Prologue

3 0 0
                                    


I heard someone calling my name, maybe it's mom or my stupid brother. But, i still continue to ignore it. For now, i just want to be alone and check my social media accounts and stalk someone.

"Zeraphina! aba parang wala kang naririnig ah. Kanina ka pa tinatawag ni mom sa baba at may bisita ka daw! naabala pa tuloy ako, sa susunod kase bumaba ka kaagad! labyu" galit nyang nginitian ako.

Ang hilig nya talaga akong tawagin sa second name ko eh ayoko nga, pero kahit gusto kong mainis, hindi ko magawa kase kahit nabanas sya sakin, nginitian nya parin ako. How stupid, haha. May pagka sweet na strict 'tong kuya ko eh, haha pero, mas madalas parin akong mainis sa kanya.

" Oo na, bababa na, nasa banyo lang ako diko narinig. Sino daw ba?" sabi ko.

Suminghap sya. "Bumaba kana kaya, para malaman mo kung sino" sabi nya.

Bago sya umalis ay nilapitan nya ako, hinablot ang cellphone ko "Aba, aba, aba! talaga naman 'tong kapatid ko, inlove parin talaga kay Sean. Ilang taon na ang nakakalipas ah" nginisian nya ako habang ibinibigay saakin ang aking cellphone. "Anong inlove?! nakita ko lang yan sa newsfeed ko!" palusot ko. "Tsk... hay nako Zeraphina, wag mo 'kong niloloko. Lakad na! at bumaba ka na!" sabi nya at nginisian uli ako.

Habang humahakbang sa aming hagdanan, nakita ko si Clara, friend of mine since highschool.

"Uy, Zoei! dalian mo may sasabihin ako sayo" nagmamadaling sabi nya.

Nagtaka ako kung bakit sya andito, kung ano ang sasabin nya.

Nakababa na ako ng hagdan at nakita ko ang inis sa mata ni mom " Uy, ba't napadaan ka?" nagtatakang sabi ko. Bumaling ako kay mommy "Ano bang problema mo, Zeraphina? kanina ka pa tinatawag di ka manlang bumababa" sabi ni mom.

Napatingin ako kay Clara nang bigla syang nagsalita "Ay okay lang po yun tita, andito na naman po sya. Saglit lang naman po yung sasabihin ko sa kanya" sabi nya.

Umakyat na kami sa kwarto, inilapat ko ang pinto atsaka sya nagsalita. "Zoei, may balak kase kaming pumunta ng school, baka lang gusto mong sumama, matagal tagal narin kase tayong hindi nakakapunta don" sabi nya. Napag-isip isip ko na wala rin naman akong ginagawa kaya okay lang sakin na sumama ako "Sige, kaylan ba?" tanong ko. " This week na, sa Thursday" sabi nya.

---

Halos walang pinagbago ang school namin nung highschool, maganda parin "Naaalala ko, dito tayo madalas tumambay" sabi ko sabay turo sa ilalim ng puno malapit sa admin building. " Oo nga, dito rin natin madalas pinag-uusapan ang mga pogi dito sa school" sabi ni Eugyn, one of my closest friend. "Dito rin ako laging naiyak kapag broken hearted" sabi ni Clara, ata naghagalpakan kaming lahat. "Hahaha -" napatigil ako sa pagtawa ng nakita si Sean na dumaan at nakatingin banda sa kinaroroonan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at para bang tumigil ang mundo ko.

---

Bumili ako ng yakult sa canteen, at nilagyan ito ng sticky note na may nakasulat na "take care! iloveyou" na may smiley face at inilagay iyon sa desk ni Sean bago sya makarating sa classroom.

Nagsimula nang pagkaguluhan si Sean matapos makita ang sulat na nakalagay sa yakult at nagtataka kung sino ang naglagay nito. "Zoei" narinig kong tawag ni Sean at kinabahan ako dahil baka alam nya na ako ang naglagay nito, tiningnan ko sya na parang wala lang "Why Mr. Alejandro?" sagot ko. "May i ask a question? if you don't mind" sabi nya, at mas lalo akong kinabahan. "Ofcourse" sabi ko. "ikaw ang laging pinakamaaga sa dumating dito, nakita mo ba kung sino ang naglagay nito sa desk ko?" tanong nya. "Ay nope, medyo late narin akong nakarating kanina e" palusot ko. "Okay" sabi nya at iniwan nalang ang yakult don sa desk nya na pinagkakaguluhan at umalis na. "Grabe, hindi man lang kinuha yung yakult!" bulong ko.

Pagkalabas nya ay dumiretso ako ng cr, huminga ako ng malalim, muntikan na akong hindi makahinga dahil hindi ko inakalang kakausapin nya ako, ansaya ko grabe, di ko ma-explain yung feeling.

Antagal ko rin palang nasa loob ng cr. Agad akong pumunta ngclassroom para balikan si Clara at yayain na mag recess. Wala na sya, at nagulat ako sa aking nakita. Si Sean lang ang nasa classroom at parang galing sya sa upuan ko. Hindi ko ito pinansin, umalis nalang ako at hinanap si Clara at Eugyn.

Habang naglalakad ay namataan ko sila doon sa tambayan namin, alam na alam kong dito ko sila matatagpuan.

"Zoei! san ka ba galing? nakabili na kami sa canteen, binilhan ka na namin"sabi ni Eugyn.
"Ay, nag cr lang ako saglit" sabi ko, at di parin mawala sa isip ko kung anong ginawa ni Sean sa upuan ko. "Uy Zoei! Ba't ba tulala ka? ano bang iniisip mo?" sabi ni Clara. Hindi ko sya pinansin at nagmadali na akong tumakbo pabalik ng classroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon