Encounter 5: Love is War

17 2 0
                                    

Day 2

" Bea! Gising! "

Kunot noo akong dumilat para tignan yung nakakairitang sumisigaw. I looked around and blurry tried to process where I was.

Ah! Nandito pa kami.

" Bea! Hoy! " Nakatitig akong hinintay ni Den magsalita.

" Alam mo?" Sabi ko habang nakakubang, antok na antok pang bahagyang nakadilat.

" Na?" She waited.

" napaka liit mo pero ang ingay ingay mo. " sabi ko sabay nahiga ulet.

" Haluh grabe. Bumangon ka na dyan. May pupuntahan tayo ngayon! Aakyat tayo ng bundok. " she said with enthusiasm. Binaba ko ang unan na nakatakip sa mukha ko para isipin kung may napag usapan ba kaming pag akyat sa bundok o ine-echos nya lang ako.

Hindi ko maalala. Wala naman ata sa agenda namin yun. Nakakatamad.

" Beaaaaa!! Dali na. Maligo ka na. " she stood up and took out my clothes. Namili sya ng susuotin ko, sinundan ko sya ng tingin.

" Anong ginagawa mo?" I asked.

She continued rumaging my bags, and threw clothes on me, " Maligo ka na Bea. Ayan suotin mo para maganda ka sa harap ni Carlos. " she said then left, sumabit muna yung tali ng robe nya sa pinto bago nakalabas. Napaka-clumsy.

Tamad na tamad akong naupo at binuklat ang damit na pinili nya. " Yellow na light polo, white na sando, white na shorts. Bat ako magsho-short sa bundok?" Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ba sila pagod kagabi? Punyeta ako kasi antok na antok pa ko.

I grabbed the clothes and a towel and headed straight to the bathroom. On my way, napansin kong nagluluto si Den at Carlos sa baba. Yung villa kase ay two story, sa second floor yung mga kwarto at sa west wing dun mo makikita yung dalawang banyo. Medyo bongga din to si Den.

Mukha silang magkapatid. Magtatay? Malay naten. Magjowa.

" Bea. " I heard a soft voice when I opened the door. Pumasok pa din ako sa banyo despite of the person. Bat ako mahihiya si River lang to. I turned on the shower.

" Sige lang. Nagtutuyo na lang naman ako ng buhok. " sabi ni River hawak ang blower. I slid the shower curtain at nagsimula ng maghubad.

River is undeniably sexy and pretty. It's almost insecuring to look at her. Bat kaya wala pa tong jowa.

It took me half an hour to bathe and an hour to prepare myself. I was applying sunblock when I saw the mark of the jellyfish sting, it still hurts.

" BEAAAAAAA!!!!" Sigaw ni Den, she barged in our room. Buti na lang tapos na ko magbihis.

" Ows? " I asked tying my hair into a ponytail.

" Ang tagal mo! Baka abutin tayo ng tanghali. Mainit pa naman yun. Iitim tayong lahat. " sabi ni Den na nagmamadali. I quickly wore my heart beat tracker. I checked my bag once again and took my anti-hypoglecemia medicine in my bag. Hila-hila ako ni Bea pababa ng kwarto. Ako na lang pala hinihintay.

" Bea, di ko pala nasabi sayo kagabi yung sa nan---" hindi natapos ni Carlos yung sasabihin nya. Nang dumating si River, shet. Tao ba talaga to? She looks good in her outfit. Aakyata lang naman kami ng bundok.

Binigyan kami ni River tig iisa ng knife at whistle. In case na mawala kami sa bundok. Kasama naman namin yung tito ni Den kaya di ako nag aalala.

Bumulong ako palapit kay Carlos, " Carlos."

" Yes? " he said helping me with my bag. " Ako na dyan. " sabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon