"Abel,nasan ka na ba?!"
Sinabi ko na sa kanyang wag siyang aalis ,pero bakit- -?!
Nasan na ba siya nagpunta?!"Miss,may nakita po ba kayong batang lalaki?"iminuwestra ko sa kanya kung gaano ito kalaki at kung ano ang suot nito bago ito mawala.
Tanging iling lang ang natanggap ko sa babae.
Abel?San ka nagpunta?!
Nakailan pa akong tanong sa mga dumadaan bago ako tuluyang mawalan ng pag-asa.
"Miss?I heard nawawala ang anak mo right?"bigla akong napatingin sa babaeng nagsalita.
Nabuhayan ako ng pag-asa.
"Nakita niyo po ba?"
"I'm sorry pero hindi eh,but you can report it para mas mapadali ang paghahanap."
Ngumiti ako dito at nagpasalamat bago ito umalis.
Masyado akong nagpanic kanina kaya di ko na naisip ang pagrereport.Mabilis akong naglakad papunta kung saan maaari akong humingi ng tulong.
Nasa tapat ako ng isang sikat na kainan ng mapadako ang tingin ko sa isang batang nakayapos sa isang lalaki.
Abel.Hindi ako maaaring magkamali si Abel iyon.Sigurado ako.
"Abel?!"tawag ko dito.Lumingon naman ito at nagtatakbo papunta saakin.
Dyos ko!Si Abel nga!Sinalubong ko agad ito ng yakap.
"Anak naman,di ba sabi ko sayo wag kang aalis habang nasa c.r pa si nanay?Pinag-alala mo ko.Wag mo ng uulitin yon ha?"
Hindi ko na napigilan ang lumuha.
"Nay,wag ka nang iyak."sabi nito habang pinupunasan ng maliliit na kamay niya ang aking matang hilam na sa luha.
"Niaaway mo ako Abel,pinaiyak mo si nanay.Kiss mo ko para tumigil ang tears ko."
agad ako nitong pinugpog ng halik sa mukha."Tigil ka na nay ha?Kiniss ka na ni Abel,di ka na iiwan ni Abel."
wika nito na nakapagpangiti sa akin."Ay! nalimutan ko si Manong!"biglang sigaw nito.
"Huh?Sinong manong,Abel?"
nagtatakang tanong ko dito."Yung tutulong dapat sakin nay.Sayang la na siya ."
wika nito habang nakatingin sa direksyon na pinanggalingan niya kanina."Di bale anak. . .
teka gutom ka na ba?" tumango lamang ito.Kumain kami sa isang fast food at umuwi na rin sa apartment na tinutuluyan namin pagkatapos.
Masyadong maraming nangyari sa araw na to.
Nakakapagod,kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang makatulog."WALANGHIYA KANG BATA KA!NAGHIHIRAP AKO PARA LANG MAPAG-ARAL KA!TAPOS GANITO LANG ANG IGAGANTI MO SAKIN!MAGPAPABUNTIS KA?!ANG KAPAL NG MUKHA MO!MALANDI KA!"
"N- - -nay tama na po.Na-nasasaktan po ako."
sambit ko habang umiiyak sa sakit na dulot ng pananakit nito at mga masakit na salita na nanggagaling dito."TALAGANG MASASAKTAN KA SAKING BATA KA!WALA KANG KWENTA!KATULAD KA NG WALANGYA MONG AMA!"
wika nito habang sinasabunutan ako."ALAM MO?! KUNG ALAM KO LANG NA MAGPAPABUNTIS KA NG MAAGA,PINAGPOKPOK NA LANG SANA KITA!"sigaw nito.
"Nay anak niyo ho ako!Ba't ganyan kayo kasakit magsalita sakin?Nasasaktan din naman ho ako!"sambit ko habang umiiyak.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG NASASAKTAN KA!DAPAT LANG SAYO YON!SINO ANG WALANGHIYANG BUMUNTIS SAYO HA?!"
Ang katanungang iyon ang tumatak sa akin.Sino nga ba?kahit ako'y di rin kilala ang nakabuntis saakin.Hindi ko maalala.Wala akong maalala!
"LUMAYAS KA DITO!"sigaw nito at tinulak ako.
