Hindi naniniwala si Kian sa salitang 'perfection', liban na lang kung ang nasa itaas ang pinaguusapan.
Kaya lang, hindi din naman na kasi siya naniniwala doon, eh. Sa araw araw na lang ng buhay niya mula nung napagdesisyunan ng mama niya na buhayin siya sa mundong ito, puro kamalasan lang naman ang nadanas niya. Etong scholarship na nakuha niya sa Savara University, hindi ito swerte. Sariling sikap at tiyaga niya ito.
Kaya ekis.
Ekis ang salitang 'perfection' sa kanya. Fiction ito. Hindi totoo at walang katuturan.
Lalo naman kung tao ang pinag-uusapan. di ba? Hindi niya maintindihan ang mga kaklase niya na kanina pa sabi ng sabi tungkol sa 'perfect girl daw' na nasa BA building. Apat na taon na siya ngayon sa SU at ngayon lang niya nadinig ang tungkol sa babaeng 'to. Kung makasabi naman na perpekto ang mga kaklase niya. Ano bang pruweba nila?
Isinawalang bahala niya ang mga usap usapan ng mga ito hanggang sa matapos ang kanilang mga klase para sa araw na iyon. Isip isip niya ay sana hindi na lang siya pumasok dahil first day pa lang naman, introductions lang ang ginawa; sana ay pumasok na lang siya sa pinagpapart time-an niya na gasoline station bilang bookkeeper slash gas boy.
Kaya lang naisip niya, academic scholar nga pala siya. Kahit isang araw na absent ay baka madaplisan ang grado niya sa hinaharap, at andito na din naman siya.
Nagsimula ng magsialisan ang kaniyang mga blockmates dahil uwian na nga, alas kwatro na ng hapon. Graduating student na siya sa kursong Education, major in SpEd. Ang pasok nila ay Monday-Friday, 7:00am-4:00pm. Mula ng first year siya ay ganoon na ang schedule na pinili niya.
Ng papalabas na sa gate ng SU si Kian ay nakadama siya ng gutom. Nakain na niya ang baon niyang lunch kanina pang alas dose - kanin iyon, itlog na maalat na may kamatis at sibuyas. Ang mama niya ang nagpabaon non sa kaniya. Bumisita kasi sa kanila ang mga kapatid ng mama niya mula sa probinsya, nagdadala ng madaming gulay at itlog maalat pati na din native na itlog. May maliit na taniman kasi ang pamilya ng mama niya sa probinsya kaya paminsan minsan ay nakakaluwag sila.
Napakapa tuloy siya sa kaniyang bulsa upang bilangin ang mga baryang meron siya. 32. May 32 pesos pa siya. 9 pesos ang pamasahe niya sa jeep kaya may 23 pesos pa siyang matitira. Kaya lang baka magkaroon ng biglaang project si Princess sa skwela kaya sa loob loob ni Kian ay napalunok na lang siya sabay iling. Sa bahay na lang siya kakain.
"Excuse me?" Narinig niya kaya napalingon siya sa bandang kaliwang gawi niya. May babae doon, hanggang dulo lang siya ng baba ni Kian. Naka-corporate uniform ito kaya kung hindi ito Tourism, HRM o Culinary student, malamang ay Business Management student ito. Maputi ito na medyo mamula mula dahil mainit nga naman. Ang buhok nito ay may malalaking alon at kulay tsokolate.
Ang ganda niya.
Ay takte, kinakausap pala siya!
"A-ah, ano yon, miss?" Tanong niya. Napakagat naman sa ibabang labi ang babae bago siya tapunan ulit ng tingin mula sa kaniyang mahahabang pilik-mata.
"I want to eat...that." Turo nito sa lipat-daan kung saan may kariton na nagtitinda ng...street foods?
Sigurado ba siya na gusto, este, kaya niyang kainin ang mga yan? Eh mukhang mayaman 'to, eh!
"Ah, di ka makatawid? Halika, sasamahan kita." Alok ni Kian ngunit umiling lang ang babae. "Wala ka bang pera pambili?" Tanong niya at napabuntong-hininga ang babae bago sumagot, "Meron ako pangbili pero ano, some guys over there, they keep on asking me to go with them. Hindi comfortable ako. I'm sorry but can you please go with me? If you want to get something from there too, I can pay!"
Ang cute naman ng babae. May slang pa ang pagtatagalog.
Pero ano daw? Yung mga lalake - saan?
Muling tinignan ni Kian ang kariton kung saan madaming nakapalibot na estudyante mula sa SU. Napansin niya ang isang grupo ng kalalakihan doon na pakumpas kumpas ng kamay nila sa direksyon ng babaeng katabi niya - tila niyayaya nila ito. Nakakunot lang ang noo ng katabi niya habang nakakagat muli sa kaniyang ibabang labi. Tila nagmamakaawa ito sa kaniya.
"Naka-kain ka na ba niyan, miss?" Usisa ni Kian. Mamaya hindi pa nakakain at ma-food poison, kasalanan pa niya dahil sinamahan niya siya! "Yes! Kwek kwek ang gusto ko pati isaw ng baboy. And bopis too. My nanny used to buy me those. Please, tulong mo na ako?"
Mukhang alam naman nito ang sinasabi niya, at tsaka sabi niya ililibre din daw siya nito. Diba nga gutom siya? "Oh sige ha. Kapag na-food poison ka, miss, hindi ko kasalanan ha?"
"No. Malinis yan daw sabi ng blockmate ko kanina. Thank you talaga! By the way, my name is Diana. You are?" Sabay aloy nito ng kanang kamay niya na inabot naman kaagad ni Kian, "Nice to meet you, Diana. Ako si Kian."
-
"Oh anak, ano yan? Bakit ang dami?" Agarang tanong ng mama ni Kian ng pumasok ito sa kanilang munting tahanan. Wala itong dibisyon. Nasa isang espasyo lang ang tulugan nila at kainan. Ang kusina ay nasa kaliwang banda at ang maliit na banyo naman ay nasa kanan. Pero malinis ito. Masinop kasi sa gamit ang kanilang mama.
"Ito ma?" Umupo si Kian sa kutson na nagsisilbing higaan nilang apat (ang mama, si Princess, si Marco at siya) sabay taas niya sa tatlong paper bags na hawak niya. "Mga biscuit ito mama at tska tinapay. May ano, kaibigan kasi ako, maga-outreach sila mama, tapos nasobrahan sila ng bili kaya binigay sa akin. Magugustuhan to nila Marco at Princess, mama. Asan po pala sila?"
Naalala ni Kian ang nangyari kani-kanina lang. Pagkatapos nilang kumain ng streetfoods ni Diana ay nagpresinta ito na ihatid siya, kahit sa kanto lang daw ng bahay nila bilang pasasalamat. Nahiya naman si Kian dahil masikip sa kung saan sila nakatira. Madami pang sira-ulo. Pero dahil hindi niya matanggihan ay pumayag na lang siya, ngunit nagpababa siya sa may Jollibee malapit lang sa kanila. Sampung minutong lakad lang.
Ng sumakay siya sa sasakyan ni Diana ay manghang mangha pa siya. Mas maganda pa ito sa mga sasakyang nagpapa-gas sa kung saan siya nagtatrabaho. Napakalinis at bango pa. Napansin din niyang madaming paper bags ang nasa likuran. Sinabi nga nito na nasobrahan ang mga binili ng kuya niya para sa outreach na gagawin nila this weekend kaya pinamimigay ni Diana sa mga kaibigan ang sobra.
Binigyan din siya nito. Nakakahiya man ay tinanggap niya lalo na ng maisip sila Princess at Marco. Matutuwa sila nito.
"Kian, anak?" Naputol naman ang pagmumuni-muni ni Kian ng tinawag siya ng kaniyang mama. "Po, mama?" "Naku, kanina ka pa tulala. Ang sabi ko nakipaglaro kila Choychoy si Princess. Si Marco naman ay sinama ng Tita Melva mo sa parke para makalanghap daw ng hangin. Pauwi na siguro ang mga iyon. Sabi ko din naman dapat alas-singko y media andito na si Princess pati sina Tita mo."
Natahimik naman ang dalawa kaya kinuha ni Kian ang mga paperbags sa kama matapos niyang magtanggal ng medyas at sapatos (na itinabi kagad ng mama niya) at isinalansan ang mga laman nito sa maliit na kusina nila. Madaming biscuits, tinapay, palaman at kahit kendi ay mayroon doon.
"Mama?" Tawag ni Kian kahit pa nakatalikod siya sa direksiyon ng mama niya. "Ano yun, anak?" Halos sampung segundo ang lumipas bago humarap si Kian sa mama niya, "Mama, naniniwala po ba kayo na may taong perpekto?"

YOU ARE READING
The Beauty and the Pauper
RomanceSabi nila, "Every princess needs her prince charming." That, or "A knight in shining armor." Diana Clementine S. Zobel can make any heads turn whenever she's in the vicinity or in anyone's peripheral vision. Heck, her mere name can get attention b...