Chapter 2: Kilig Much

30 4 1
                                    

Here's Chapter 2  as I promised :) sorry in advance ulit sa mga errors ..

Enjoy!

♥♡♥♡♥

Chapter 2: Kiligan Much

Continuation : ♥♡♥♡♥

Bigla kasing nagulo yung pagkakapatong ng libro sa kamay ko at-- "Waah!! MAHUHULOG AKO!!!" pumikit na lang ako at hinintay ang paggulong-gulong ko mamaya sa hagdanan.

2 minutes.. 3 minutes pero wala parin akong nararamdaman. Woah!! May powers na yata ako!!

Naramdaman ko na may nakahawak palang kamay sa bewang ko kaya hindi ako natumba, Bigla tuloy akong napa-blush nang ma-imagine ko na parang parehas lang sa mga palabas na may mga gwapong leading-man na nagliligtas sa bida. >///< Sino kaya siya?..

Pagdilat ko, hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin.

”Ineng, Ayos ka lang ba?” biglang sinabi ni MANONG JANITOR. O_o Boom Panes!!

Mga ilang seconds din akong nakatulala. Ngayon ko lang na realize na hindi pala talaga nangyayari sa tunay na buhay ang mga napapanood natin sa TV. -_-

“Uh—uhhmm..” inayos ko na ang position ko since hindi na naka alalay sa’kin si manong janitor. “Salamat po!” nagbow pa’ko.

“Sa susunod mag ingat ka na ineng.” Bilin niya. "Delikado talaga dito sa hagdan lalo na't marami kang dala." dagdag pa niya atsaka umalis.

“Opo! Salamat po uli.” pahabol ko. Phew.. Epic fail naman yung imagination ko, nakakahiya tuloy. Pero ayos na din yun kesa naman magpagulong-gulong ako sa hagdan!

Pababa na sana ako ng stairs para pulutin yung mga libro na nahulog nang may marinig akong napakalakas na tawang sobrang pamilyar.

"Pfft! Haha! Laptrip talaga! Haha!" nakita ko si Ruru na parang ninja sa pagsulpot. Saan ba nanggaling 'tong loko na 'to?

"Sino tintawanan mo diyan Ruru!?" tanong ko sa kanya.

"Haha! ikaw malamang! dapat nakita mo yung itsura mo kanina! Laptrip talaga Airi! Pfft! Lalo na nung papikit-pikit epek mo pagkasalo sayo ni manong janitor! Haha!" Natatawang pang aasar niya sa'kin. Kainis naman ehh! >_<

"Waah! Nakakaininis ka naman Ruru!" pinghahampas ko siya sa balikat gamit ang braso ko. "Nahihiya na nga ako sa nangyari pinagtatawanan mo pa! Hmmph!" >_<

"Haha .. Sorry na po." Tsk. Sorry daw pero tumatawa pa rin siya. "Hay nako! tulungan na nga kita sa dala mo. Haha." dagdag pa niya habang natatawa parin.

"Hmmph. Di bale na kung pagtatawanan mo lang din ako!" pinulot ko na yung mga libro.

"Tsk. Ikaw naman! di na mabiro! Haha." Kinurot niya pa yung pisngi ko.

"Aray! nemen. Ang chakit!" Sensya, hindi ako makapagsalita ng maayos eh.

"Haha! Ang taba talaga ng pisngi mo! Ako nang magbubuhat niyan kasi baka maburn yung fats diyan! Haha!" pinisil niya muna nang mas masakit yung pisngi ko bago niya bitawan.

"Grabe ka naman Ruru! Ang sakit 'non!" ginantihan ko naman siya sa pamamagitan ng pagpisil sa ilong niya. Haha!

"Oi Airi! Bitahwahn mo nga yung ilong koh! masakhit!" Hmmph! As if! pipisilin ko yun hanggang sa mamula na parang kamatis Haha!

"Haha! Ang cute talaga ng ilong mo 'noh?" pinisil ko pa ulit yung ilong niya tsaka binitawan. Haha! pulang-pula na! Pwede na siyang tawaging Ruru the rednosed reindeer! Haha.

The Love ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon