HAPPY FOOLS DAY!

5 0 0
                                    

[COMPLETED]

--
"Sige na go na Karen! Ang dare ay dare and trust us pag nasabi mo 'yan magagawa mo na manlalaki. Go na 'day!" Tulak sa'kin ng mga kaibigan ko.

"Mga gago kayo, may araw rin kayo bitches!" Pabulong na sigaw ko sa kanila.

Argh! Kaya ayoko ng mga dare na 'yan napapahamak ako!

Unti-unti ay lumapit ako kay Jeff, ang taong gusto ko dito sa room namin. 'Di siya yung masasabi mong school heartthrob pero okay may laban siya. I mean, gwapo siya okay. Tapos magaling pa mag gitara at beatbox. Mabait pa! Jusmiyo marimar.

"Uh Jeff, pwede ba tayo mag usap?" Pauna ko.

"Huh? Ano ba 'yon?" Kunot-noo niyang tanong.

"Go Karen! Woooh we supporn este support you!" I glared at my friends and raise my middle finger to them.

Tangina kinakabahan na nga yung tao tapos gumaganyan pa sila.

"Ano kasi, ganito yan. Simula nang maging magkaibigan tayo doon na na--"

"Jeff tara hiram tayo gitara sa baba," tawag sa kaniya ni Paul.

"Mamaya nalang Karen samahan ko lang si Paul," paalam niya bago ginulo yung buhok ko.

No no no fvcking no! Kailangan na ngayon dahil pag hindi ililibre ko mga kaibigan ko. And I need to say those words naaa!

"I like you Jefferson! I realized that when we got closer to each other as time passed by." Sigaw ko dahilan upang matigilan siya at yung mga kaklase namin na nasa loob ng room. "At first I thought it was just your company that I like, not until we fought to each other. Ikaw kasi, sabi mo 'wag kita pansinin kaya tinotoo ko. Hanggang sa... aish basta doon ko na narealize na it wasn't just your 'company' that I like, it was you already. I fvcking like you Jeff. I really do."

Nanginginig boses ko habang sinasabi ang mga 'yon. Ramdam ko rin yung tagaktak ng mga pawis ko at ang lamig niyon! Lalo na nang lumapit siya ng ilang hakbang at tumigil din. 'Di ganoong malapit sakin. Kanina pa ako humihinga ng malalim para kumalma pati na yung puso ko but it seems like nothing's gonna stop this from beating so fast but to walk out of here. I'm trembling for Pete's sake!

"Sigurado ka ba diyan ha babae?" Ngisi niya sakin.

"W-well..." nginisihan ko rin siya kahit na kinakabahan ako at handang isunod ang sasabihin nang maputol iyon dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

"I don't like you," putol niya. "I don't like you Karen. But..."

"Happy April fools day!" Sabay naming banggit kaya nanlaki agad yung mga mata ko habang ngumiti lang siya ng malungkot.

Oh, my God. Ibig niyang sabihin...

Naglakad siya palabas kaya naman hinabol ko siya at hinarangan.

"J-Jeff joke lang 'yon? I mean yung 'di mo 'ko gusto, joke lang 'yon?" Tanong ko.

"Yeah, the truth is I like you Karen, pero--"

"Gusto kita, gusto rin kita. Y-yung April fools na sinabi ko dare lang sakin 'yon pero totoong gusto kita. Lahat ng sinabi ko kanina totoo 'yon walang halong biro o panloloko." Putol ko sa sasabihin niya. I need him to know the truth that I really like him!

"Seryoso ka ba talaga?" Ngisi niya.

"Ba't pag sinabi kong oo liligawan mo 'ko?" Hamon ko. "Edi yes, sinasagot na kita agad! Oo agad!" Ngisi ko.

"Miss Karen are you alright?" Napatingin ako sa adviser namin nang marinig ko ang boses niya at pagtawag sa'kin.

"P-po?"

"You've been spaced out half hour of my class and then you started saying nonsense. Are you alright?"

Tang... ama. Don't tell me imagination ko lang 'yon at nav-voice out ko pa?! Arghhh! Walang hiya na dare na 'yan na-advance tuloy pag iisip ko!

Nakita kong tumatawa mga kaibigan ko kahit yung ibang mga kaklase ko. At mas nakakahiyang pati si Jeff ay nakikitawa.

Sana lamunin na ako ng sahig ngayon! Bwiset pati imagination ko naloko ako! Nakisabay sa April 1st! Someone save me please!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAPPY FOOLS DAY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon