Umaaraw, Umuulan

67 2 1
                                    

                                                                       Panulat ni: Wea Marie Jurilla


     Noong unang panahon kung saan laging nag papakita ang mga elemento, lamang lupa at misteryosong hayop sa mga tao, may isang dalaga na labis nasaktan dahil sa pag-ibig at ang kanyang istorya ay kumalat sa buong Pilipinas at ang pangalan ng dalaga ay si Maya. 

      Si Maya ang pinakamagandang dalaga sa nayon nya at ang nag kakadarapa ang mga lalaki na ligawan at mapaibig sya. Isang araw, pag gising ni Maya at pag bukas nya ng durungawan ay may nakita siya na bulaklak na napaka ganda at napaka bango. 

     Masayang masaya si maya sap ag kakatanggap nya ng bulaklak ngunit may pag tataka parin sa isip nya kung kanino galing ito. Kinabukasan, pag bukas naman nya ng pinto ay may natagpuan naman sya na dilaw na dilaw na manga, napasaya uli nito si Maya ngunit tulad ng sa bulaklak, walang sulat kung kanino to galing. 

     Nag patuloy ang mga natatanggap na bulaklak at prutas ni Maya, may araw pa nga na nakatanggap sya ng kwintas na gawa sa perlas. Isang araqw ay gumising talaga ng maga si maya upang malaman nya kung sino ang nag nag reregalo sa kanya, labis ang gulat ni Maya ng Makita nya na may bitbit ng bulaklak na inilalagay na sa kanyang durungawan ay isang tikbalang. Napatulala nalang sya sa gulat. 

'' Maya.. Maya... ayos ka lang ba? Patawarin mo ang isang tikbalang na katulad ko na magkagusto sayo''sambit ng tikbalang. 

'' Oo, Ayos lang ako at hindi ka salanan na umibig tikbalang. Sino ba ang pangalan mo?'' sabi naman ni Maya. 

''Ah ako pala si Yu-ba'' sagot ng tikbalang. 

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay araw -araw na din na gumigising si Maya tuwing madaling araw para makapag-usap sila ng tikbalang. Di nagtagal ay napaibig na din ni Yu-ba si maya. Kahit di pa ganun katagal silang mag kasintahan ay alam na nila na sila ang para sa isat isa hanggang sa may problema na dumating, nakatakda si Yu-ba na ikasal sa isa ing tikbalang at hindi matanggap ni Maya ang balita.

 ''Maya, mahal, gagawa tayo ng paraan, hindi ko sya mahal at ikaw ang mahal ko. May plano ako, gumising ka uli ng maaga at aalis tayo sa nayon na to, hintayin mo ako bukas ng madaling araw at mag sasama na tayo'' Sabi ng tikbalang kay Maya. 

'' Sige, payag ako mahal ko, mag hihintay lang ako sayo dito, wala akong pakialam kung saan tayo pumunta, basta ang importante ay magkasama tayo. Kinabukasan, gabi palang ay nag hihintay na si Maya kay Yu-ba, limang oras na sya nag hihintay at papalabas na ang araw ngunit wala pang Yu-ba na nag papakita. 

Ang araw ay sumikat na at sabay sa liwanag nang sikat ng araw ay tumulo ang luha ni Maya. Sa sobra nyang lungkot ay nadama ng kalangitan ang nararamdaman nya at umulan bigla, subalit sabay sa luha niya ay ang pag-asa na darating ang kanyang mahal at nadama din to ng langit dahilan para tumbasan ang pagasa ng sinag ng araw. 

Ang panahon ng umagang iyon at hindi maintindihan at ang buong nayon ay nasaksihan ang pag-ulan sabay sa pagsikat ng araw sa unang pag kakataon. Sa mga araw na lumipas, Patuloy parin na nag hihintay si maya sa pagdating ng mahal nya. 

Ang di pag sipot ni Yu-ba sa tagpuan nil ani Maya ay wala paring nakakaalam ng dahilan bagamat sinasabi ng mga tao na baka di siya nakaalis at natuloy ang kasal. 

Ang kwento ni Maya ay pinagpasapasahan sa nayon hanggan sa kumalat na sa buong kapuluan at iyun ang dahilan kung bakit tuwing umuulan habang maaraw ay sinasabi nating may kinakasal na tikbalang. 

Panitikan sa Pilipinas Requirements: Maikiling KwentoWhere stories live. Discover now