STARTER
"Jungkook! Open the door! May fansign event pa tayo mamayang 3pm!" Agad akong naglagay ng headset para hindi ko marinig ang ingay na nanggagaling sa labas ng dressing room.
That's it. Music is very relaxing.
Kaso parang may kulang.
Umayos ako ng upo at binuksan ang phone ko. It's been decades since nahawakan ko to. I'm always busy at my career. Nawawalan na ako ng time sa sarili ko, sa buhay ko, at sa nangyayari sa lugar ko.
I started checking news. Kung hindi ako magiging idol, baka siguro babagsak ako sa pagiging reporter. I always love to speak out. Hindi lang halata.
One of the most trending sa news. I clicked it without thinking kung ano meron.
Zodiacus Beta Gaming Universe. A game. A futuristic game.
"Cool." I blurted out. I started downloading this game, real quick.
After a long wait, I opened the game.
▁ ▃ ▅ ▆ ▇ ▊▉▉▊▇ ▆ ▅ ▃ ▁
ZODIACUS BETA GAMING UNIVERSE
PRESS START
▁ ▃ ▅ ▆ ▇ ▊▉▉▊▇ ▆ ▅ ▃ ▁
loading. . . . .
▁ ▃ ▅ ▆ ▇ ▊▉▉▊▇ ▆ ▅ ▃ ▁
ENTER YOUR NAME:
XYTHUS IUME INFERNO
ENTER
▁ ▃ ▅ ▆ ▇ ▊▉▉▊▇ ▆ ▅ ▃ ▁
loading. . . . .
▁ ▃ ▅ ▆ ▇ ▊▉▉▊▇ ▆ ▅ ▃ ▁
WELCOME AND ENJOY !
▁ ▃ ▅ ▆ ▇ ▊▉▉▊▇ ▆ ▅ ▃ ▁
As soon as I opened my eyes, all I see is a purple-ish skies.
Pagkabangon ko, may nararamdaman akong gumagalaw sa itaas ng ulo ko. Kinapa ko ito at may isang kakaibang nilalang ang nakapa ko. Pagkakuha ko, isa itong pagong.
Pagong?!
"Waaa!" Bigla kong naibato ang hayop na yun. Tumama ito sa may damuhan. Napatayo ako sa pagkakahiga ko at agad nilapitan ang pagong. Kawawang pagong.
"I hate you." Napanganga ako nang marinig ko ang sinabi nito. Nagsasalita siya?!
Napatingin ako sa paligid ko. Nasaan ba ako?
"Hey Mr. Turtle, where am I? Why am I here?" Tanong ko sa pagong.
"To survive." Para akong naestatwa nang makakita ako ng isang masungay na hayop. Ram ba ito? Pero bakit boses babae? Diba lalaking sheep ang ram?!
Bigla nalang itong nagtransform. Isang babae.
"You need to survive in order to get back to your own world, Xythus." Sabi nito habang palapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat.
Napangiwi ako dahil may naramdaman akong kung ano. Binitawan na niya ako.
Napahawak ako sa balikat ko. May naramdaman akong nakaukit dito.
Bigla nalang itong nawala na parang bula.
W-what did just happened?