— HOPE’s POV —
Nagising ako sa pangangalabit ng kung sino sa balikat ko kasabay ng pag iyak ng bata na sa palagay ko ay nasa malapit lang saakain. Iminulat ko ang mata ko at nilingon ang taong nangangalabit sakin eh hindi pa naman humihinto ang Bus kaya malamang na di pa kami nakakarating.“Bakit po? ” Agad kong tanong pagkalingon ko sa Babaing medyo matanda na.
“Miss, Kanina pa Iyak ng iyak yang anak mo di Kaman lang magising. ” Aniya na ikinagulat ko.
Tinuro ko ang sarili ko habang nagugulohan sa sinasabi ng Matanda. “Po? Anak ko? Kailan pa ako nag ka anak? Naka tulog lang naman ho ako. Baka nagkakamali po kayo Nay.” Naguhulohan parin ako, napailing iling nalang ako, Pero naririnig ko din talaga ang palahaw ng Baby pero 100% sure na hindi ko anak un.
“Patahanin mo na miss, saka baka gutom na siya.” sabi naman ng isa sakin. Napatingin narin ako sa iba na sakin na ang atensyon. Nakita ko naman ung katapat na tinuro ung tabi ko kaya doon na ako napatingin.
Nakita ko naman ang isang parang basket na kulay brown na nasa tabi ko lang nga sa upoan. Kanino ba ito? Imposebling akin to, dahil wala akong naaalala na may ganito akong dala. Nagitla naman ako ng bigla itong gumalaw at may pumalahaw ng iyak sa loob kaya sinilip ko naman ito. Literal na nanlaki ang mata ko na isang bata ang laman nito, napasulyap pa ako sa paligid may iilan na nakatingin sakin.
Sinilip ko ulit ang baby, kawawa naman namumula na siya kakaiyak at mukang bagong ipanganak palang ito base sa itsura nito. At dahil malapit ako sa mga bata kahit wala pa naman akong anak ay magaling ako mag alaga ng bata. Hinawakan ko ito sa kamay kaya medyo gumaan ang pag iyak nito, ang saya sa Feeling ko ng madikit ang baby sakin pakiramdam ko isa akong magulang na nag silang sa sangol na ito. Pero sana man lang ganito naramdaman ng kanyang mga magulang nang isilang sya, sa gayon wala siya sakalagayang ito.
Hinawi ko ang nakatabing sa basket, para tuloyan siyang makita ng buo. Napaka ganda niya ay gwapo, ay iwan diko alam Gender niya pero gwapo ang mukha eh kaya baka lalaki siya may matangus na ilong, magandang hugis ng kanyang labi, mahahabang pilik mata, makapal at hulmadong kilay. Sangol palang malalaman mo nang sa magandang lahi ito nag mula. Akmang bubuhatin ko siya ng may makapa ako sa uluhan niya.
Isang sulat kamay kaya balak ko sanang kunin iyon pero pumalahaw nanaman ng iyak ang baby kaya wala akong nagawa kundi ang unahing kunin ito at kargahin, huminto naman agad ito ng iyak at parang nakatingin siya sakin habang ang maliit niyang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng dibdib ko.
Kinuha ko ang sulat habang garga at dinaiyak si baby.
~~ •
Kung ikaw ang masuwerting nakakuha sa bata, ihahabilin ko siya sayo na alagaan at palakihin ng maayos na hindi magagawa ng kanyang ama. Isinilang siya nong June 14, 20** sa Oras na 4:28 am at wala pasiyang pangalan ikaw ng bahala sa pagbibigay ng pangalan sa bata. Naawa akong dalhin siya sa malayo para ibigay lang. Masasabi kung kailangan niya ng mag mamahal sakanya, kung hindi man siya kayang mahalin at mapalaki ng tunay niyang magulang, sana kaya mo. Nautusan lang ako para gawin ito. Sana mabuti kang tao, may malaking pera na kasama ang bata na alam kung makakatulong sayo sa pag palaki sakanya, at sana lang nasa mabuting kamay ang baby sa ngayon.
Pinang galingan D.A.M• ~~
Medyo na bobo yata ako sa nabasa ko, kasi pailang beses ko binasa bago pumasok sa kukuti ko ang nilalaman ng sulat. Binasa ko itong muli bago tiningnan ang Baby na ngayon nga'y alam ko na nakatitig talaga sakin, napaka amo ng mukha niya para bang ako ang unang-una nyang nasilayan sa pag mulat ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire Son
General FictionIsang Babae ang nag silang ng malusog na lalaking sangol ngunit ng mailabas nito ang bata ay siya namanang pagbawi sa buhay nito. Labis na nasasaktan ang binata ngayong wala na ang kaisa-isang babae na iniingatan at subrang minamahal niya. Sinisisi...