Member no.1: Amnesia boy

207 4 6
                                    

P.O.V  ni Rex Rivera

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila.

Pano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sayo?

Maaring nakita mo na siya pero yumuko ka para magsintas.

Maaring nakatabi mo na siya pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights.

Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sakanila.

May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na.

Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa."

Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa.

Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa.

Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa.

Lahat na lang patama?

Puta ganito ba kahirap makonsensya?

Ugali na nila mommy at tatay magmovie marathon kapag sunday night

Pero bakit sa dinadami dami ng pwedeng panuorin, eto pa?

Nanadya ba talaga?

Amnesia Girl.

Sana may amnesia na lang rin ako para makalimutan ko na siya...

Sinong siya?

Si kathrin - ang tanging babaeng minamahal ko ng ganito

Kamukha ko na nga si Daniel Padilla, magkapangalan pa kami ng pinag aalayan ng puso.

Pinag aalayan ng puso? Tae Rex ang corny mo. Hay Nako. KATHRIN UY dahil sayo nagkakaganito ako.

Hindi ko naman talaga ugali maging ganito, gwapo lang ako pero hindi naman talaga ako expressive na tao.

Mahal ko pa siya. Mahal na mahal.

Pero dahil wala akong pinagsasabihan kahit na sa beats, tinatago ko na lang tuloy ito sa sarili ko. Si tanyel lang ata nakakahalata, kapatid kong epal na nagmana sa akin.

Ewan nahahalata niya ata talaga e. Hahaha Minsan hindi ko rin kasi mapigilan sarili ko.

Wag kayong maingay ha, shhhh lang! Minsan kasi pag nag online si kath sa fb,

pini-pm ko siya gamit yung account ni teyn ng "I miss you".

Hindi ako makatiis, magrereply naman si kath ng "I miss you too" 

bilang close naman sila ni teyn . Sa ganung paraang mapapangiti na ako.

"Mommy si kuya may laslas sa kamay" sabi ng nakakairita kong kapatid na mahilig magbaby talk.

"Hoy Rex, anu nanaman yang pinag gagawa mo, iiwan iwanan mo tong si kath tsaka mo gagawin yan. Gago ka ba?" sabat ng magaling kong tatay.

Haynako. Isa pa to..

Isa pa to sa mga bagay na pinoproblema ko bukod sa sakit ko sa puso, i mean literally may sakit talaga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masakit ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon