June 6, 1898"Kailangan ba talaga nating humantong sa ganitong klaseng hiwalayan?" Mahinang bulong ng babae habang umiiyak sa dibdib ng lalaking pinakamamahal niya
"Dumating na ang panahon na kailangan na nating ipaglaban ang ating kalayaan na matagal ng inabuso ng mga espanyol"
Sagot ng lalaki habang nakayakap sa babaeng mahal niya"Paano kung sumabak ka sa giyera at hindi ka na makabalik pa ng buhay? Paano na itong anak nating pinagbubuntis ko?" Tanong ng babae
"Mga kasama! Tara na at maghanda na tayo para sa itinakdang giyera mamaya sa intramuros" sigaw ng mga kasama ng lalaki
"Ano man ang mangyari, gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan upang makita ka muli" huling sabi ng lalaki bago ito tuluyan ng sumama sa mga kasama niyang makikilaban
"Paalam. Inaasahan namin ng anak mo ang iyong pagbalik" maluha luhang bulong ng babae habang pinagmasdan ang lalaki na naglalakad papalayo sa kaniya
Ngunit nakaraan ang ilang araw, wala ka pa ring balita sa kaniya
Lahat ng mga kasama mong babae ay nangangamba na rin sa kalagyan ng mahal nila
Marami na ang nag iiyakan, ang iba ay nawalan na ng pag asa, meron namang iba na patuloy pa ring naniniwala na ayos lang ang lahat
"Mga kaibigan, natalo tayo" malungkot at matamlay na sabi ni Clarita
Maririnig mo na lalong lumakas ang iyakan sa loob ng isang silid na kung saan kayo nagtatago
Yung iba namang di pa nawawalan ng pag asa ay lumapit kay Clarita upang siguraduhin na buhay pa ang iba
Ngunit ni isa sa mga kalalakihang sumabak sa giyera ay hindi na nabuhay pa.
Sa gulat mo ay hindi mo naramdaman na tumulo ang luha mula sa kanang mata mo
"Jose..."
"P-paano na kami?"
"S-sabi mo gagawa ka ng paraan upang magkita tayo..."
Hindi mo na nalaman ang susunod na mangyari nang bigla kang tamaan ng tatlong sunod sunod na bala
Nakita na ng mga kastila ang taguan namin.
Narinig kong saglit na umiyak ang bata sa loob ko
Patawad anak ko, ngunit hindi ko na maibibigay sayo ang buhay na inaasam asam mo
Bago ka pa tuluyang mawalan ng malay ay nakakita ka ng liwanag.
___
March 5, 2019
"I saw him in my dreams again!" Sigaw mo
"So? Ano iisipin mo na meant to be kayo ni 'boy from your dreams' ??" Sagot ni Andrea, kapatid mo
"Whatever, pero kakaiba yung dream na yun eh, para bang nagflashback sakin yung past life ko, sa dream ko" sagot mo
"Past life? Youre Talking about nonsense again ate" sagot niya
"His name is Jose. Namatay siya sa isang giyera. he promised that he'll do anything just to see me again before battling with the spaniards in 1898"
"We had a child, but the child wasn't given a chance to see how cruel the world was before"
"Ako naman, namatay ako dahil nakita na ng spaniards ang pinagtataguan ng maraming babae..." Paliwanag mo
"You mean, yung sinabi niyang gagawa siya ng paraan para lang makita ka ay sa paraang lilitaw siya sa dreams mo?" Tanong ni andrea
"YES! do you understand me now?" Sigaw mo
"I should say yes even though it seems 100% fictional" sagot niya at umalis na
Naiwan kang nakaupo sa kama mo habang sinasabi ang mga katagang ito:
"I was reincarnated."
"I want to go back to the time where everything ended"
"I want to go back to 1898"
"Jose, ang dating pangarap natin ay nasa panaginip ko na lamang ngayon"
(inspired by 'I love you since 1892' hehe u should read it kung di pa maganda yun sobraaaa)
BINABASA MO ANG
Panaginip [Short Story]
Historical FictionAng dating pangarap nating dalawa ay nasa panaginip ko nalang ngayon