wala nga kasi akong maisip na taytel!!!!

1 0 0
                                    

Pangalawa.
Pangalanan nating Umaga.
Pang umaga kasi sya.

Diskleymer nga pala,
Hindi po ako pokpok.
Marupok lang.

Magkakilala na kami ni umaga dati pa,
Pero mas naging malapit kami sa isat isa nung Sabado, sa opisina.

Nagkataon na,
nagkakasalubong yung shift namin pag sabado.
Magkatabi pa kami nun
Kaya lagi kaming nagkakausap.

Ewan ko ba,
Ang gwapo kasi ng ngiti nya.
Ang ganda ng buhok nya.
Ang gwapo rin ng boses nya.
Lalo pa pag tumitingin sya sayo.

Kaya ayun.
Sa ikalawang pagkakataon.
Nahulog nanaman ako.
Ay hindi, kusa na pala ata akong tumalon.

Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya,
Na sa tuwing uuwi sya,
Magpapaalam sya sakin,
Tapos tatapikin nya yung balikat ko,
O di kaya yung ulo ko.
Tapos bibigyan nya ko ng sobrang ganda nyang ngiti.

Isang araw,
Inadd nya ko sa fb.
Syempre, nagulat ako.
Yung puso ko tangina!
Syempre accept agad!
Pagka accept ko,
Puta nag wave sya agad!
Ano baaaaaaaa tangina di ko na kaya!
Hinga! Hinga!
Di ako makahinga!!!

Nag usap kami.
Sandali lang naman.
Wala kasi akong maisip na topic.
Kaya puro emoji sinesend ko.
Oh diba tanga na boba pa.
Wag kayong gagaya sakin parang awa nyo na.

Akala ko hindi na masusundan yon.
Hanggang sa isang araw,
Hindi ako nakapasok ng sabado.
Tapos nagulat ako
Kasi chinat nya ko,
"hoy bat di ka pumasokkkk"
Tanong nya.
YUNG PUSO KO PO!

Asang asa ako sa kanya,
Sa sobrang asa ko pwede na kong maging siopao.

Simula nun,
Tuwing Sabadong hindi ako nakakapasok,
inaantay ko na yung mga chat nya.
Kaso wala na eh.
Hindi na nasundan.

Tapos ang nakakainis pa,
Nalipat pa ako ng pwesto,
Mga tatlong upuan na yung pagitan namin.
Hindi ko na sya nakakausap. :(

Tuwing uuwi sya,
Dinadaanan nya nalang ako.
Yung parang walang nakita?
One time nga medyo inurong ko yung upuan ko sa may gitna,
Para pag dadaan sya,
Makita nya man lang ako.
Kasi helloooo???
Tangina tingnan mo naman ako.
Kahit konting pagtingin lang.

Ayun effective naman.
Napansin ako.
Puta desperada si gaga.

Isang araw may handaan,
Nagkatabi kami nung una.
Kaso nagkasama sama sila ng barkada nya.
Nagkahiwalay nanaman kami.
Kahit wala namang kami.
Lol puta.

Pagkatapos ng maikling handaan,
Dumaan sya sa harap ko,
Tinawag ko agad.
Papansin nga kasi, ok na?

Eh huminto.
Tapos tumabi pa sakin.
ANG LAPIT!
Nakatingala na kong kausap sya.
Ang tangkad kasi.
Ang gwaaaapoooooooo!

Di ko alam kung anong nakain ko,
Pero harap harapan kong sinabi sa kanya,
"uy ang gwapo mo"
Putangina. Yung totoo???????

Si gago nagtakip ng mukha.
Tanginaaaa wag kang ganyan ang cute mo huhuhu
Yung ngiti nya
Puta.
Nakakawala ng hininga.

Tapos nun,
May lumapit na babae sa kanya.
Mukhang close sila.
"so ano to panibagong heartbreak nanaman ba to?"
Tanong ko sa sarili ko.

Nung araw ring iyon,
inunahan ko na.
Inunahan ko na si tadhana.
Inisip ko nang may namamagitan sa kanilang dalawa.
Para kung sakaling totoo man.
Puta wala nang sisihan.

Nang dahil sa kanya
unti unti ko nang nalilimutan
Ang nararamdaman ko kay pula

Kaso, nahuhulog naman ako sa kanya.
Kahit na alam kong
Wala naman akong pag asa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tsaka na yung taytel pag may jowa naWhere stories live. Discover now