Breathing

2.4K 66 15
                                    

Contrary to the belief that a heart that's breaking won't reach anyone else's ear besides the person who own's it. A person who has been watching that heart for too long can also see when it's broken and can hear twice the loudness of its crash.

_______________________________________

A/N: Play the song --->

_***_

"Come on Laurine tara na sama ka na sa amin!" yaya ng kaibigan kong si Alice over the phone.

"Pasensya na Liz, next time nalang talaga...di ako pinayagan ni mommy eh!" I said weakly

"Hmp! Para saan pa yang sarili mong pad kung di ka din lang pwede? Ganyan ka naman eh! lagi nalang mula ng---"

Pinatay ko ang end button bago pa niya mabanggit ang pangyayaring ayaw kong marinig. Sa kasamaang palad ay tama nga naman si Alice. Yun lang ay ayoko na talagang maalala.

Ayokong maalala? pero heto ngayon at nagkalat ang mga litrato naming dalawa sa kama ko...

Brandon...

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Isang buwan na pala...isang buwan na kitang iniiyakan. Isang buwan na akong nagungulila sa iyo...pero ano nga ba ang magagawa ko? Siguro nga tama lang na lumayo na ako sa iyo...pero hindi ko kaya Bran eh...hindi ko kaya...

Muli kong idinayal ang numero ng telepono niya..

*click*

"Hey! This is Bran can't come to the phone now leave a message"

Lagi nalang...laging answering machine nalang ang nakakatanggap ng mga tawag ko. Naririnig mo kaya ang boses ko Brandon? Naaalala mo pa kaya ako? Napapanaginipan mo pa kaya ako? May puwang pa kaya ako sa puso mo?

"Ah...Bran...si Laurine ito...ano...umm...napatawag lang ako kasi...miss na kita..ayun tsaka...Bran..." hindi ko na napigilan ang mga luha ko...

"Mahal kita...mahal na mahal kita...yun lang, ano...maghihintay ako para sa'yo Bran..." I said at hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak pagkapatay ko ng telepono.

Pinagmasdan ko ang litrato naming dalawa sa desk ko. His green eyes and mousy brown hair.

"Brandon..." tanging sambit ko

Hindi ko alam kung ilang oras na ako'ng umiiyak pero patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko...ng marinig kong mag-ring ang telepono ko, sinagot ko ito...

"Nasan ka?" bungad nito sa akin...from his voice I recognized who it was...it was Bradley...Brandon's twin brother.

"Nasa bahay..." sabi ko lang, bumuntonghininga ito sa kabilang linya. Kaklase ko dati si Bradley before na maging kami ni Brandon. Brandon was the resident guitarist ng banda sa paaralan namin and Bradley was the silent type, masungit at aloof sa mga tao. Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing magkakambal ang dalawa, bukod sa magkaiba sila ng estilo ng pananamit ay iba din ang personalidad nila.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon