Prologue

19 3 0
                                    

Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa isang malaking puno para magtago. Paulit ulit na lamang ang mga nangyayari. Tatlong taon na simula nang maranasan kong ibenta ng aking tiyahin sa mga bandido.

Nang matiyak kong wala na ang dalawang lalaki na humahabol sa akin ay saka pa lamang ako lumabas at napahawak sa aking dibdib.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman ko ang pag-angat ko mula sa aking kinatatayuan.

"Magaling ka bata pero sinisigurado kong hindi ka na muling makakatakas," saad ng bandido.

Impit na pagsigaw na lamang ang aking nagagawa dahil sa busal na kanyang itinali sa aking bibig.

Mga walanghiya!

Bumaling ang aking mata sa gawi ng iba pang mga batang nasa loob ng tarangkahan na katulad ko ay nakagapos ang mga kamay at nakabusal ang mga bibig.

Taimtim akong pumikit at humiling na sana ay magbago pa ang isipan ng aking tiyahin at tuluyan na akong kuhanin rito.

"Maupo ka babae! Lahat kayo! Umupo!" mariing sigaw ng isang bagong pasok na bandido. Mas malaki ang pangangatawan nito at mas nakakatakot ang mukhang mayroon ito.

Hindi ko binigyang-pansin ang utos nito nang makita ko ang aking tiyahin na kausap ang bandidong nakahuli sa akin. Kitang-kita ko ang kagalakan sa kanyang mukha nang magsimulang magbilang ng pera ang bandido at iniabot ito sa kanya.

Napatiim-bagang ako nang makita ko ang mahinahon niyang pagyuko sa harapan ng bandido bilang pagbibigay galang rito.

Malakas akong napadaing nang maramdaman ko ang pagtama ng aking likuran sa pader ng tarangkahan.

Ang sakit!

"Hindi ba't sinabi kong maupo kayong lahat? Sino ka sa palagay mo para suwayin ako?" mariing sigaw ng nakakatakot na bandido.

Umiling ako at tahimik na sinunod ang utos nito. Mas lalo ko lamang naramdaman ang sakit na dulot nang pagkakatama ko ng aking likuran.

Ito na nga siguro ang simula ng aking kalbaryo.

Dangerous ElysiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon