Chapter 2

21 0 2
                                    

HELLO PO!! Ito po yung second chapter. Sorry, if matagal yung pagka-update. Obvious naman na second chapter 'to kasi nakalagay sa taas 'Chapter 2', bobo lang talaga ako. Hahaha!! School lang naman kasi, ka-stress. Alam kong na fe-feel niyo ako! Enjoy! Votes and Comments are highly appreciated. (Advertiser lang ang peg)
__________

Chapter 2

        Naghihintay lang ako ng tricycle sa kanto ng biglang may dumaan na kotse at huminto sa harap ko, tapos biglang bumaba yung bintana.. Ay leche naman oh. Si Ren. Lakas ng loob nito, pagkatapos kong sabihin sakanya na 'wag akong kausapin... Ano 'to?! ROUND THREE?!!

        "Anong ginagawa mo diyan?!" Sabi niya na parang nagbibiro.

        "Eh ikaw?! Anong ginagawa mo?! Sabi ko sa'yo na 'wag mo akong kakausapin diba?" Sabi ko tapos inirapan ko siya.

        "Basta. Sabay ka na sakin. Parang kasi malayo pa 'yung bahay mo eh."

        "Kaya nga naghahanap ng tricycle eh! Umalis ka na nga! Panira ka ng view ko sa paghahanap. Tsaka bukas 'wag mo na talaga akong kakausapin. Kapag kinausap mo pa ako, sasapakin talaga kita!" Sabi ko tapos inirapan ko ulit.

        

        "Ahahaha!! Oo na po ma'am. Sige, see you tomorrow!!" Tapos umalis na siya.

        Utang na loob, Lord!! Nakakainis na nga, nang-iinis parin! Argh!! 'Tang*na!! Sarap niya sakalin!! Ugh!

        "Uh.. Miss? Sasakay pa po ba kayo?"

        "Hah?" Pagkatingin ko sa nagsalita, yung driver pala ng tricycle na nag sundo sakin kanianang umaga. "Ay! Kuya, ikaw pala. Opo, opo, sasakay ako." Tapos sumakay na ako. Umandar na yung tricycle

        “Sino kausap mo kanina? Ay!  Baka magalit ka sakin, kinakausap kasi kita eh. Hahaha!!”

        “Nako! Si kuya naman oh! Sa mga classmate ko lang ang batas kong ‘yan! Hahaha!!”

        “Ah, ganun ba? Oh, eh sino ba ‘yung sinisigawan mo?”

        “Wala po. Nang-iinis lang.” Sabi ko tapos napabuntog hinga ako.

        “Ah, osige. Handa mo na ‘yang gamit mo. Malapit na tayo sa bahay mo.” Sabi niya, “Ako service mo eh. Haha!”

        Mga konting minuto, naka-uwi na din ako. Babayaran ko dapat si kuya pero wag na daw kasi sumobra daw  yung bayad ko sakanya kaninang umaga. Yun nalang daw bayad ko sakanya. Haay.. Bakit ang bait ni kuya? Haha.

        Pagkapasok ka  ng bahay… “Oh, anak! Kamusta first day mo? Okay lang ba?” Bati ni Nanay.

        “Okay lang po.” Sabi ko. Ayoko nang sabihin na may nangiinis sakin. Baka mag-alala pa. “Sige po ‘Nay, akyat na ako sa kawarto.” Tapos umakyat na ako.

         Pagkaakyat ko… Nandoon si ate… Ugh… Sobrang  wrong timing naman oh! “Oh? Dumating na pala ang malas!”

         Napabuntog hinga nalang ako. Sanay na ako kay ate… Matagal na. Bunuksan  ko na yung pintuan sa kwarto ko at dumiretsyo sa computer. May kaligayahan din naman ako. Hindi ako yung Top Notcher na puro aral lang ng aral, sobrang boring ng buhay kung ganun. Sa totoo lang, marunong din ako mag fangirl. Hindi nga lang sa mga totoong tao. Sa mga, fictional characters lang naman so, yes. Mahilig ako sa Anime, lalo na yung romance and school life. Alam ko na hindi mangyayari sa’kin yung mga ganun. Hindi ako umaasa, never was, never will.

         Pagbukas ko ng Google Chrome, dumiretso na ako sa paborito kong site. Sinearch ko na yung malapit ko nang matapos…  Sukitte Ii Na Yo, Episode 13… Aha! Nagplay siya agad ng pindutin ko yung play button. Alam kong Japanese language ‘to, may translation naman sa ilalim eh kaya okay lang.

Friday the 13thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon