Chapter 7

42 2 0
                                    

Saturday, January 10, 2009

Kinabukasan ng madaling araw, ginising ako ni Mathew dahil sa may pupuntahan daw kami. Hindi pa pala kami dun sa resort na yun talaga kami mag-stay kumbaga nakitulog or stop over lang kami. Nag-ayos naman ako agad ng sarili ko pati na din ang mga gamit ko, kaunti lang naman kaya mabilis din akong natapos.

Pag-labas ko ng kwarto ko, nakita ko kaagad si Mathew na nag-hihintay sa'kin sa labas, sinalubong naman niya ako ng napakaganda at nakaka-in love niyang mga ngiti. Nilapitan niya ako at kinuha niya ang mga gamit ko. Napatitig pa ako sakanya ang gwapo kasi niyang tingnan sa magulo niyang buhok, hindi ko alam kung dahil di pa nag-susuklay o dahil lang sa hangin?

"Makatitig? Bakit mag-iinitiate ka na bang halikan ako?" Sabay bigay ng nakakalokong ngiti.

"Ang kapal ah? Tara na nga! Saan ba tayo pupunta?" Kasabay nu ay ang pag-hampas ko sa braso niya.

"Basta! Tara na. Baka maiwan pa tayo, ikaw sisihin ko"

"At bakit naman ako?"

"Tinititigan mo kasi ako, syempre aabangan ko baka halikan mo ko."

"You wish Mr. Ramos!"

"Oh I really do wish Ms. Pineda" he said using his sexy voice at nilapit ang mukha niya sa mukha ko, na parang hahalikan na talaga niya 'ko. God! I can smell his mouthwash, napatitig ako sa labi niyang namumula, nakakatempt halikan. Then I saw his lips form a smile. At duon ako natahuan sa kahibangan ko.

"Nakakainis ka talaga!" sabay hampas ulit sa braso niya habang tumatawa naman siya.

Nang hahampasin ko na ulit siya, napigil niya ang kamay ko, inipit niya sa bewang niya ang kaliwang braso ko, habang ang kana na braso naman niya ay nakapalupot sa likod. Then he whispered "But I'll wait until you're mine, para ako na mismo ang aangkin sa mga labi mo. Sa ngayon kailangan na nating mag-madali dahil baka maiwan na talaga tayo ng bangka." I heard him chuckled abit then he kissed me in my forehead.

Swear! Lahat ata ng dugo sa katawan ko napunta na sa mukha ko at napatulala talaga ako. Kaya lang masyado talagang panira ng moment eh.

"Uy?! Alam ko kinikilig ka, pero mamaya mo na ituloy yan, maiiwan na talaga tayo" pasigaw niyang sabi. Medyo nakalakad na pala siya palayo sa'kin di ko napansin.

"A-ang kapal mo talaga!" Hahampasin ko na ulit dapat pero bigla namang tumakbo.

"Hoy Mathew bumalik ka dito! Humanda ka talaga sa'kin pag-naabutan kita!!"

Pero Hindi sniya ako pinakinggan, tumakbo pa din siya hanggang sa makarating kami sa portside. Grabe! Nakakahingal ah! Para na akong nag-exercise nito. Nang maabutan ko siya, hinampas ko talaga ang braso niya ng malakas!

"A-aka-la mo ah! Na-ka-kainiska talaga! Panira ka ng moment eh!" hingal kong sabi sakanya.

"Hahaha! Hayy! Sige na, sorry na po. At least di tayo maiiwan. Tara na!" sabi niya sabay lahad niya ng kamay niya.

Pagpunta namin sa may sakayan ng mga bangka ramdam na ramdam ko ang lamig at ang sarap ng hangin na tumatama sa balat ko, panira lang yung amoy eh, ang lansa, dahil nga port ang lugar na 'to dito din dinadala o binabagsak ng mga mangingisda yung mga nahuli nilang iba't ibang klaseng isda, pusit, talangka at kung anu-ano pa. Tinirintas ko ang mahaba kong buhok para hindi dumikit yung amoy at para na din hindi liparin.

Halos forty-five minutes yung binyahe naming papunta sa isla, pero sulit dahil super ganda nung place, manghang mangha talaga ako sa nakikita ko ngayon, hindi pure white sand pero nangingibabaw ang kaputian nito, ang ganda ng pagkakalandscape ng lugar, tsaka iilan lang ang tao. Narinig ko pa ngang dapat daw member ka dito para makapunta at ma-enjoy ang mga amenities dito at mahal ang magpa-member. Tsk! Pag-iipunan ko membership ko dito!

Mathew held my hand then we walked through the lobby, diretso na kami sa mga room namin, sa pagkamangha ko, ko na napansin na naasikaso na pala niya yung check-in naming dito.

Andito na kami sa tapat ng room, wait?! Are we going to share the same room? Kahit gusto ko, NO! Hindi pwede! Hindi pa pwede! Hindi pa nga kami eh, tsaka baka hindi ako makapag-pigil, wait? Ako tagala?

"Aray!" sabay sapo sa aking noo, tapos naramdaman ko naman yung parisukat na bagay sa noo ko, key card pala. Dinikit ba naman sa noo ko, di na lang ibigay ng maayos eh! Ipinilig niya ako patalikod at tinapat sa pinto.

"Kahit gusto kong kasama ka sa iisang kwarto hindi pwede, kaya dyan ka sa kwarto na yan, pero kung gusto mo naman akong gapangin mamayang gabi andito lang ako sa katapat na kwarto mo." Narinig kong napaismid siya. At humarap naman sakanya at sabay hampas sa braso niya.

"Ang kapal ah!"

Tumawa lang siya! Nakakainis! Hindi ba niya alam na ang hirap na mag-pigil! Did I just say that? Grrr! Kasi naman! Papasok na sana ako ng hinikit niya ang braso ko at napaharap sakanya.

"Kung gusto mo magikot-ikot dito, sige lang basta maligo ka muna, ang lansa mo na eh. Hahaha!" Nakaka-asar talaga 'to! Ano bang problema niya? Kanina pa niya ako inaasar ah. Dahil sa pang-aasar niya nahampas ko na naman tuloy ulit siya at tiningnan ng masama.

"Hahaha, biro lang! Kahit ano pang-amoy mo, di pa rin mag-babago ang tingin ko sa'yo." Sabay ngiti. Okay! Natunaw na ko.

"At isa pa pala, kung gusto mo nga talagang pagliwaliw dito, ikaw ang bahala, pero hindi kita masasamahan, may pinapagawa kasi sa'kin si Dad. Sorry" then he kissed my forehead. Parang bumigat ang dibdib ko, ang perfect na sana. Ang ganda ng lugar, tahimik, eto na yung time na makakapag-bonding kami, balak ko na nga din sana siyang sagutin, kaso wala naman siya.

"Hey!" Mahinahon niyang sabi, hinawakan niya ang baba ko at sabay inangat.

"Sorry, Kailangan ko lang talagang asikasuhin 'yon. Promise babawi ako. Hmm. Ganito nalang meet me later around 5pm, where something nice, wear a dress if you have. Don't put make-up okay? I like you plain and simple. Because you're still beautiful even without those face paints." Face paints? Pfft! Gusto ko sanang matawa, kaso sira moment. So, I just gave him my sweetest smile, he hugged me and kissed my forehead again. I really love this guy.

Le LivreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon