Chapter 8: Wound Garden
~~~~~~~~~
YRINENakatulala lamang ako habang nananatili kami sa ganung posisyon. Maya maya ay may narinig kaming tumikhim. Sabay kaming napalingon na siyang dahilan sa pagsalubong ng aming ilong. Hutek, pawis ang ilong ng gwapong gago.
"Mukhang Masyado ata kayong nag eenjoy sa ganyang posisyon? " pilyang sabi ni Kassy. Sinamaan ko siya ng tingin pero nag bwisit nginisihan lang ako. Nakakagigil. Kumirot namang muli ang aking paa at napadaing ako ng mahina. Pupunta nalang siguro ako ng clinic ng mag-isa.
Akmang pipiglas na ako sa pagkakahawak kay Hambog ng bigla nalang niya akong buhatin in bridal style. Halos lahat ng tao sa koridor ay napatingin sa amin. Kahit ako man ay nanlaki ang mga mata at gulat na tumingin sakanya. "H-huyy, ano bang gingawa mo? " tanong ko pero ang gwapo este gago, di ako pinansin bagkus ay nagsimulang lumakad pabalik sa dorms.
Napakapit ako ng wala sa oras sakanya kase takot akong mahulog kaso kahit kumapit ako ehh sakanya parin naman ang kapit ko means sakanya talaga ang bagsak ko.
I sigh. Pinagmasdan ko na lamang siya habang buhat niya ako. Kaso " Baka Matunaw ako niyan. "
Nanliit ang aking mga mata at walang ano-ano ay kinurot siya sa leeg. Napa aray naman siya sa sakit at tumingin saakin ng masama pero siyempre good girl ako kaya nginitian ko siya, o hah saan ka pa.
Nagiwas siya ng tingin na siyang nagpalawak ng aking ngiti. Paano ba naman, nagiigting parin ang kanyang bagang. Muli ko siyang kinurot sakanyang tenga. Lalong nag-igting ang kanyang bagang at masamang tumingin muli saakin, pero katulad ng kanina ay nginitian ko nalang ulit siya. Muli siyang humarap sa daan at aki naman ay napahagik-hik ng mahina. Nakatuwa siyang asarin eh.
Di nagtagal ay nakarating kami sa Clinic. May clinic rin pala sa magical world? May doctor kaya dito tsaka nurse?
Pumasok kami sa loob. Namangha ako sa aking nakita. Kung sa mortal world ay puro green at puti ang kulay ng clinic dito iba, lahat ay kulay Violet. Tapos puro halamng gamot at kung ano ano pa pero ang kinamangha ko ay ang labas ng clinica, duon kase sa bintana ay may hardin at duon naman sa hardin ay may talon. Siguro ang sarap maligo ruon.
"Masyado kang namamangha dalaga. " sabi ng kung sino. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang magandang babae.
Inilapag ako ni Luke sa isang higaan duon at siya naman ay naupo. "Tandang Waia, kailangan niya pong malunasan pagkat ang kanyang paa ay naipitan ng ugat. " magalang sa sabi ni Luke. Tumayo yung Tandnag Waia at may kung anong hinanap sa kanyang aparador. Maya maya ay ay dala siyang maliit na botelya na may lamang kulay asul na likido. Lumapit siya saakin na may dalang kutsara at baso.
"Nairito, inumin mo. Upang di tayo mahirapan sa paghilot sa iyong dilikadong ugat. " sabi niya. Lumingon ako kay luke pagkat ako'y nagaalinlangan ngunit tinanguan niya lamang ako.
'Pag ako nalason dito humada ka talagang luke ka. Malulukeo ka talaga saakin'
Kinuha ko ang kutsarang may lamang kulay blue na likido ay ininom yun. Maasim na matamis ang kanyang lasa pero masarap. Kinuha ko ang tubig kay Tandnag Waia daw at ininom ko ito.
Matapos kung mainom ay nakaramdam ako mg antok. "Pansamantalang makakatulog ka at paggising mo ay maayos na angbiyong mga paa"
Yan nalang ang huli kung narinig bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim. Hayy naku may mabubugbog ako mamayang Luke!
***
Her'dream"Myenna, Myenna....
Nagising ako sa isang kubo. Malayong-malayo iyon sa lugar kung saan ako nawalan ng malay. Hindi ito ang kubong pinuntahan namin ni Luke.
Tumayo ako saaking pagkakahiga, totoo ngang maayos na aking mga paa. Hindi na siya masakit at di narin ako nadadapa.
Lumabas ako sa kubo at ganun nalang aking pagkagulat ng makita ang talon na nasa binta nung tandang waia. Nasa harap ko na ito. Ibig sabihin ay narito ako sa hardin na iyon.
Nilinga ko ang aking paningin sa pagasang mahanap ang bintana ngunit puro halaman at puno lang aking nakikita. Namumukod tanging bahay lang ang kubo na ito. Nasaan ako?
Naglakad lakad ako pero kahit saan ako pumunta at bumalik parin ako sa kubo. Yung tipong akala mo malayo ka na pero yun pala nasa iisang lugar ka parin. Pabalik balik lang.
"Luke!! Luke!! Nasaan ka? Nasaan kayo? Bubugbugin talaga kita!! Lukeee!!! Jaiiiii!!!!" sigaw ko pero tanging echo lang ng aking boses at ang huni ng mga ibon ang aking naririnig.
Maya-maya'y biglang lumakas amg hangin. Napapaupo ako at napayakap saakung sarili. Di nagtalaga ay may nakakasilaw na ilaw ang lumabas na siyang dahilan kung bakit hinigpitan ko ang yakap sa aking sarili.
Nawala nan agad ang nakakasilaw na liwanag at napalitan ng mga naggagandahang mga babae at naggagwapuhang mga lalaki. Bali 10 silang lahat. 5 lalaki at 5 babae.
Isa-isa silang lumapit saakin at ngumiti sabay yukod. Lumapit ako sakanila at itinayo sila.
"Bakit kayo yumuyuko? " tanong ko.
"Pagkat kailangan naming magbigay pugay sa mahal na prinsesa " sagot ng isa sa kanila.
Lumingon ako saakung limod ngunit wala namang ibang tao roon. "Ayos lang ba kayo? O baka naka shabu kayo? " tanong kung muli. Wala naman kaseng tao sa likuran ko.
"Mahal na prinsesa wag kayong magbiro ng ganyan. " sagot nila habang nakangiti parin saakin. Confirmed,nagshabu sila.
Medyo lumayo ako ng kunti sakanila dahil baka matokhang ako ehehe joke lang. Tumingin akong muli sakanila at nagtanong "Anong lugar ba ito? "
Umayos muna sila ng tayo at sabay sabay na sumagot ng "Wound Garden"
Napakunot ang aking noo sa tawag sa lugar na ito. Ano daw? May sugat na Garden?
"Opo kamahalan, my sugat ang hardin na ito pagkat dito natapos ang pagmamahalan ng inyong ama at ina. Dito rin ang wakas ang lahat lahat ng memorya ng nakaraan ngunit ika'y nagbalik upang ipamulat sa lahat ang tungkol sa propesiya." sabi ng isa sa mga lalaki.
"Ang inyong ama ay isang napakabait na lalai sa buong Elemetia habang ang inyong ina naman ah suwail na anak na ayaw sumunod sa patakaran ng Undergria. Magmahalan ang dalawa kahit sila mismo ang nagtatag ng batas. At nagkaroon ng anak at maaring ikaw yun. " dugtobg nung isa pang lalaki.
"Pero hindi pa kami sigurado pagkat may kasabayang ipinanganak ang prinsesa at isa ring malakas na kalaban at kaparehong kapareho mo ang batang iyon. Hindi namin alam kung ikaw ba si Myenna O ikaw si Afrea, Maari kaseng magkamali ang mga diyos at diyosa pagkat magkamukha kayong dalawa. "
Sabi nung babae na siyang ikinatahimik ko. Hayyy sino ba talaga ako? Afrea o Myenna? Pero mas bet ko Yrine ehh
YOU ARE READING
Elemental Academy: The Halfblood Princess
FantasyIsang pinagbabawal na pagibig na nag bunga. Pinigil ng kaganapan pinagtagpo ng tadhana. Kalahating dugo itim at pula. Ano ba siya?? Kakaiba ba siya?? Meet Yrine. Ang babaeng matigas ang ulo. Ang babaeng maraming sikreto. Ang babaeng maaring ma...