P R O L O G U E

714 31 4
                                    

**Maymay's POV**

Hooo!!!Ang init!!!

Naglalakad ako ngayon papunta sa suki kong pagbibintahan ko ng tinda kong mga damit,sapatos at kung ano-ano pa

Malay natin baka bumili at bayaran na nya ang napakaaaaaatagal nyang utang sakin

Nakakainis lang,kung uutang napakabait pero pagsiningil na higit pa sa druglord kung magtago..napakasungit pa!

Kegaling!Sya na nga ang may utang sya pa ang may karapatang sungitan ako!Abay MALUPET!!

"OMG!MAYMAY!Ikaw ba yan?!"tili ng kung sino man sa likod ko

Shemay naman,kung kailan ako nagmamadali eh...

Tsaka ang bigat-bigat pa ng dalawang malalaking bag na dala ko

"MAYMAY!WAIT!!"

Takbo May!TAKBO!

Bahala na kung ano ang hitsura ko ngayong tumatakbo habang bitbit ang dalawang malalaking bag na to...basta ang importante,makatakas ako sa babaeng yun!

Ayokong malait na naman ng mga kaklase ko noon

Ganto kasi yun....

Di kami ganto ka hirap noon,mayaman kami...as in!Kaya naman syempre mayaman,sa isang private at sosyal na school ako pinag-aral ng mommy't daddy ko.Okay lahat nun,walang problema kapag marangya ang buhay,maraming friends at maraming pera...pero ngayon,iba na lahat...mahirap na kami at wala na akong friends.Nagtransfer narin ako sa isang public school malapit sa nirerentahan naming bahay...at syempre maraming chismosa at makakati ang bibig,ayon Inisplok sa lahat ang nangyari samin,kaya ayon...heto ako everytime na makakita o makasalubong ko ang mga classmates ko o schoolmates ko noon,nilalait nila ako....BASTA UY!Pero wala akong pake sakanila,ang importante ngayon ay yung utang ni Aleng Bebang....

"May!Wait naman oh!"

Buset naman tong babaeng to!Akala ko nailigaw ko na!Sunod parin ng sunod....ganyan ba nya kagustong malait ako na binitbit nya na talaga ang heels nya para lang mahabol ako?

Diyos ko naman!Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!

Lumiko ako sa pangalawang kanto saka nagtago sa pader

Ayon!Buti naman at nailigaw ko na rin!Dumiretso eh,sana naman di na ako makita nun

Inayos ko muna ang sarili ko saka kalmadong naglakad na parang walang nangyari

"May!"

"AY BAYOT!!!"naitapon ko ang dalawang bag ko dahil sa gulat

"Papatayin mo ba ako?!"inis kong tanong dun sa babaeng akala ko nailigaw ko na!

"Ay sorry naman"paumanhin nito

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa

Hmm...maganda sya,syempre pamilyar...tsaka mukha namang mabait

"Sino ka ba?"tanong ko sa babaeng todo ang ngiti

Sinuot nya muna ang heels nya at bahagyang pinunasan ang pawis nya

Tumikhim muna sya pero di nawawala ang ngiti nya sa labi

"Hi,ako nga pala ulit si Kimberly Reid,si Kimkim"nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay

Nanlaki ang mga mata ko.

Agad tumulo ang mga luha ko at agad ko syang niyakap

"Kimkim!Namiss kita!"sabi ko habang yakap yakap sya

Si Kimberly o Kimkim ang pinakamatalik kong kaibigan sa dati kong school,akala ko pati sya iniwan narin ako

"Ako rin Maymay"sabi nya habang umiiyak na din

"Ano bang nangyari sayo?Bigla ka nalang nawala sa school,tapos na balitaan ko nagtransfer kana...ano ba talaga ang nangyari?Iniwan moko mag isa dai..."malungkot nyang sabi nang humiwalay sa yakap

Huminga ako ng malalim at pinulot ang mga bag na bitbit ko kanina at naglakad ulit

Sumunod naman sya sakin at kinuha ang isang bag na dala ko,nginitian ko lang sya

"Mahabang storya bess"sabi ko habang patuloy paring naglalakad

"Handa akong makinig bess"sabi nya

Huminga ako ng malalim saka nagsimula na sa pagkukwento

"Ok na sana yung buhay namin noon eh,ang buhay ko noon.Maraming pera at friends.Pero ewan ko lang kung ano ang pumasok sa utak ni daddy at sumugal sa casino,na lingid sa kaalaman namin ni mommy.Hanggang sa nagising nalang kami na pati bahay at sasakyan namin pinuhunan na pala ni daddy.Lalabas syang dala ang sasakyan pero uuwing magcocomute,ang sakit diba?Hanggang sa unti unti ng nawawala ang lahat samin,pera,bahay,ari-arian,lahat!Nung ipatingin ni mommy si dad sa specialista ang sabi gumagamit daw si dad ng bawal na gamot,nakakawindang diba?Kaya di kami naniwala ni mommy,hanggang sa isang araw tuluyan ng nabaliw si dad kasi wala na syang pambili ng bisyo nya,kaya ayon...nagkandaugaga si mommy sa pagtatrabaho para lang mabuhay kami,nabaon kami sa utang,napilitan akong magtransfer sa isang public school,at ibinenta namin ang bahay namin para pagbayad sa utang at pangrenta narin sa bahay na inuupahan namin.Pero last month lang,iniwan na kami ni dad,inatake sya sa puso dahil narin siguro sa depression nya."diko namalayang umiiyak na pala ako

"Haha,pasensya na ha?"para akong baliw na tumatawa habang umiiyak

"Sorry to hear those bess...natulungan sana kita"pati sya umiiyak na rin

Huminto ako sa paglalakad at niyakap sya

"Ano kaba?Okay lang ako...ito na siguro ang kapalaran ko..tsaka ilang year nalang gagraduate na ako,magsisikap ako para madala ko si mommy sa ibang bansa,doon na kami titira,para narin maka move on sa lahat"

"Anong pwede kong maitulong sayo besh?Sabihin mo?"

Nginitian ko lang sya

"Ano kaba,wag na"

Humiwalay sya sa yakap at tinignan ako mula ulo hanggang paa

Nagulat ako ng bigla nalang syang tumili

Tss..baliw parin talga sya

"Yiee!Besh!Diba sabi ko sayo noon na may nagoffer sakin na magmodel?"excited nyang tanong

"Ano namn ngayon?"

"Diko pa tinatanggap hanggang ngayon,at may alam ako na pwedeng tumanggap non"todo ngiti nyang sabi

"Sino naman?"

"Ikaw!"

Ako?Nabuang na sya....

"Ako?!Baliw ka ba?Sa panget kong to?Haha...wag na,mapapahiya ka lang"

"Tumigil ka nga!Ang ganda mo kaya,saka ang tangkad mo pa,makasingtangkad nga lang tayo oh kahit nakaheels ako samantalang ikaw naka flats lang"

Napatigil ako

Oo nga no?Pero parang ang imposible naman ata nun

"Sure ka?"

"Oo naman!Tsaka wag kang magalala may traning naman eh...so paano?Tanggapin mo na!"excited nyang sabi

Huminga ako ng malalim

Bahala na!

"Sige na nga..as if naman may choice ako,sakulet mong yan"

"Yieee!!!Sisikat ka bess!!"tili nya ska niyakap ako at nagtatalon

"Oh oh,baka matumba ka,oy nakaheels ka pa naman"
paalala ko

"Oh sya,tara na... "

Naglakad na kami ulit...

Sana lang ito na ang simula ng pagangat namin uli...

*********

Yieee...bagong story na naman....

Sana supportahan nyo parin ako dito sa naisip ko guys!

-awtor Mj

I.L.Y. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon