Chapter 4: Of Gifts and Lunch

13 1 2
                                    

Chapter 4: Of Gifts and Lunch

A/N: Here's the update!!!! Sana magustuhan niyo!!! Sorry if may typos or wrong grammar...Dedicated to the Author of She's the Girl!! Idol hi!!!

Jet's P.O.V.

Paglabas ng mga Grey ay tiningnan ko ang oras.

9:05 AM

Maaga pa.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko ang package na binigay ni Lanz kagabi.

'I don't know if alam ni Night ang tungkol sa regalo ni Lanz sakin since nagpadala siya ng documents kay Lanz. Lanz always like to send me trivial and weird stuff. I don't see anything suspicious about it. '

Napansin kong nalaglag pala yung card na nakakabit sa box.

-25.15.21.18.0.14.15.20.0.10.21.19.20.0.1.7.5.14.20.0.10.5.20.-

Ano to? Bakit lalagyan ni Lanz ng Secret Code sa card?

~~~~Commercial break~~~~

L: Hi!! It's time for some helpful tips to Spies wannabe's!!!!

Want to know this secret code?? To uncrypt this one.....well its easy!!! Each alphabet has a number. Example A is the first letter so it's number is 1!! Got it? The number 0 is for space!!!

Try niyo if you like!!!

~~~~~End of Commercial~~~~

Bakit ganoon ang message?? Bakit sasabihin yon ni Lanz???

Now that I see it....suspicious nga ang biglang pagpunta ni Lanz dito. As far as I know him, he doesn't like to go out of his sanctuary. Minsan lang sya bumalik dito sa Pinas. Why would he go do all the trouble to fly from Italy to here para lang sa welcoming gift ko?? The fact na hindi niya naman kailangang magbigay since alam niya na hindi ako magpapakilala sa ibang tao without any reason.....like having a mission.

Remember the cameras implanted?? I try to ignore them, lalo na kagabi at kanina since bago lang ang place na to and hindi ko pede ipahalata na may alam ako.

So para buksan ang package, kunwari hindi ko sinasadya na maupo sa kama na nakatalikod sa camera. I can't let them (kung sino man ang naglagay nung mga yon) see whats inside hangga't di ko pa alam.

Pagbukas ko ay isang bote ng mamahaling perfume ang nakita ko sa loob. Hula ko, gawa to ni Lanz.  Nilagay ko yung pabango sa bedside table ko at kinuha ang box para itago sa storage.

Napahinto ako ng may narinig akong konting tunog mula sa box.

'Ano yun' tanong ko sa isip ko.

Pumasok ako sa loob ng banyo. Doon lang kasi walang camera diba? Pero may microphone sa loob ng pader. Tsk...parang bawat kilos ko sa loob, pinapanood.

Naupo ako sa sahig at dadahan dahan ulit binuksan ang kahon.

May false bottom.

Ang false bottom ay kalimitan ginagamit sa mga box kung saan di mo aakalain na may secret compartment ito.

Inalog ko ng konti yung box at kinapa ang labas at loob, medyo umangat loob ng box ng kapain ko yung ilalim.

Nakuha ko ang iba pang laman ng kahon.

Isang lumang Keychain at pendant ng isang lumang locket.

Yung Keychain ay may nakasulat ng "Italy 1959"

Yung locket may litrato....

litrato ni lolo (father's side...yung spy din) pero mukhang binata pa siya.....

My 100th MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon