Prologue

2 0 0
                                    

"Chtholly, I heard may concert ang  Lucien Kyaaaah wanna come with me?" Excited na sabi ni Aliyah

Parang nagpintig ang tenga ko sa narinig omg!

"Talaga?" Excited na sabi ko

"Oo 2 months from now ay concert na nila" sabi nito sabay tingin sa labas at mukang nangangarap.

Ang Lucien ay isang boy band na sikat talaga sa buong mundo na binubuo ng 7 na kalalakihan at sobrang gwapo talaga nila!!! It is a french name Lucius meaning "Light"

They really bring light to all of us, their fans!

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil naalala ko na ayaw nga pala ni Dylan na ganito

"What's with that face?" Tanong ni Aya at nawala rin ang ngiti sa labi nya

Nandito kami ngayon sa classroom wala masyadong tao kasi lunch break at nasa cafeteria ang lahat samantalang kami ni Aya ay napiling sa classroom manatili para kumain, Nagluto kasi sya kaya nagbaon nalang sya for us, dahil paniguradong maraming tao sa cafeteria

"Alam mo naman si Dylan, Di ako papayagan nun kahit yayain ko pa sya" sabi ko at uminom ng coke

Napairap si Aya. She's always like that, she hate dylan as hell.

"I told you break up with that playboy" She said.

As if I can do that. His mom will kill me for sure whatever

"You know naman na hindi ko kaya di ba?" Sabi ko

"Of course you can! That boy will only bring you trouble and you don't even love him!" Nanlaki ang  mata ko. What?

Wth?

"Ano bang sinasabi mo dyan? Wag ka ngang maingay maya may makarinig pa sayo" Suway ko dito kasi baka resbakan na naman ako ng mga babae nun

Hindi ko masabing tama si Aya dahil may parte sa puso ko na mahal ko din ang gagong yon

I just don't know if this really love or what because if he loves me he won't hurt me like this and if I don't really love him, Why am I hurt?

Dylan is my 6 months boyfriend

His mom and my mom were bestfriend kaya kami talaga ang gusto nilang magkatuluyan

Kaya sinubukan namin ni Dylan and he even confess to me.

Napansin ko ang reaksyon ni aya parang may gusto syang sabihin.

Is it about Dylan?

"What? May sasabihin ka?" Tanong ko sa kanya. Di sya mapakali

"Alam mong hind ako nagsisinungaling sayo di ba?"
Panimula nya napa "u-huh" naman ako

"I... I saw him yesterday" napaiwas ako ng tingin.

Mukang alam ko na.

"Oh nevermind" sabi nya. Alam kong nag aalala sya sakin.


"Spill it." Sabi ko habang nakatingin sa labas. Makulimlim ngayon uulan pa yata, wala pa naman akong dalang payong.

Nagdalawang isipin pa si aya bago sabihin saken.

"Nakita ko syang may kasamang babae at ang.... ang sweet nila" sabi nya na natunugan ko ang galit sa tono nya

May kirot sa puso ko. Oh Dylan!

"Maybe friend nya lang yon" depensa ko, Ayokong ipakitang nasaktan ako.

"No! I actually saw them kissing! Chtholly wake up he's cheating on you!" Sabi nito.

Nakatungo na ako ngayon, Naiiyak ako.

Alam kong hindi kayang mag sinungaling sakin ni Aya kahit na sobrang ayaw nya kay Dylan

"A-ah. Mag cr lang ako" sabi ko saka tumayo at lumabas na papunta sa banyo

All the way there ay nakatungo lang ako. I feel like there's something on my chest, I feel like someone hammering it.

Nakadating ako sa cr at pumasok sa isa sa mga cubicle don.

At doon naibuhos ko na ang luha at sakit na nararamdaman ko.

Pagkatapos kong mag emote sa cr at bumalik ako sa classroom nagulat pa nga ako ng nasa labas ng cr si aya.

I know she's worried.

Natapos ang klase ng wala akong natutunan ang nasa isip ko lang ay ang kataksilan sakin ni Dylan

Hindi ito ang unang beses na ginawa sakin 'to ni Dylan actually Hindi ko na nga mabilang

Sabay kaming bumaba ni Aya parehas lang naman ang lugar namin we're on the same subdivision kaya sabay kami lagi pag uwi at pasok. Her dad was my dad's bestfriend

Cool eh?

Pumunta muna kaming library dahil may isosoli si Aya na book.

Nakikipag usap pa sya sa librarian regarding sa mga books na hihiramin pa nya sa susunod

Kakaunti na ang tao dito, Uwian na kasi pero may mangilan ngilan pa rin na nandito tinatapos siguro ang mga dapat gawin nila.

Makatingin nga muna kung may mga science fiction na book dito.

Yun ang ginawa ko. Pero sa kalagitnaan ng paghahanap ko iba pala ang mahahanap ko.

May narinig akong ungol. Huh? Ungol? Dito?

Sabagay walang tao sa dulo ng library.

Di ko na sana papansin ng marinig ko ang isang boses na pamilyar sakin.

"This can't be" natatakot na sabi ko.

Hindi. Hindi

Unti unti kong nilapitan ang mga ito.

Nagtago pa ko para kung sakali mang mali ang hinala ko ay hindi ko sila maiistorbo

"Oh Dylan, I love you so much" sabi ng babae sa malanding tono

"Really? I love you too Stacey" sabi ng lalaki

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalaki porma at katawan pa lang alam ko na.

Dylan....

—————
Was up guys. I was inspired by BTS so I would like to make a story that every
girls dream about being noticed by their Idols so yeah. Don't bash me huhu

Wrong grammar din hahaha pasensya na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon