Kabanata 2

3 0 0
                                    

Kabanata 2

Matapos umalis nung Marco ay nagkulong na si mama sa kanyang kwarto. Hindi parin ito lumabas kahit oras na ng pagkain. Nalulungkot ako at the same time naguguluhan.. Di ko alam kung kanino ako makakahanap ng kasagutan.

"Lola.. Ayos lang po ba si mama?."
Tanong ko kay lola na tinutulungan akong maghanda ng pagkain ni mama.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong oo..  Alam kong naguguluhan ka lora, pero magtiwala ka.. Malalaman mo din ang lahat.''
Sabi niya sa malungkot na boses.

" At kapag malaman mo na.. Paniguradong mawawala kana sa amin."
Dugtong niya.

"P-po?? Lola naman.. bat ako mawawala sa inyo?, e pamilya tayo diba? Ano po ba yang mga biro niyo?."
Tumawa pa ko ng konti na parang nakakatawa  ang sinabi niya.
Ngumiti lang ng mapait si lola, ramdam kong may gusto pa siyang sabihin pero pinigilan na niya ang sarili niya.

"Ang mabuti pa dalhin mo na ito sa mama mo lora, panigurado nagugutom na yon..sige na."
Si lola sabay abot sakin ng pagkain.

Tinanggap ko yon at dumiretso na sa kwarto ni mama. Nakita kong nakabukas ng konti ang pinto pero mas minabuti kong kumatok muna.

"mama.. Pwede po ba akong pumasok? Dala ko po ang pagkain niyo."
Sabi ko matapos kumatok. Pumayag naman siya kaya pumasok na ko at nilagay ko ang pagkain niya sa maliit na mesa.

"Lora anak.. Halika nga dito."
Mabilis kong inayos ang pagkain niya at lumapit sa kanya na nasa harap ng salamin.
Pagkalapit ko ay pinaharap niya ko sa salamin at marahang sinuklay ang hanggang bewang kong buhok.

"Iningatan kita ng mahigit sampung taon, nilayo kita sa mga maaaring makasakit sayo..pero mukhang kahit anong gawin kong tago at pagpoprotekta sayo darating padin ang araw na kukunin ka samin... Malalayo ka sa amin."
Napahinto na si mama sa pagsuklay sa akin at napaupo nalang habang umiiyak. Lumuhod ako sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit.

"M-mama.. Naguguluhan po ako sa nangyayari pero nagtitiwala po ako sa inyo ni lola."
Pakiramdam ko naiiyak narin ako.

"Mahal na mahal kita Leonora, ayaw kong masaktan ka pero wala akong magawa dahil kaylangan ka nila.. Masakit sakin ang malayo ka, pero nagdudusa na ang buong sapora anak.. Ikaw, ikaw lang ang tanging makakatulong sa kanila."
Umiiyak na sabi niya habang paulit ulit na tumango, tumingin siya sakin at hinawakan ang mukha ko.

"Alam kong naguguluhan ka.. Sumama ka kay marco anak siya ang magpapaliwanag sayo ng lahat.. Dadalhin ka niya sa lugar kung saan ka talaga nararapat. Ligtas ka sa kanya anak..."
Lalong lumakas ang hagulgol niya habang paulit paulit na sinasabing.

"... Pumapayag na ako lora.. Pumapayag na ako, Sumama kana kay marco."
Sabi niya habang niyakap ako ng mahigpit.

***************

Nakasuot ako ngayon ng isang damit na mas mabigat pa sakin, tamang tama lang ang sukat sa akin at abot hanggang lupa. Nakaayos ang buhok ko at sa tingin ko hindi basta basta ang pupuntahan namin.
Para akong pupunta sa isang piging ng hari at reyna dahil sa ayos ko.

"Ipasuot mo ito sa kanya Deborah para matago siya.. At ito para di siya makilala at maramdaman ni stefan."
He gave me a Red cloak and a Pearl necklace.
Katulad ko suot niya ang cloak na suot niya kahapon. Dahil sa ayos niya nasisiguro kong isa nga siyang prinsipe. May mahabang espada din sa bewang niya.

"Tayo na leonora, baka abutin tayo ng dilim sa paglalakbay.. Delikado sayo."
Niyakap ako ng mahigpit ni mama at ni lola na parehong naiiyak na.

"babalikan ko po kayo.. Pangako. Mag iingat po kayo dito ha..
Mahal na mahal ko po kayo."
Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Sige na lora apo..umalis na kayo at baka abutin kayo ng dilim."
Si lola habang nagpupunas ng luha.

"Isinusumpa kong pababagsakin ko ang buong kaharian niyo marco pag may nangyaring masama sa kanya,"

"Ipinapangako ko mga mahal na diyosa . iingatan ko  si leonora."
Bahagya pa itong yumuko kala mama at lola.

Whuuut??
parang gusto kong himatayin sa mga naririnig ko.

Inalalayan niya ko paalis sa aming bahay. Papunta kami sa balong sinasabi niya na tanging lagusan papunta sa kabilang mundo.

Nang makarating kami dito ay nagliliwanag ito, liwanag na katulad nung una kong punta dito.. sobrang liwanag na maaaring makabulag ng mata.

"Handa ka na ba?."
Tanong sakin ni marco habang palalapit kami sa balon.

Pwede bang sumagot na hindi?
Kinakakaban ako sa maaaring sumalubong sakin sa kabilang mundo.

Tumango nalang ako sa kanya.
At laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko habang dumadaan sa  balon at tuluyan na kaming nilamon ng liwanag.

********

Kasalukuyan na kaming nasa paglalakbay. Sakay ako ng kabayo habang hawak naman niya ang tali nito habang naglalakad.
Pagkapasok namin sa balon ay masukal na gubat ang bumati samin at isang puting kabayo na nasa hindi kalayuan.

Kanina pa kami naglalakbay sa gitna ng gubat. Gusto kong tanungin kung naliligaw naba kami pero mukhang alam naman niya ang daan.
Binaba ko ang hood ng cloak na suot kaya malinaw kong nakikita ang gubat na dinadaanan namin.

Biglang lumakas ang hangin at marahas na sinasayaw ang mga puno kaya napahinto ang kabayo maging si marco.

"Itago mo ang mukha mo, bilis."
Sabi ni marco sabay bunot sa espada niya.

Anong nangyayari??

Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag ng kabayo...mga kabayo, at naramdaman kong pinalibutan kami.
Dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Gusto kong makita kung sino ang mga dumating pero natatakpan ng telang suot ko ang kalahati ng mukha ko.

"Mas mabilis ka pa sa inaaasahan ko stefan."
Sabi ni marco sa taong kaharap namin.

"Kahit kelan hindi ka marunong lumaban ng patas marco. Naniniwala akong akin ang babaeng kasama mo.."
Naring kong humugot din ito ng espada.

".... Kaya ibigay mo siya sakin at makakalabas ka sa gubat na ito ng ligtas."

H-ha?? Siya si stefan?!

Tumawa ng malakas si marco.

"ibigay? Alam mong di ako mapagbigay na tao stefan.. Kunin mo kung kaya mo!."
Galit na sabi ni marco.

O-oh? Makakasaksi ba ko ng madugong labanan?!

"Show yourself young lady..ikaw yan hindi ba?
Leonora Therese..."

Nanigas ako at pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko ng tawagin niya ang pangalan ko.
Sino ba itong stefan na ito?

Nawala ang telang tumatakip sa mukha at binuhat ako ni marco mula sa kabayo.

Malinaw kong nakita ang lalaking kaharap namin.
Aaminin kong gwapo si marco pero parang triple ang sa lalaking ito!
Makisig ito at matangkad. Mas maputi din siya kay marco.
His dark brown eyes fire with passion. Di ko alam pero parang hinihigop ako ng mga mata niyang yun. He has this devil-may-care look. He is devilishly Handsome.

N-nasa mundo ba ako ng mga nag gagandahang lalaki?.

Nanlambot ang tuhod ko at bigla akong nanghina. kung di ako nasalo ni marco malamang bumagsak nanaman ako sa lupa.

"Anong ginagawa mo sa kanya stefan?!!."
Sigaw ni marco.

Yung mga mata niya.. Anong meron don bakit nanghihina ako. Parang hinihigop ng mata niya ang lahat ng lakas sa katawan ko.wala kong lakas na kahit igalaw ko ang mga daliri ko ay di ko kaya. Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko.

Anong nangyayari sa akin??

Napakabilis ng pangyayari at naramdaman ko nalang na sakay na ko ng isang kabayong mabilis na tumatakbo at yakap ng lalaking may mga makapangyarihang mata.

"Finally, you're here.. Mi amor.."
Bulong niya sakin.

"IBALIK MO SIYA STEFAN!!!!!!."
Huling galit na sigaw ni marco bago ako nakarinig mg malakas na pagsabog mula sa pinanggalingan namin.







^^

Wishing Well's WishWhere stories live. Discover now