Anthony's POV
Naiinis talaga ako kila Vire at Elisse pati na din Kay ange, naturingang mga kaibigan tapos hindi man lang ako sinabihan na sila pala yung napaaway doon sa pathway aish. Bakit kailangang malaman ko pa sa ibang tao? Ano yun ililihim nalang nila sakin ganon? Kabadtrip.
Nabalitaan ko kung ano yung nangyari kaninang umaga, di ko ikakailang nag alala ako at natakot para Kay Ange, hindi ko din ikakailang malakas sya at nakakatakot kung magalit kaya hindi na ako magugulat kung bakit ganon yung kinahinatnan ni Ck.
Flashback
"Uy alam mo ba kanina may nag away doon sa pathway"
Napahinto ako sa paglalakad nung marinig ko yung dalawang Babae na nag chichismisan sa bench.
"Huh? Sino naman?"
"Yung mga freshmen's saka yung dalawang sikat sa school nating Babae"
Teka freshmen's daw? Hindi kaya sila Ange, Elisse at Vire yun? Hindi, alam kong hindi sila gagawa ng gulo dito, bago lang kami at we promised na hindi namin gagamitin yung natutunan namin sa walang kwentang bagay.
"Si Reigh at Ck? For real?!"
Wait? Reigh and Ck? Sounds familiar. Teka? Sila yung nagpakilala samin kahapon ah?
"Oo sila nga, grabe kamo sapakin daw ba nung freshmen si Ck"
"What!? This can't be happening, malaking war to, hindi ba nila alam yung kinalaban nila?"
"Oo nga eh grabe, for sure yung mga freshmen's yung makakawa sa huli"
Gusto kong malaman kung sino yung mga freshmen's na yun. Baka kasi sila talaga yun eh hays bahala na, di na ako nakatiis at lumapit na ako sa dalawang Babae na nag uusap. Mukha silang nakakita ng multo dahil sa reaction nila.
"Uhm? Hi?" Bati ko
"Hello hihi" what the heck? Pabebe di bagay.
"Uh? Pwede mag Tanong?"
"Sure" with matching ngiting ngiting expression sabat nung Isa.
"Kilala nyo ba kung sino yung mga freshmen's na nakipag away kanina?"
"Pagkakaalam ko Elisse yung pangalan nung isa tapos Vire ba yun? Oo Vire saka Anton, narinig ko kasi eh sabi nung babae. Pero yung babaeng nagsalita non hindi ko kilala. Bakit?" Nakangiti Pero nagtatakang tanong nung Babae.
"Ha? Ah wala, salamat sa inyo" nakangiti kong sabi.
"Ihhhh, omgggg" impit na kilig na sabi nilang dalawa.
End of flashback
Diba nakakainis? Ni hindi manlang nila sinabi sakin kanina sa room, hindi manlang ako nilapitan para sabihan ng nanyari kanina.
Isa din yan sa dahilan kung bakit ako lumayo at tumahimik saglit kase nga nakakainis! Kahit nung lunch hindi ako sumabay sa kanila, pumunta akong rooftop wala akong paki kung magutom pa ako. Alam ko din namang bantay kami ni Kuya Sherwin dahil nga doon sa nangyari kaya bawal kami lumabas sa school na to. Pano ko nalaman? Sikret walang clue, De joke tinext nya kami ni Vire na wag daw naming subukang lumabas ng school dahil binabantayan daw nya kami.
Hindi ko napansin yung oras, mag tatime na pala, napagdesisyonan ko nang bumaba at pumunta sa room.
Habang nag lalakad ako hindi ko mapigilang mailang pano ba naman pinag titinginan Nila ako, hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha hays.
Nakarating ako sa room kasunod ng teacher namin. Filipino subject na pala, boring. Umupo na ko sa pwesto ko kanina sa likod kung saan medyo malayo sa kanilang tatlo, nakita ko sa gilid ng mata ko na tinitignan ako ni Ange or tamang sabihin ko na sinusundan nya ako ng tingin, alam kong nag tataka na sya at alam ko ding napapansin na nyang uumiiwas ako sa kanila, nakokonsensya na ko pero kahit ganon hindi ko padin sila tinapunan ng tingin.
*****
Angelique's POV
Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Anton, medyo namumutla sya baka dahil sa init lang. Hindi manlang nya kami tinignan kahit sandali hays, ano ba talagang problema mo? Dumiretso sya sa likod sa dati nyang inupuan kanina.
Bakit ba dun sya umuupo? Eh dito naman talaga sya nakaupo sa tabi ni Vire ah? Iniiwasan nya ba kami? Una hindi sya tumabi samin, pangalawa hindi man lang nya kami sinamahan sa clinic, pangatlo hindi nya kami iniimik, pang apat hindi sya sumabay samin mag lunch tapos --- hays.
Hindi ko napansin yung pagpasok ng teacher namin, masyado yata akong nag focus Kay Anton haaaaay.
"Good afternoon class" bati sa amin ng teacher namin.
"Good afternoon Ma'am" bati namin pabalik.
"Since hindi tayo nag meet kahapon, wala kayong gagawin ngayon" nakangiti nyang sabi.
"Whooo"
"Yeeeees"
"Yeheey"
Sari-saring reaksyon ng mga kaklase ko.
"Pero---" pagpuputol nya sa kasiyahan.
"Pero--- mag papakilala kayo isa isa para naman makilala ko kayo"
"Ehhh"
"Ma'am"
"Paulit-ulit ay ma'am"
Reklamo ng mga tinatamad ko ng kaklase hahaha, kahit ako din naman pala ayoko ng mag introduce your self nakakasawa kasi hahaha.
Kahit anong reklamo nila ay wala pa ding nangyari, tuloy ang pagpapakilala. Nag umpisa nang mag pakilala ang 1st, 2nd and 3rd row. 4th row na it means kami na. Tumayo na si Vire, hindi ko napansin na tapos na pala yung kabilang side, hati kasi sa gitna tong mga chairs bale dalawang group nasa right side kami.
"Hi my name is Vire Agre, I'm 15 and you can call me baby"
Nagtawanan ang mga kaklase ko pati na din si ma'am ay nakitawa na din, lakas ng sapak netong kaibigan ko hahaha. Sunod na tumayo si Elisse.
"My name is Elisse Cruz, I'm 15 thank you" pagkasabi nya non ay agad na syang umupo. Its my turn haha! Tumayo na ako.
"Good afternoon everyone my n---" hindi ko na tapos yung sasabihin ko nang may biglang pumasok sa loob ng room.
"Good afternoon ma'am sorry kung late" dire-diresto nyang sabi sabay lakad papuntang likod, kasunod naman nya yung isa pang lalaki. Okay weird grabe makatingin Kala mo mangangain ng tao psh.
"Next time wag na malelate Mr. Ameñas at Mr. Frona, kahit noong grade 7&8 lagi kayong late. Grade 9 na kayo, mag bago na hays" sermon ng teacher namin, para namang walang narinig yung dalawa eh. Baka may tulok hihi.
"Okay miss, tuloy mo na" nakangiting sabi sakin nung teacher.
"Ehem, good afternoon everyone, my name is Angelique Clizon, I'm 15 you can call me Ange" sabay upo.
5th row na, nag umpisa naman yung pagpapakilala sa right side Bali kasunod ko yung nasa likod ko.
"My name is VJ Ameñas" ohh, yun pala pangalan netong lalaki na to.
"My name is Toffer Frona" yun naman yung palangan ng nakabuntot sa kanya.
Sunod na tumayo si Anton, napansin ko na nagpipigil ng kilig yung mga babae, chaka lalande.
"Hi, my name is Anthony Vesco, I'm 15 you can call me Anton" sabay upo, sya na pala yung huli.
Hindi ko napansin na nakatingin pala ako Kay Anton napansin nya siguro kaya bahagyang tumingin sakin Pero bigla din nag Iwas ng tingin.
Napalingon naman ako sa dalawang katabi nya, grabe makatingin Kay Anton ha? Dukutin ko kaya mga Mata Neto psh.
Kesa mag sayang ng oras katitingin sa dalawang yun ay ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan.
"Okay class, medyo tanda ko na mga itsura't pangalan nyo, may konti pa kayong oras, gawin nyo na kung ano ang dapat nyong gawin. Class dismiss"
"Goodbye ma'am" sabay sabay naming paalam.
*to be continued