Chapter 2

6 0 0
                                    

Elisse POV

Matapos yung usapan namin ni Anton sa kotse ay saktong dating namin sa school.

"Una kana, park ko muna to kita nalang sa room" sabi nya.

"Sige" maikli Kong sagot.

Iniwan ko na sya at nagumpisa ng maglakad papasok sa school, habang nag lalakad iniisip ko padin kung ano ba talagang dahilan ni Anton kung bakit ganon nalang yung reaksyon nya hung sinabi ni Ange na sa kanya sya sasabay.

Sa sobrang pagiisip ko hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact non, tumingala ako para tignan kung sino ba yung nakabangga sakin, Si espasol 1 ata, oo sya nga si Ck ba yun?

"Ouch!" Sigaw nya.

"S-sorry, hindi ko sinasadya" paghingi ko ng umanhin.

"Tatanga-tanga kasi eh!" Sigaw nya sabay duro sa noo ko. Inaamin ko masakit, masakit kasi ang diin nung pagkakaduro nya sa noo ko plus ang tulis pa ng kuko nya, mukang dumugo sht.

*****

Vire's POV

"Ang tagal naman ata nila?" Takang tanong ni Ange.

"Oo nga eh, what if puntahan na natin? Baka nasa parking na yung mga yun" sabi ko naman.

"Good idea" nakangiti  nyang sabi.

Lumabas na kami ng room at naglakad na sa pathway, habang naglalakad kami may narinig kaming babae na sumigaw at dahil chismosa kami agad kaming tumakbo ni Ange palapit doon.

"Ange!? Si Elisse ba yun!?" Tanong ko nung matanaw ko yung babaeng pamilyar ang katawan na nakasalampak sa sahig.

"Elisse? Saan?" Takang tanong nya.

"Ayun!" Sabay turo ko dun sa babaeng nakasalampak.

"Oh shet! Si Elisse nga!" Sigaw nya sabay takbo. Pagkalapit na pagkalapit ni Ange doon ay agad nyang tinulak yung babaeng nanduro sa noo ni Elisse sabay alalay nya patayo kay Elisse. Lumapit din naman ako agad para alalayan si Elisse.

"Hoy kayo! Anong problema nyong mga espasol kayo?!" Sigaw ni ange doon sa dalawang babae sabay duro.

"Hey btch, your fingers please? Wag mo kong duruin! Saka duh? Anong tinawag mo sa amin?" Inis na tanong nung Ck.

Ck nga ba pangalan nun? Pag kakaalala ko sila yung nagpakikila samin kahapon. Ah! Oo Ck nga pangalan nya tapos Reigh naman yung isa.

"Espasol sabe ko!" Pag uulit nya.

"Ang lakas ng loob mong sabihan kami ng espasol ha! Palibhasa kase yung mukha mo oily!" sigaw naman nung Reigh.

"Wala akong pake sayo!" Sigaw din ni Ange.

"Well then wala din akong pake sayo" mahinahon na sabe nung Ck.

"At sino kaba sa akala mo? Lakas mo mangialam dito ha" Singit naman nung Isa, si Reigh.

"Eh gago ka pala eh, kaibigan lang naman ako nung babaeng sinugatan mo sa noo!" Galit na sabi ni Ange.

"Wag ka mangialam ditong Babae ka!" Sabay tulak nung Reigh sa balikat ni Ange, napalakas yung tulak nya kaya napaupo si Ange sa sahig.

Shems gusto ko tulungan si Ange dun at awatin na baka kasi kung San pa mapunta tong sagutan nila. Pero hindi ko pwedeng gawin yun dahil nga inaalalayan ko si Elisse.

"Kaya nya yan wag ka mag alala" napalingon ako sa nag salita nun, si Elisse pala.

Alam kong kaya nya yun, alam kong malakas sya, alam ko ding hindi sya nagpapapigil sa mga ganyan lalo na kung yung dahilan nung pakikipag away nya ay kaibigan na.

S'ya O Ako ?Where stories live. Discover now