1📖

235 19 2
                                    

**Maymay's POV**

HOO!!MEGED!!

Kapagod!

Kakatapos lang ng training namin sa pagmomodel at salamat sa diyos last na'to,halos 1 month rin ang training namin dito.At sa tulong na rin ni Kimkim ay hindi ito naging sagabal sa pagbebenta ko,every Monday,Wednesday,at Friday lang naman ang schedule ng training.

"Entrata"

Diyos ko! Ano naman kaya ang nagawa ko at tinawag ako ng masungit naming trainor? Paktay jud ko ani!

"Po?"kinakabahan kong tanong sa kanya at tinigil ang pagliligpit ng gamit ko at naglakad papunta sa kanya

"You did good.Very good"seryoso nitong sabi

Totoo ba to?O kabaliktaran ang ibig nyang sabihin?HALA!Anong nagawa ko?!

"Thank you po?"nagugulohan kong sagot

"I'm serious,you did great,sa lahat ng trainees dito ikaw lang ang seryoso at minamahal ang ginagawa mo.Di mo man sabihin alam kong dika confident sa sarili mo,pero believe me you should,lalo na ngayot ikaw ang napili ko"sabi ni Ms.Vee,ang trainor namin at hinawakan ang balikat ko

"Napili saan po?"

Ngumiti sya ng pagkalawak lawak na ngayon ko lang nakita since nakilala ko sya

Kinikilabutan ako....kunti

"Ikaw ang napili kong maging model ng isang sikat na clothing line"nakangiti nitong sabi

Wehh?Di nga?

"P-Paano pong?--diba nagtetraining lang kami dito?Bat may pili-pili po?"

Umasim bigla ang mukha nya at tumaas ang kilay

Bakit?May mali ba sa tanong ko?Wala naman diba?

"Ms.Entrata,dika ba nakinig noong first sesion natin?"mataray nitong tanong

Napalunok ako

Nakinig nga ba ako?

Ang naaalala ko lang noong first sesion namin ay di ako makapagconcentrate dahil---

TAMA!

---dahil sa pogi/gwapo/fafang napanaginipan ko!

**Flashback**

Para akong zombieng nakatulala ngayon.

Eh pano ba naman,simula ng magising ako ala una ng umaga ay di na ako ulit nakatulog.

Saklap diba?

Medyo naiinis parin ako hanggang ngayon kasi ang ganda ng panaginip ko.

May gwapong lalake--ay mali! Gwapong gwapong lalake ang bigla yumakap sakin sa panaginip ko,tas may binulong sya sakin---

'Be mine'

Tapos hinawakan nya ang magkabilang pinge ko,tapos yung heart ko parang nag switch it up pero yung pinakamabilis at nagwawalang switch it up,tapos dahan dahan nyang nilapit sakin ang mukha nya...palapit ng palapit ng----

BOOGSHH!!!

Nahulog ako sa sahig ng kwarto ko

Pikit mata ulit akong bumangon pagkatapos ng
trahedyang yun--Char!Over ako sa trahedya ah

Kaya ayun,simula nun di na ako nakatulog ulit.

Iniisip ko kasi kung,bat ko napanaginipan ang lalaking yun?Sino kaya sya?Bat parang pamilyar sya?Hahalikan nya ba ako sa panaginip ko?Meged!Ang kire ko!

Tapos dumagdag pa yung kaba ko kasi kinabukasan(which is today) na ang first ever training ko sa pagmomodelo.

At hanggang ngayon di ko parin maiwaglit sa isip ko si Mr.Wafu;ang tawag ko sa kanya,yung lalaking napanaginipan ko

Eh kasi ba naman,todo isip talaga ako kung saan ko sya nakita,kasi pamilyar kasi sya eh...parang...parang...parang sya si Future Husband ko...

YIEE!!!KIRE!!!!!

Ay!Ano ba tong iniisip ko?!

Parang may sinasabi pa naman si Ms.Vee sa harap,pero ewan ko ba?Wala akong marinig

Hmp...bahala sya dyan,kung di lang sya nagsungit sakin kanina baka napilit ko pa ang sarili kong pakinggan sya

**End of Flashback**

"Eh ang sungit nyo naman po kasi kaya wala po akong ganang makinig"

"May sinasabi ka?"

"Ha?Ah eh w-wala po...wala po...uhm...ahhh Oo nga po pala may sinabi nga po pala kayo nung first session natin...hehe pasensya na po nakalimutan lang" ang galing kong magsinungaling...grabe

"Okay,good.So alam mo na lahat ng dos and donts doon diba,yung mga dapat gawin,yung mga makakasabayan mo,kilala mo naman na siguro sila no?"

Ha?Lagot talaga ako neto!Bat ba kasi nagsinungaling ka pa May?!Lagot ka talaga!

Ng biglang

Ting!

Magtatanong nalang ako sa mga kapwa ko trainees dito...

Yesss!Talino ko talaga,hehe....

"Are you listening Ms.Entrata?"

"A-ay!Opo!Opo naman po"

Huminga ito ng malalim saka ako tinapik sa balikat

"So,pano?I'll go ahead?"

"Okay po.Ingat po"sabi ko saka ngumiti ng pagkatamis tamis

At tuluyan na nga syang umalis

Hays....makauwi na nga

*****************
UNEDITED.

Sabaw....

By the way guys next chap. magkikita na ang Mayward

Hoping that youll continue supporting this story until the end🙏

Love lots,
Awtor Mj❤️

I.L.Y. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon