CHAPTER 8: Party Rock

28 2 0
                                    

~8th day~

Maaga akong nagising para makapag ready sa party ni Andy.Kailangan stunning ako hahaha

"Wag kang magalaw kinukulutan pa kita!" Sigaw ni Val

Syempre supportado rin ako ni Val.

Nung handa nako bigla akong naupo sa kama ko.

"Hmm. Val." Mahina kong tawag

"Yes?"

"Pano kaya kung . . diba puro mayayaman ang mga nandun? Hindi kaya titigan nila ang suot ko kase hindi pang mayaman?" Malungkot kong sabe.

"Hindi talaga pang mayaman yan, dahil pang diyosa yan!" Masigla niyang sigaw.

Buti pa si Val confident pagdating sa ganto, Sana hindi naman mangyare yung iniisip ko.

*Peep*

Andyan na pala yung sasakyan na susundo saken.

Nung nasa harapan nako ng bahay nila andy biglang nanghina yung tuhod ko nakikita ko kase yung mga nagdadatingan na mga regalo anlalake samantalang yung aken Tshirt lang na may pangalan ni Andy.

Umuwi nalang kaya ako.

May bumanga bigla saken kaya napaurong ako.

"Oh. Sorry miss you're blocking the way kase eh." Sabe nung babaeng maganda sabay irap saken.

"Sorry yung ano kase. ." paliwanag ko

"Stop making dumb excuses." Mataray niyang sabe sabay taas kilay tapos ay pumasok na kila Andy.

"Cindy!" Sigaw ni Andy habang kumakaway at tumatakbo palapit saken.

"Hi." Nahihiya kong bati habangnasa harapan ko siya at naka tuxedo pa.

Ang gwapo talaga ni andy. haha

"Oh? Natulala kana diyan." Sabe niya.

"Ah! Hinde etoh nga pala HAPPY BIRTHDAY!" Bati ko.

"Wow! thanks" Sabe niya " Ahm. Ang ganda mo cindy." Mahina niyang sabe.

Nung pagkasabe ni Andy nun biglang huminto yung paligid. hahahaha ano toh teleserye. deh, na speechless lang talaga ako

"Salamat." Mahina kong sabe.

"Pasok na tayo." Sabe niya sabay abot ng braso niya.

Dun naman ako humawak habang papasok kame.

"Dad. Here's Cindy remember her?" Pagpapakilala saken ni Andy.

"Ah! You're the Girlfriend of my son." Sabe nung daddy ni Andy.

"Dad! No! Pero malay naten." Biro ni Andy

"Enjoy the party cindy." Sabe ng daddy ni Andy

"Opo sir." Sabe ko naman

"Call me tito Abe." Sabe ng daddy ni Andy.

"Opo tito Abe."

"Much better!"

Hinatid naman ako ni andy sa isang table.

"Wait lang Cindy may gagawen lang ako." Sabe ni Andy

"Sige lang, take your time." Sabe ko

Nung pagkaalis ni Andy may naupo sa gilid ko na babaeng mapute.

Yung babae pala kanina na bumanga saken.

"Hindi ako na inform na nagiimbita pala si Andy ng mga hampaslupa sa party niya." Sabe nung babae habang naka upo.

Hindi na muna ako kumibo, kinalma ko na muna yung ulo ko.

"Hahaha." Plastic niyang tawa,"Such a Gold Digger Bitch." Sabe nung babae.

Aba! Iba na to ah.

Tumayo nalang ako para umalis pero hinawakan niya yung bag ko at hinila ako kaya napatumba ako sa table.

*Boooog*

Shocks! Natumba yung table na tinumbahan ko.

Nakatingin na lahat ng tao saken.

Naiiyak nako at diko alam ang gagawen.

Nakita ko naman na tumatakbo palapit si Andy.

Pinigilan siya nung babae pero hindi pinansin ni Andy yung babae.

<Andy's POV>

Nilapitan ko agad si Cindy nung nakita ko yung nangyare.

Binuhat ko siya sa braso ko na parang bride.

Huminto ako sa harapan ni Lannie habang buhat si cindy.

Si lannie yung babaeng gusto ng magulang niya na ipakasal siya saken pero ayoko. Ako ang pipili ng mapapangasawa ko hindi ibang tao.

"Nakita ko ang ginawa mo."Bulong ko kay Lannie habang buhat si Cindy.

Nanlaki yung mata ni Lannie tapos ay dinala kona si Cindy sa isang kwarto sa bahay.

"May masaket paba?" Tanong ko habang nilalagyan ng gamot yung sugat niya.

Umiling lang siya.

"Sino yung babae kanina." Mahinahon na tanong ni Cindy.

"Don't mind her."

Sinubukan tumayo ni cindy tapos ay napatumba siya at nahila ako patumba sa kama.

Ang ganda talaga niya. Kung magkakagusto lang sana siya saken siguro ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.

*Click*

"Omaygaaaaash" Sigaw nung kaklase ko nung pagpasok niya sa kwarto sabay picture.

"Ikaw nanaman?" Tanong ko sabay tayo.

Napatakbo nalang yung kaklase namen ng mabilis.

"Andy." Seryosong tawag ni Cindy.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Ahm. Salamat pala." Mahinang sabe niya.

"Saan naman?"

"Para sa lahat. Kahit na hindi tayo close masyado andyan ka lage para saken." Sabe niya

"I . . ." Naputol yung sinasabe niya kase dumating si Daddy at tinanong kung ok lang si cindy.

"Ahm Dad, Hatid ko na siya pauwe."

"Sure anak, mas safe pag ganun, sige ingat kayo." Sabe ni daddy.

Habang nasa sasakyan biglang pinahinto ni Cindy yung sasakyan at bumaba sa isang park.

Dahan dahan siyang naglalakad.

Sinundan ko na rin siya.

"Cindy!" Tawag ko sabay hila nung kamay niya.

Napahinto naman siya.

"Cindy, Diba yung sa dare naten." Sabe ko

"Haha Oo naman!"

<Andy's POV>

"Hm hm hm." Tawa ko habang naka sara ang bibig. talent ko yan hahaha.

"Bye Cind, Ingat ka sa pag uwe mo ah." Sabe ko.

Nakatingin lang si Cindy habang dahan dahan akong lumalayo.

"Mamimiss kita Cindy!"Sigaw ko habang nakatalikod at kumakaway kaway.

<Cindy's POV>

Anong nangyare dun? Haays. Naglakad nalang ako pauwe hindi na ko nagpahatid kay Andy kase. . Najejebs na talaga ako at baka magpasabog pako sa sasakyan ni Andy.

10 days to fall for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon