-Kinabukasan-
Drake POV
Nagising na lang ako nang may narinig akong tampisaw ng tubig galing sa labas kaya agad akong bumangon para mag hilamos
Pagkatapos kong maghilamos dumeretso ako sa veranda.
Paglabas ko sa veranda kita ko kaagad si Zy na nag floating sa pool.
Umagang umaga nagtatampisaw sa tubig.
Napalingon naman ako nang makita kong naglalakad si Beatrice papalapit sa pool kung asan si Zy.
Beatrice?!!
Anung ginagawa niya dito?
Dali dali akong bumaba.
Pagbaba ko nakita ko si Grayson naka upo sa may sofa sa sala.
Si Zyron at Ashlee naman tahimik lang na nakaupo sa kabilang side ng sofa.
' what are you doing here? ' seryoso kong tanong
Napalingon naman sila sakin.
Bored lang siyang tumingin sakin
' wala lang. Boring sa Manila kaya kami pumunta dito. Saka sabi nila mom nandito daw kayo kaya pumunta na lang din kami. ' sabi niya
' Uma--- ' di ko natuloy ang sasabihin ko nang may narinig kaming ingay mula sa likod ng bahay.
Napatakbo naman ako papunta sa garden kung asan yung pool namin.
' hoy Zyrene!! Humarap ka sakin. Ayoko sa lahat yung tinatalikuran ako nagsasalita. ' sigaw niya
Hihilain na niya sana yung buhok ni Zy nang magsalita ako.
' sige subukan. Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin Beatrice ' sabi ko kaya napalingon naman siya samin nila Zyron
Agad namang lumapit si Ashlee saka hinila ang buhok niya
' ikaw ang kapal talaga ng mukha mo ah. Ikaw na nga tong may ginawang masama, ikaw pa tong mayabang. Aba baka nakakalimutan mong malandi ka na nandito ka sa teritoryo nila Drake kaya malaya kitang masasaktan kang babae ka ' sabi ni Ashlee habang walang tigil hinihila ang buhok ni Beatrice na mangiyak ngiyak na.
Tumingin naman si Beatrice kay Grayson.
Nagpapa awa pa ang p*ta.
Agad naman lumapit si Grayson saka nilayo si Beatrice kay Ashlee. Ganun din ang ginawa ni Zyron
Nilapitan ko naman si Zy saka hinarap sakin.
' ok ka lang ba? ' tanong ko sa kanya saka tinignan ang buong katawan niya.
' wala namang ginawa yung babaeng yun sakin. Nagdadaldal lang naman siya jan. Di ko lang kinikibo. ' malamig pero mahinahong sabi niya
Napatango na lang ako sa kanya.
' bakit ang aga aga mo atang naligo dito sa swimming pool? Nag almusal kana ba? ' tanong ko ulit
' yeah, tapos na. Ako nagluto ng almusal. Kagigising mulang ba? Nag almusal kana? ' tanong niya
' naks, concern siya. Ayieee ' tukso ko sa kanya saka pinagsusundot ang tagiliran niya.
' nagtatanong lang naman ako anung problema dun? ' naka kunot noo niyang tanong
' wala naman. Di pa ako nag almusal. Wala akong kasabay kumain eh ' naka nguso kong sabi sa kanya
' anjan naman sila Beatrice at Grayson, kakarating lang ata nila ' sabi niya
YOU ARE READING
Cold Girl
Teen FictionZyrene Demonic Helton Also known as COLD GIRL Isang babaeng malamig pa sa Yelo. Naging malamig dahil Lang sa isang pangyayari. Maaari kaya ang isang Zyrene Demonic Helton ay magbago? O habang buhay na siyang magiging malamig