Huli na ng mapansin ko ang matulis na gilid ng lamesa tumama sa aking tiyan.Agad akong nakaramdam ng matinding sakit sa aking puson.
H-hindi maaari!Ang anak ko!
Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko ang dugong umaagos sa aking hita kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mata."Nay,gising!Nay!"naalimpungatan ako ng maramdaman ang pagyugyog ni Abel sa aking balikat.Mabilis akong nagmulat ng mata.
"A-Abel."niyapos ko ito.
"Nay?Ba't ka umiiyak?" kakikitaan ng kuryosidad ang mga mata nito.
"W-wala to anak,nanaginip lang ako ng masama."paliwanag ko dito.
Anim na taon na ang nakalipas mula ng mangyari iyon pero patuloy parin akong ginugulo ng mga ala-ala sa pamamagitan nang mga bangungot.
Ayaw ko ng maalala ang araw na iyon.
Araw kung saan muntikan ko ng mawala ang kaisa-isang bagay na nagdulot saakin ng kasiyahan...ang anak ko.Si Abel.Nabuo man si Abel mula sa pagkakamali hindi ko naman ipinaramdam sa kanya iyon.Para sa akin si Abel lang ang pinakatamang nagawa ko sa buong buhay ko.Hindi ko hahayaang maramdaman niya ang ipinaramdam sa akin ni nanay noon...pakiramdam na parang walang nagmamahal.
TOK!TOK!TOK!
Bumalik ang aking diwa sa realidad ng marinig ang marahas na pagkatok sa aming pintuan.
"Diyan ka lang Abel,may kakausapin lang si nanay."paalam ko dito bago tinungo ang pinto.
Bumungad sa akin si Aling Lolita na punong-puno ng kolorete ang mukha.Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"Magbalut-balot na kayo ng mga gamit niyo dahil may bagong magrerenta dito."taas kilay na wika nito.
"H-Ho?"naguguluhan kong tanong dito.Umirap ito sa akin bago bumuka ang bibig para magsalita.
"Ang sabi ko,magbalut-balot na kayo ng mga gamit niyo dahil may bagong magrerenta dito."
"Teka,naiintindihan ko naman po iyon pero ang hindi ko makuha ay ang pagpapaalis niyo sa amin dito, samantalang kakabayad ko lang ho
ng renta para sa buwan nato.""Mas malaki ang offer sa akin ng panibagong uupa dito kaya umalis na kayo."pagtataboy nito.May dinukot ito sa kanyang pitaka at di kalaunay inilahad sa akin ang hawak na pera.
"Ito ang pera mo, ngayon lumayas na kayo.Boys,ilabas ang gamit ng babaeng ito!" utos nito.
"Pero kulang po itong ibinigay niyo sa akin- - -
"At talagang nagrereklamo ka pa!Pasalamat ka't binigay ko pa saiyo yan!"
Limandaan lang ang ibinigay nito saakin samantalang tatlong libo ang ibinayad ko dito nung isang araw lang.Hindi ako makakahanap ng marerentahan sa halagang ito!
Walang nagawa ang pagrereklamo ko ng bitbitin ng mga tauhan nito ang aking mga gamit kasama si Abel.
"Umalis na kayo!Alis!"pagtataboy ng Ale.***
"Nay,san tayo pupunta?"tanong ni Abel sa kalagitnaan ng paglalakad namin papuntang terminal ng bus.
Sa halagang mayroon ako ngayon,paniguradong wala akong makukuhang marerentahan kaya naman minabuti ko nalang na umuwi ng probinsya."Sa probrinsya baby,sa lola mo."
hanggang ngayon ay mayroon parin akong sama ng loob sa nanay dahil sa nangyari noon,pero para sa ikabubuti ni Abel kaya kong kalimutan yon.Ayaw kong matulog ang anak ko sa kalye at isa pa,natanggal na din ako sa trabaho ko, so ang magandang solusyon sa aking mga problema ay ang paguwi sa probinsya."Wow!Excited na po kong makilala si lola!Sana kasing bait mo rin po siya!"
Kung alam mo lang Abel muntik ka ng mawala sakin ng dahil sa kanya.Pero sana nama'y tanggapin niya ang bata bilang apo.Sana.
YOU ARE READING
Beloved Stranger
RandomThe memories of that night keeps hunting me. Those memories with her. . . Memories with my beloved stranger.