Si Friend

3K 55 4
  • Dedicated kay Friend :)
                                    

Nakatanga ako sa harap ng monitor ko...

Napangiti ako..

Ilang buwan na nga ba? yung totoo? nagbibilang nanaman tayo?

Hindi naman, naaalala lang kasi kita eh mag-uupdate kasi ako sa wednesday eh, kelangan ko muna ng outlet, alam ko sabi ko One-Shot stories ito pero nangyayari ay mga kadramahan sa buhay na kung san san ko lang napupulot. Bakit ba? o sige gawa tayo ng isang story... story ng isang friend ko...

She was an ordinary girl...sa sobrang ordinaryo hindi siya nagsstand out sa kahit ano'ng aspeto...hindi siya maganda, hindi siya pangit at napaka cliche na ng ganitong intro...kaya skip na natin ito teka bigyan muna natin siyang pangalan...hmm ano ba ang magandang pangalan? Helena? ayoko nga! pangalan ko yun eh iba syempre ang pangalan ni friend, di naman ako siya eh friend ko siya...

siya si... ano ba ang hirap naman mag-isip ng pangalan...si...ah! si Friend ayun yun nalang pangalan ni friend...Friend

Tapos ayun, nainlove siya sa isang taong hindi niya kelanman makukuha... as usual ganyan naman lagi eh, sa halos lahat ng storya ay napakaimposible sa una...pero iba ang istorya niya eh..

Hindi kasi happy ending...

hindi magandang storya...

pero gusto ko pa ding isulat eh, naawa kasi ako kay friend... nasasaktan kasi siya eh... hindi na dahil sa lalaking minahal niya kundi dahil sa mga pangyayari...

Yung tipong hindi na siya inlove pero looking back at the memories...

nakakamiss kasi eh...

namimiss niya...

Namimiss niya yung closeness...

yung fondness....

hindi nung guy na imposible niyang makuha...

kundi yung mga alaala nila

sabi nga niya...

I miss him as a friend...

but I miss the memories we had kahit na ako lang ang kinikilig...

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon