Chapter 1

53 1 6
                                    

HELLO PO!!! Hope you guys like this story~ Vote and Comment will be highly appreciated! Haha. (Parang may nag babasa naman.. (-_-")

__________

Chapter 1

        Ipinanganak sa November 13... Friday the 13th... iniiwas ako ng mga kaibigan ko at pamilya ko. Alam ko. Masaklap buhay ko. Best friend ko? Mga magulang ko. Sila lang kakampi ko sa inaakala nilang kamalasan ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako malas. Sobrang judgemental lang talaga ng mga tao.

       Akalain mo? Malas na Top Notcher. Biro ba 'yun? Crystal Dazza, college sophomore and top notcher ng Pyrope Academy. Ang Pyrope Academy... college ng mga mayayaman at mga sosyal. 'Wag mo akong isasama sakanila. Hindi ako mayaman, hindi din sosyal. Scholar lang ako. Matalino eh, anong magagawa ko?

        Haay, eto, first day palang, pinagbubulungan na ako ng kuna ano-ano. Kilalang kilala talaga ako as "Friday the 13th" kahit saan man ako pumunta. Kaiinis! Bawal nang maging normal akong tao? Kahit ngayon lang?

        "Hi!" Sabi ng isang lalaki sakin. Hindi ko na pinansin kasi baka pinagtritripan nanaman ako ng mga 'to. Nagbubulungan na yung ibang estudyante. "Okay lang ba siya? Alam ba niyang BAD LUCK 'yang babaeng 'yan?!" Sabi nila

Tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya ako sa balikat. May utak ba 'to? Buong school nga, ayaw ako hawakan eh. Lahat ng mga maiingay kanina, nakatitig na sa'min. "Kinakausap kita, huy." Sabi niya. "Snob much?"

        "Eh, ba't mo ba ako kinakausap? Di mo ba ako kilala?" Sabi sakanya na konting naiinis.

        "Kaya ka nga kinakausap eh. Kasi di kita kilala." Sabi naman niya na natatawa.

      "Basta. Wag mo akong kakausapin. Kita mo ba? Malas ako, yun yung bulungan nila. Tsaka, parang marami ka namang fangirls eh." Sabi ko sabay tingin sa likod niya. "Yun oh." Tinuro ko yung mga nagtitilian sa likod niya.

        "Paano ka naman naging malas?"

        "Crystal Dazza. Born on November 13, Friday." Sabi ko, "Gets mo na?"

     Pagkasabi ko nun, nakatunganga lang siya dun, pati yung mga nakatitig samin. "Oh? Natameme ka na dyan?" Sabi ko, "Wag mo na akong kakausapin." Tapos umalis na ako.. Tang*na!! Alam kong sabi ko na gusto ko maging 'normal' pero, hindi naman yung tipong kinakausap na ako. By 'normal', I meant, yung hindi na ako tinatawag na 'malas' o 'Friday the 13th'.

        Naglakad na ako papuntang classroom.. Class A... Class A.. Ah, yun! CLASS A! Pagkapasok ko.. BOOM PANES! Pinagtitinginan, pinagbubulungan, at pinagtatawanan nanaman ako. Umupo nalang ako sa pinakalikod, tutal wala namang may gustong tumabi sakin.

        Pumasak na yung teacher sa room. Nakatalikod siya pero masasabi mong striktong teacher 'to. Nagsulat siya sa board: Sir Encarnacion. "Ehem." Sabi niya at nagsi-upuan na silang lahat. "Good moring, class."

        "Good morning po, Sir!" Sigaw naming lahat.

        Ngumiti naman siya ng konti at nagsi-tilian na yung mga babae kong classmate. "Quiet." Sabi ni sir. Tumahimik naman sila agad. "First things first, silence." Tumingin siya saming lahat, parang may inspection, tapos ngumiti ulit. "Good. Second, kapag nakita niyo na ako, dapat nasa upuan niyo na kayo. Okay?"

        "Yes sir." Sabi nila.

        "Okay, that's it. Now, every--"

        "Sorry po, sir. Na-late ako.." Sabi ng isang lalaki. Hindi ko na tinignan kung sino. Parang may interes naman ako. Wala akong pake dyan, kung sino man siya.

Friday the 13thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon