Encounter 3: Periodic Table

49 4 1
                                    

Encounter 3: Periodic Table

--

" a-ah?" Titig ko kay Carlos. Has he gone mad? Ako? Sya? No way! Nanlaki ang mga mata ko. Kabado at nagpapawis. Sa bilis ng tikbong ng puso ko, feeling ko tatakbo na to pa-Edsa.

" Liligawan kita Bea. " Bulong nya sakin na may total eye contact. Ansakit nya sa mata jusko. Wala akong gusto sa kanya. Perhaps ang tingin ko nga sa kanya insekto eh.

Huminga ako nang malalim at tinignan nang seryoso si Carlos. Nasisiraan na ata ng ulo to.

" Alam mo bang may lagnat ka?" Salita ko. Hindi sa iniiwasan ko ang topic na to pero totoo kanina ko pa napapansin. Ang lanta nya. Ay pak gulay lang ang peg. Hinawakan ko sya sa noo at bakas sa mukha nya ang bahagyang pamumutla. Seryoso ba sya?

" huh?" Nawala sya sa concentration.

Tinulak ko sya nang dahan dahan at lumapit ako sa kanya. Dinikit ko ang noo ko sa noo nya.  Napahawak na lamang sya sa ulo nya at napaupo sa kama.

" Ito na ang nga damit mo. Kukuha lang ako nang tubig para sayo. "

Paglabas ko ay ramdam ko na nag iinit din ako mukha ko. Sobra akong kinabahan sa kaniya. Jusko! Kailangan ko nang tulong. Napasandal ako sa pader at nanlumo.

Kikiligin ba ko dapat?

Dahan dahan ako naglakad papuntang kusina at kumuha nang tubig at towel. Di mawala sa isip ko ang kaba.

Nagulat ako nang mapadaan ako sa salamin sa kusina nila.

Nakangiti ako at namumula.

Haluh! Nabuang na ko! Yawa

Agad akong naghilamos. At nagmamadaling naglakad paakyat sa kwarto ni Carlos. Ano bang nangyayari sakin.

" Carlos. " katok ko bitbit ang tubig at twalya. Pagbukas ko ng pinto ay wala pa sa kalahati ang nabubutones ni Carlos sa pajamas nya. Di ko napigilan mandilat sa katawan nya.

May abs pala sya? Ang puti puti at pagpapawisan ka talaga.

Napainom ako sa tubig na dinala ko para kay Carlos.

" Bea. " nakatungo syang nagpapakahirap ibutones ang damit nya.

" Ipatong mo na lang sa lamesa yan. " sabi nya. Patuloy nyang sinubukan ang pagbubutones sa damit nya. Hirap na hirap na sya. Hindi sya nanghihingi ng tulong pero bilang isang estudyanteng puro aral, nafufrustrate ako pagnakakakita ako ng napakadaling trabaho pero di magawa ng ayos.

Di ko napigilan maglakad papunta sa kaniya.

" Bea ano nga pala gusto mong miri- "

Agad kong inusod ang kamay nya at lumuhod sa harap nya para tulungan syang magbutones.

Nandilat din sya at nagulat. Tinitigan nya ako habang ginagawa nya yun.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon