Chapter 3 - Peace Offering

347 3 0
                                    

I've been walking down the hallway, students are flocking to and fro. I walked straight to my classroom and there I saw Benedicto in her chair. Tiningnan ko ang aking orasan, ang aga pa pala. Why did I even bother to come to school this early? I muttered to myself. I was at her back but she is not aware though that I am there she is immersed in playing that little stringed instrument with a bow. Such a romantic aura, I was reminded of what I did sa Science Laboratory and that was a week ago but it haunts me like hell.

Anghaba ng buhok niya, kulay itim na bagsak pero sa dulong dulo nito'y maypagka wavy. Gumagalaw galaw iyong ulo niya kasabay ng musikang tinutugtog niya. Napapikit ako para ramdamin ang bawat tinig galing sa kaniyang violin.

"NANANAGINIP NG GISING, NAKATULALA SA HANGIN." na may kasamang pagbato pa ng bag. Guess who? It's Rosh. Napadilat ako. Tinitigan ko si Rosh nang nakamamatay. Umiwas siya ng tingin knowing na I'm serious enough to kick her in the ass. Huminto na ang tugtog napalipat ang tingin ko kay Benedicto. She is smirking at me. I know that something's going on in her head. I just glare at her and ginawa rin niya iyon. I can slowly see my shadow sa kaniyang mata and biglaan siyang kumindat. Like WHAT?! Napatayo ako bigla, nabigla rin si Rosh. "Dan..." She said something but my pace is larger than the normal.

I was looking at my face sa mirror ng CR, pulang pula. Why do I blush like this sa simpleng kindat lang? Or siguro galit ako, I convince myself. Lumabas na ako ng CR and hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Dinala ako ng paa ko sa butterfly sanctuary. Para siyang isang mini forest, there are trees everywhere halatang alagang alaga dahil berdeng berde ang kulay ng dahon at siyempre may mga klase-klaseng bulaklak. This feels like heaven. ARF ARF ARF, "TOMMMM!" Sigaw ko, tumakbo siya sa kagawian ko and natumba kami pareho sobrang laki niya. Dinidilaan niya ako. "Dan! Andito ka, kay tagal mo na ring di nagawi dito." He's Kuya Tupi iyong gardener at ang aso niya na si Tom. "Busy po kasi, di po kagaya nung elementary." Malungkot na pagkasabi ko. "Okay lang iyan hija basta't galingan mo sa pag-aaral." Tumango ako at winawagayway niya kaniyang kamay para magpaalam. Ayaw sumunod ni Tom sa kaniya. Kaya't iniwanan muna niya sakin. Nakahiga ako sa damo habang si Tom naman ay nasa tabi ko.

"Pre, tapos ka na sa assignment doon sa Math?" "Oo pre andun sa locker." "Ikaw na talaga ang dabest pre." Napabalikwas ako sa paghiga that voice. Nagtago ako sa isang puno habang dumadaan sila. It's a small sanctuary though so madadaanan lang. "ARF ARF ARF" Tom's barking at the tree kung saan ako nagtatago. "Tom please be quiet." I hissed at him. Nakalampas na sila ng daan samin and 'yong likod niyang mala-adonis ang katawan. Buo na ang araw ko. Niyakap ko si Tom, "Nako Tom ang ingay mo buti di ako nakita." Bakit kaya ako nagtago? Hays kakahiya kasing makitang nasa damuhan ako. Ewan. Tumunog na ang bell kaso si Tom pano yan? Nakalimutan kong hingin kay Mang Tupi yung tali niya kasi kung sakali pwede ko muna siyang itali dito sa sanctuary. I can't miss my Chemistry class nako first subject pa naman namin. Hindi ko rin naman pwedeng dalhin si Tom. Humiga nalang ulit ako sa damo looking at the sky above me.

"Dan!" Onti onti akong bumangon sa pagkahiga. Si Mang Tupi iyong tumawag sakin na may halong gulat. "Pasensiya na di ko naiwan iyong tali ni Tom." "'Wag ka mag-alala Mang Tupi napaka-relaxing ng ginawa ko ngayon." Assure ko sa kaniya. Binatukan niya ako sabay, "Cutting classes ka niyan. Halika't papaliwanag ko sa teacher mo." Ngumisi ako at tumakbo na papalayo. Ayoko naman mapahamak si Mang Tupi baka hindi na tuloy pwede si Tom sa campus. Kinapa kapa ko ang aking skirt, shocks wala rito cellphone ko nasa klase. "Ate, anong oras na po?" "10:30" Tumakbo na ako nang wala man lang thank you kay ate.

Hinihingal akong pumasok buti wala pang teacher. "Saan ka galing?" Ces in a questioning look. Here comes the good girl. I just smiled at her and she rolled her eyes. Tahimik si Rosh sa gilid it's a first time ever na wala siyang dada.

"Class, start from where have you stopped sewing." It's a TLE class. We're sewing pajamas. Isa-isa na nilang kinuha ang kanilang gamit. At doon ko napagtanto na nasa locker ko ang gamit ko. Bawal pa naman pumunta at umalis dun in class hours dapat ready ka na. Sinundot ko si Ces. May extra tela siya and nagpa-cute ako para naman mabigay niya. Hindi na ako nag-isip pang kumuha ng sinulid at thread sa kaniya. Nagkukunyari akong nagtatahi para lang sa attendance. Si Rosh di ako pinapansin. Dedmabells lang din ako.

Natapos na rin ako sa wakas magkunyari. It's lunch break, hindi sumama si Rosh. "Anyari dun?" Tanong ni Ces nagkibit balikat lang ako. Bothered talaga si Ces kasi kanina pa siya di matahimik kay Rosh. Sa inis ko sinabi kong "Puntahan mo na siya at bigyan mo na rin ng pagkain, isaksak mo sa bunganga niya." Natahimik siya she noticed my tone to be furious enough. But insisted, "Okay." At iniwan na niya akong mag-isa.

Nakakawalang gana tuloy kumain, I disregarded my food and pumunta dun sa ice cream vendo aakmang pipindutin ko na ang choice ko but I had this hand stroke past at me. Nag-iisang chocolate ice cream nalang while the other ones are vanilla. I have to fight for this. Nang lumabas na ang ice cream, nag-bend siya at hindi rin ako nagpahuli yumuko na rin ako kaso naunahan niya akong abutin ang ice cream. Humarap siya sa akin at nagtugma ang aming mga mata. Her eyes is hazelnut and I can see my self in those. Konting distansiya nalang sobra and I can smell her scent, a scent that is heavenly. She uttered "Peace offering." She waved goodbye as she turned back her long wavy hair shines and sways as she walks away.

AUTHOR'S POV
Abangan kung anong nangyari kay Rosh. And the peace offering! Keep reading.

Comment, Vote and Be a fan.

Adrenaline Rush GXGWhere stories live. Discover now