"Hala bes sorry hindi din naman namin alam na crush mo siya eh."ani ni Jumi"Hindi. Okay lang. Sabay sabay nalang kaya tayong umamin sa kanya?" pagiiba ko sa usapan
"Oo nga ano? Para hindi tayo mahiya." pag sang-ayon ni Morray.
"Sige sige. Kailan ba?"-Jumi
"Hmm? Sa General Cleaning nalang. Next week na yun! Last day na rin.:)" masayang tugon ko.
"Sige!" sabay nilang pagsang-ayon sa aking sinabi.
Dumaan ang ilang araw at panay lang ang pagtingin namin sa malayo. Sa ganitong paraan namin inililibang ang aming sarili. Sa ganitong paraan rin naman kami sumasaya dahil minsan rin kaming kawayan ni Mark. Magkakaklase kami ngunit hindi kami ganoong close sa kanya dahil kakaunti lang rin ang kaibigan ni Mark sa section namin dahil ang ibang kaibigan niya ay galing sa mataas na grado.
"Ano ba iyan! Ang tagal naman ng General Cleaning natin! Gusto ko nang umamin!" ngawa ni Jumi. Pareho lang kami ng nararamdaman dahil iniisip ko palagi kung ano ang maaring reaksyon ni Mark kapag sabay-sabay kaming umamin sa kanya.
Bigla ko namang natanaw si Mark sa malayo.
"Guys! Si Mark!" sigaw ko ngunit mahina lang pero sapat na para walang makarinig na tao sa paligid namin dahil nasa Canteen kami sa kasalukuyan at kumakain.
"Ano na Ethan? Crush nga kita! Ang pogi pogi mo talaga!" malungkot na sabi ni Morray. Masyado naman silang excited sa pag amin. Ako excited ako sa magiging reaksyon niya talaga.
Hindi naman narinig ni Mark ang sinabi ni Morray dahil malayo ang distansya niya sa amin.
"Guys!" pag-agaw ko sa atensyon nila at agad naman silang napaayos ang upo.
"Huwag kayong biglang umamin dahil sabay sabay tayo! At isa pa huwag niyo rin ipaalam sa iba!"
"Oo alam ko na yun"-Morray
"Me too!"-Jumz
Dumaan pa ang ilang araw at wala na kaming klase at puro panonood nalang ang pinagagawa sa akin ng mga teachers dahil tapos na ang Final Examination para sa School Year na ito at wala nang pwedeng mai-lesson. Si Madam Mira ang kasalukuyang guro namin ngayon.
May kumatok sa pinto ng aming silid aralan at si Madam Lani iyon.
"Yes Ma'am Lani?" nakangiting tanong ni Madam Mira.
"Good Afternoon Ma'am! Kindly excuse Khail Espiritu for me please. I'll give her a simple task to do." nakangiti ring bati ni Madam Lani.
Bumaling ang tingin sa akin ni Madam Mira.
"Khail, Ma'am Lani is excusing you for awhile."
"Yes Madam." lumabas na ako at kinausap si Madam Lani.
"Khail anak, ipamigay mo ito sa mga kaklase mo ngayong araw ha? Ikaw lang kasi ang maari kong maasahan sa mga ganito ano?"
"Sige po Madam." ibinigay sa akin ang mga exams.
"Salamat Khail."
"You're welcome po." nakangiting tugon ko.
Pumasok na akong muli sa classroom at nagsimula ng magpamigay ng kaniya-kaniyang papel ng mga kaklase ko.
Maya maya pa'y nakita ko ang exam ni Mark. Tinignan ko ng buo ang kanyang papel at walang bahod ng kahit anong pagbubura at lukot ito. Maganda rin ang kanyang sulat kamay.Napakalinis na lalaki. Napangiti ako ng wala sa oras.
YOU ARE READING
The Truth Untold
Historia CortaIt's been years... Finding a thrill for her life.... A different definition and kind of thrill for her... Reminiscing her journey.... Turn her attention to others... Keeping it a secret for the mean time... What had happened?