1

16 0 0
                                    



"Mei, lagi kang mag-oonline ha kahit naba magkaiba na tayo ng eskwelahan wag moko ipapagpalit sa iba ha"

"Piling ko nga mahihirapan ako magkaroon ng bagong kaibigan dun eh, kilala mo naman kasi ako diba masyado akong mahiyain baka talaga wala akong maging kaibigan dahil sa ugali ko."

Andito kami ngayon sa rooftop ng school, tapos na ang moving up day namin ngayon tumambay lang kami ng bestfriend kong si kaela saglit kasi ito na yung huli naming araw na magkasama kami after nun wala na. Napatingin ako sa ibaba kung saan marami ng estudyante na nagpapaalam sa kanilang kasama.

"Piling mo lang yun, hindi ka naman mahirap maging kaibigan eh kahit na mahiyain ka may pagka-baliw ka rin naman minsan so oks lang." Natatawang sabi nito kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Ikaw nga tong baliw eh, alam mo mamimiss kita taena parang hindi ko pa feel na last day na ngayon."

"Ako rin, parang ang bilis noh? Akalain mo yun grade 11 na tayo next sy." Mahinang sabi nito.

Sabay kami napabuntong-hininga, "Kae, nalulungkot ako." Mahina kong sabi nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napatingin siya sa akin naramdaman kong lumapit ito sa akin at inakbayan ako.

"Budoy, wag kana malungkot for sure magkikita pa naman tayo tsaka hellurr may social media noh." Masayang sabi nito, kaya naman napalingon ako sa kaniya nakangiti lang siya sa akin. Lumapit ito sa akin at may binulong, "Tsaka mei, uso gumamit ng social media."

Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya, paano naman dati pa niya kasi ako sinasabihan na gumamit ng social media like facebook, twitter, instag, and etc na hindi ko naman tipo. Actually may mga account naman ako, sadyang hindi ko lang talaga ginagamit masyado kasi bukod sa wala akong kausap eh tinatamad rin ako mag-online.

"Tatry ko kapag hindi na ako tinamad o kapag dinalaw ng kasipagan mag-online, tsaka may number ka naman sa akin pwede mo naman ako tawagan bakit kailangan pang may social media na iyan."

"Aba sympre! Kailangan talaga, may number ka nga sa akin, paano naman kita matatawagan kung wala akong load diba?? Tsakaaa hellurrr, sayang pera noh tapos one day lang magagamit yung load bakit ko pa igagastos sa load eh pwede ko naman igastos sa pagkain edi nabusog pa ako."

Napairap naman ako dahil sa pinagsasabi nitong babae na ito, "Mag social media kana kasi taena naman nito parang walang pagmamahal sa kaibigan." Natatawang sabi nito.

"Oo na sige na, tsk. Mamaya tatry ko mag-online, para sayo ang laban na toh!" Natatawa kong sabi kaya naman hinampas lang ako nito.









"Babye po tita at tito mag-iingat po kayo." Magalang na sabi ko sa magulang ng kaibigan ko andito na kami ngayon sa quad, ngumiti lang sa akin ang parents ni kaela at naglakad na ito papalayo samantala si kaela hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan. "Oh ano? Magpapiwan kanalang ba diyan?" Tanong ko sa kaniya.

Tumingin naman ito sa akin sabay, yakap sa akin kaya naman napangiti na lang ako. "Mamimiss kita budoy." Malungkot na sabi nito sa akin.

"Sus, para kang ewan diyan! Mamimiss rin kita sige na mauna kana hinihintay kana nila tita at tito oh." Nakangiti na sabi ko sa kaniya, kumalas naman ito ng yakap sa akin at tinignan ako sa mukha. "Mag online ka ha!" Masungit na sabi nito sa akin kaya naman tumango na lang ako at natawa.

"Ingat!" Sabi ko habang kumakaway, naglakad na ito papalayo at sumakay na sa kotse nito.







"Congrats, anak!" Bati sa akin ni mama ng makauwi ako ng bahay, ang kasama ko lang kanina ay ang papa ko hindi na nakasama si mama kasi may sakit ito.

"Thank you ma." Sabi ko at niyakap si mama, sabay bigay ng diploma ko na may kasamang medalya. "Para sainyo ito ma, thank you po sa lahat." Nakangiti na sabi ko, hinalikan naman ako ni mama sa pisnge.

"Ang galing talaga ng anak ko manang mana sa akin, halika kana nagluto ng pagkain yung kuya mo para sayo. Tawagin mo na ang papa mo ng makakain na tayo." Tumango na lang ako at naglakad papuntang labas para tawagin si papa.









"Mei, san mo ba balak mag senior high?" Tanong ni kuya sa akin, nandito kami ngayon sa hapag-kainan. Nagluto ng fried chicken, spaghetti, tapos may letchon pa at liempo.


"Kahit saan kuya" mahina kong sabi sabay kagat ng fried chicken.


"Nga pala mei, pag tapos mong kumain pumunta ka sa kwarto mo nandun yung regalo ko para sayo." Napahinto naman ako sa pagkain ko dahil sa narinig ko kay kuya, kaya naman nag-angat ako ng tingin sabay tingin sa kaniya ng nakangiti. "Mamaya kana tumayo tapusin mo muna yang kinakain mo." Pigil nito sa akin, tatayo na sana ako eh para sana tumakbo papunta ng kwarto ko.








Matapos kong kumain at magligpit ng pinagkainan namin sa lamesa, dumaretso na agad ako sa kwarto ko at bumungad sa akin ang malaki na box at nakasulat pa rito ang pangalan ko.

"Wow, ang ganda." Mahinang sabi ko sa sarili ko, agad kong sinira yung pangbalot at kumuha ng gunting para gupitin yung mga naka tape na nasa gilid ng box matapos ko magunting yung gilid ng box binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang laptop na kulay violet may design pa ito sa likod at sa harap.


"Nagustuhan mo ba?" Agad naman ako napatingin sa may pintuan dahil nandun si kuya nakatayo na nakangiti sa akin, kaya naman tumakbo ako papunta sa kaniya sabay yakap.


"Thank you kuya ko, ang bait mo talaga kahit kailan the best ka talaga!" Masayang sabi ko.

"Kahit kailan talaga bolera ka, sige na gamitin mo na yan at ako ay matutulog na. Goodnight panget kong kapatid." Napasimangot na lang ako dahil sa huling sinabi ng kuya.

Sinarado na nito ang pinto kaya naman pumunta na agad ako sa kama ko at kinuha ang bago kong laptop,napakaganda nito lalo na yung design sobrang cute.

Magagamit ko rin ito sa social media.










Take Note:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



-Nimbees🐝

Online CrushWhere stories live. Discover now