Chapter 2

6 1 0
                                    

Bagong lipat

Caileigh's Pov

Uwian na namin ngayon at niligpit ko na ang gamit ko saka lumabas na kami nila nica ng room. Sumakay kaming elevator at pipindutin na sana ni maureen yung number 1 ng biglang tumakbo papasok yung nerd, si carlisle remember?

Nang makapasok siya ay tuluyan niya ng pinindot ang 1. Tahimik lang kaming apat dito sa loob. At dahil sa 5th floor yung classroom namin ay ang tagal.

"Hello,"bati ni nica kay carlisle. Tinignan siya nito.

Nako. Alam ko na ang mangyayari. Jusko nica. Mangaasar ka nanaman.

"Anong name mo?"tanong ni nica.

"Azrael Carlisle."simpleng sabi nito. Nanatili akong nakikinig.

"Ay! Alam mo ba? Crush ka nung friend namin! Eto oh!"sabi niya sabay hila sakin palapit sakanila. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Nagpapasalamat ako dahil tumunog na ang elevator, agad akong bumaba. "Bye best."sabay na paalam ni maureen tsaka ni nica. "Bye."sabi ko at tumingin kay carlisle na sumakay sa kotse niya. Sumakay na rin yung dalawa kaya sumakay na ako sa kotse ni kuya.

May student license na kasi si kuya kaya nakakapagdrive siya. Wala pa kasi ako dahil 16 years old pa lang ako. Ganun din sila nica at maureen may driver sila.

"Kuya! Pansinin mo naman kasi si nica!"pangungulit ko ng umalis kami sa school.

Hindi siya sumagot kaya tumahimik nalang ako hanggang sa makaratinh kami sa bahay. Nakita ko yung nasa likod naming kotse. Parang yun yung sinakyan ni carlisle? Dito rin sila nakatira? Imposible.

Bumaba na ako ng kotse ng nakarating sa bahay. Wala si mom and dad mamaya pa silang gabi dadating. Sumalubong saakin ang maid.

"Ipaghanda mo ako ng makakain."sabi ko at umakyat sa taas. Pumunta ako sa kwarto ko at agad na sinarado ang pinto. Nilapag ko yung shoulder bag ko sa study table ko at nag bihis. Pinony ko ang buhok ko.

Binuksan ko yung aircon at binuksan yung tv. Humiga ako sa kama tsaka nanood.

"Young lady! Eto na po yung merienda niyo!"sabi ng maid. "Come in!"pumasok siya.

Nilagay niya sa isa kong table yung foods. Salad and juice yun. "Thanks."sabi ko, lumabas na siya.

Pumunta ako sa sofa dito sa kwarto ko at katapat nun is yung lamesa. Kumain na ako at uminom ng juice. Susubo na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko. Tumayo ako at kinuha yun.

"Anong kailangan mo babae?"

[Grabe naman toh! Wala man lang hello! Anyway,  bukas mall tayong tatlo ni maureen?]

"Yeah sure. Paguwi natin bukas."

[Okay bye.]

Toot Toot Toot

Bumalik ako sa pagkain at inubos yun pumasok ang maid at niligpit ang pinagkainan ko.

Pinatay ko ang tv at ang AC, lumabas ako ng kwarto ng makasalubong ko si mom. Di siya pumasok?

"Hello baby, pwede bang pakibigay toh dun sa bagong lipat diyan sa tabi ng bahay nila kuya charlez mo? Kay Tita yazmin mo"kumunot ang noo ko. Aayaw sana ako pero dahil si mom yun ay sumunod na ako.

Lumabas ako ng bahay dala yung fruit salad na nasa isang tupperware para ibigay dun sa bagong lipat naming kapit bahay. Kilala sila ni mommy?

Nag doorbell ako. Pinag buksan ako ng maid. Malaki ang bahay nila. Syempre self. Private ang village na ito. Pinapasok ako ng maid.

Si Campus Crush May Gusto Kay Nerdy Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon