Kabanata 3
- - -
Hindi ko alam kung gano na ko katagal umiiyak, hindi ko din alam kung bakit ginagawa ito ni ate sa akin. Kinulong niya ko sa tago at lihim na kulungan sa ilalalim ng palasyo. Ang isinumpang kulungan kung saan kinulong ang diyosa'ng nagkasala sa aming kaharian at katagalan ay namatay.
Natatakot ako na baka matulad ako sa kaniya.
May kakaibang kapangyarihan ang kulungan na ito na kukunin ang lahat ng lakas at kapangyarihan mo sa katawan hanggang sa manghina ka at mamatay."Leonora"
Natigil ang iyak ko dahil sa boses na tumawag sakin."Leonora.."
Muling tawag sa akin ng di ko kilalang boses.
Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kulungan, ngunit puro dilim lang ang nakikita ko."Leonora.."
Tawag nanaman niya.
Nagulat nalang ako ng biglang lumiwanag ang dulong parte ng kulungan. Hugis imahe ito ng isang babae at napaka liwanag."Halika Leonora."
Inilahad nito ang kamay sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko.
Kahit sobrang liwanag nakikita ko ang mukha niya.. Napakaganda niya!
Ito na nga ang diyosang kinulong dito noon!."

YOU ARE READING
Wishing Well's Wish
FantasyUmaasa padin ako.. Na sana sa pagkakataong ito.. Kahilingan ko naman ang masunod..