hawak hawak ni Jai. Halatang pinipigilan iyon ni Jai.
"WHAT'S HAPPENING HERE!!!! " sigaw ng isang teacher. Agad namang napatingin sila jai duon at napatigil. Agad din naman akong binitawan ng taong nakawak saakin. Nilingon ko ito, Tinignan ko ang Tag na nakakabit sa Gilid ng uniporme niya. Rayler 16
Siya pala si Rayler, yung crush ni Kassy.
Akmang lalakad na ako ng maalala ko,oo nga pala may sprain ako. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Grabehan, nakakita kang ng gwapo nakalimutang nay sprain. Hayyyy Landede ko talaga. De joke lang may dede naman ako, invisible lang.
At dahil alam kung walang tutulong saakin ay nagpursige akong tumayo. Sobrang sakit pero ok lang yan, kailangan kong tumayo sa sarili kong paa at di aasa sa kahit kanino lalo na kung walang modo.
Ng tuluyan ako makatayo ay siyang pagkirot ng aking paa, napapikit ako sakit at na out balance. Buti nalang may brasong sumalo saakin. (Sana lahat sinasalo) . Iminulat ko ang aking mata at ganun nalang ang aking pagkatulala ng makita ang mukha ng mokong na bumangga saakin. At ito pa, yung mukha niya kase..... 5 cm nalang ang layo sa mukha ko. At ito pa ulit... Yung mata niya kase,nakakatunaw plus, may kung ano akong naramdamang kakaiba saaking dibdib(na walang laman).
Ano kaya yun?
YOU ARE READING
Elemental Academy: The Halfblood Princess
FantasyIsang pinagbabawal na pagibig na nag bunga. Pinigil ng kaganapan pinagtagpo ng tadhana. Kalahating dugo itim at pula. Ano ba siya?? Kakaiba ba siya?? Meet Yrine. Ang babaeng matigas ang ulo. Ang babaeng maraming sikreto. Ang babaeng maaring ma...